September 29, XXXX (Day 6)
MAAGA akong gumising para makapagluto ng pagkain naming dalawa sa buong maghapon. Dahil kapag hindi pa ako makapagluto ay baka ako na ang kainin ni halimaw. Hindi pa ako ready mamatay at ayaw ko rin mamatay ng maaga.
"Hmm.. Ano kaya ang lulutuin ko?" nakatingin ako sa laman ng refrigirator habang nag-iisip ng kung ano ang iluluto ko.
Nang makaisip na ako ay kinuha ko na ang mga sangkap na kakailanganin ko. Para makapagsimula na at matapos ng maaga.
"Okay, dapat matapos ko agad ang pagluluto." nakangiting sabi ko habang may hawak na kutsilyo.
After two hours.
"Okay na siguro ito, hindi naman magrereklamo 'yung lalaking iyon. Pininyahan, menudo, calderetta, sisig at nilagang baka ang mga niluto ko. May fried rice na rin akong ginawa. Baka biglang mag-request ng fried rice sa kalagitnaan ng pagkain namin." sabi ko habang nakatingin sa mesa kung saan ko hinahain ang mga niluto ko.
Sampong minuto akong nagpahinga bago lumabas ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin.
I need fresh air. Hindi 'yung pareho kami ng hangin na hinihingaan ni halimaw. Parang nasa-suffocate ako tuwing iniisip ko iyon.
Tiningnan ko muna ang bahay bago ako tuluyang umalis at naglakad-lakad.
Maraming puno sa lugar na ito at puro matataas. May nakita rin akong iba't-ibang klaseng halaman.
"Wow! May puno ng mangga! Akalain mo 'yon, kahit september na tag-bunga pa rin." nakatingala ako sa puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga.
Naglalaway at nangangasim na rin ako. Marunong naman akong umakyat ng puno, kaya kukuha ako ng ilang kumpol. Tama ang pagdala ko ng eco bag na ito. Mapaglalagyan ko ng mga bunga na makukuha ko ngayon.
Nagsimula na akong umakyat ng puno na madali ko lang nagawa. Hindi ako umakyat sa pinakatuktok dahil delikado na kung aakyatin ko pa iyon. Kaya dito ako sa medyo gitna ng puno na panay kuha ng mangga.
Puwede naman ako kumuha ng kahit ilan, hindi naman magagalit si Tita Thallia. Isa pa, bibigyan ko naman ang halimaw niyang anak.
Napuno ko na ang eco bag ng mangga at dahil na takam ako sobra ay kumuha ako ng isa at kinagat ito para kainin.
'Yon, ang saya! Hindi maasim ang mangga. Masarap itong isawsaw sa toyo na may asukal at asin, pati sili. Yummy!
"Hoy pangit!" kamuntikan na akong malaglag ng may sumigaw sa baba. Mabuti nalang mabilis akong nakabalanse ng katawan.
"Halimaw! Kailangan sumigaw?" pagtataray ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.
Tss! Pasalamat ka anak ka ni Tita Thallia, pasalamat ka rin na guwapo ka. Baka nabato na kita ng mangga. Tsk!
Isinukbit ko sa kaliwang balikat ang eco bag at dahan-dahan na bumaba.
"Lumundag ka nalang pangit at sasaluhin kita. Dalian mo na! Gutom na ako!" sigaw na naman niya.
In your dreams halimaw, neknek mo!
Malapit na sana ako sa baba nang biglang bumigay 'yung sangang hinahawakan ko.
"Aaah!" sigaw ko na napapikit ng dalawang mata.
Hinintay kong makarinig ng pagkabali sa likod ko matapos mag-landing sa matigas na bagay ang katawan ko. Pero wala akong narinig na kahit ano o naramdamang masakit.
"Ang bigat mo pangit, hindi ka naman mataba, ah!"
Napamulat ako ng dalawa kong mata at natunghayan ang mukhang hinding-hindi ko gustong makita.
"Aah! maniac!" sigaw ko na pumapalag pa para makababa mula sa pagkakasalo niya.
"Tch! Ako? Maniac? Are you out of your mind pangit?" natatawa pa siya. Pagkatapos ay binaba niya na ako.
"Kuwento mo sa pagong." pagtataray ko bago naglakad habang nakasukbit pa rin 'yung eco bag.
"Tsk! Saan ka pupunta? Hindi diyan ang daan pabalik." sabi niya sa akin dahil ibang daan ang tinatahak ko.
"Ano bang pakialam mo? Pinagluto na kita, ah. Kaya huwag mo akong susundan." sabi ko habang naglalakad ako tapos 'yung halimaw nakabuntot sa akin.
"Kaya nga kita hinanap kung saan-saan dahil wala ako kasabay kumain." sabi niya.
Napakunot noo ako at medyo nairita kasi alam ko na ayaw niya akong makasama at ayaw ko rin siyang makasama. Lalo na pagdating sa pagkain dahil nga madalas kami nag-aaway at nagkakasawaan na rin kami ng mukha.
Kahapon lang akala niya nasa aking ang kusina para kalampagin at wasakin ang kuwartong tinutulugan ko. Huwag niyang sabihin sa akin na nasa akin ang kutsara't tinidor pati plato? Tss!
"Malaki ka na, kaya mo ng kumain mag-isa. Hindi mo ko yaya para paghainan at subuan ka pa." binilisan ko ang lakad para makalayo na sa kanya.
"Kung hindi ka masabihan sa maayos na paraan, sa dahas kita isasama." sabi niya na hindi ko na gets.
Nagulat ako ng maabutan niya ako at hinablot pa ang eco bag sa akin.
"Hoy! Mangga ko 'yan!" sigaw ko.
"Alam ko, magsawa ka sa mangga mo. Babalik na tayo." pagkatapos niyang sabihin 'yon. Pinasan niya ako na parang isang sakong bigas na nasa kanang balikat niya.
"Hoy! Halimaw! ibaba mo nga ako!" sigaw ko na pinaghahampas ang likod niya.
"Pasalamat ka, pinapasan ka ng guwapong tulad ko." pagmamayabang niya.
"Tss! Halimaw ka pa rin." sabi ko.
KITA MO itong halimaw na ito, matapos kong sabayan kumain. Pinandidirihan pa ako.
"Anong tinitingin mo?" tinaasan ko siya ng kilay habang ngumunguya.
"Hindi ka lang pala pangit, weird ka rin." nandidiring sabi niya.
"Anong weird? Ang sarap kaya nito, tikman mo." itinutok ko pa sa mukha niya ang manggang kinakain ko.
Nandiri siya at biglang inilayo ang mukha. Magkaharap kami ngayon at nanonood ng movie through DVD player.
"Ilayo mo nga 'yan sa akin." nandidiring sabi niya.
May biglang nag-pop up sa isipan ko.
"Ah, halimaw, anong paborito mong ulam?" tanong ko habang nagsasaw ng mangga sa paborito kong sawsawan. Ang toyo na may asukal, asin at sili.
"Sinigang." sagot niya na nangingislap ang mata.
Nang marinig ko ang salitang "gang" isinubo ko sa bibig niya ang manggang hawak ko. Nakita ko kung paano siya nandiri at parang masusuka pa.
"Kapag niluwa mo iyan, wala kang sinigang." nag-smirk ako sa kanya.
"......" wala siyang sinabi pero tinakpan niya ang ilong niya na pilit nginunguya ang mangga.
Haha! mabuti nalang, nasabi ni Tita Thallia na sinigang ang paboritong ulam ng anak niya. Mukhang mas masayang asarin siya kaysa turuan na magmahal.