HALOS three weeks na siyang nakatira sa bahay ni Daryl. Yes, ganoon na katagal. Halos hindi naman sila nagkikita dahil sobrang busy niya ngayon. Hindi ganoon kadaling mag-manage ng tatlong negosyo. Lalo na at lahat ay nangangailangan ng atensyon. At higit lalo pa kung may bwisit sa kompanya. Sino pa nga ba? Walang iba kung hindi si Neliza. Umaalis ito sa bahay nito ng tulog pa siya, darating naman siya sa gabi na tulog pa ito o kaya naman wala pa ito sa bahay. Siguro kapag ginagabi ito ng uwi, nagha-happenings pa sa kung saan man. Baka nasa kung kaninong kandungan ng babae. Isang bagay na hindi niya alintana. Pakialam ba naman niya sa mga ginagawa nito. Tulad nga ng paulit-ulit niyang sinasabi, nagkukunwari lang sila. She don't need to interfere in his affair with his girls. At lalong hi

