PAGGISING ni Cassandra kinabukasan, dahan-dahan pa siyang nagmulat ng mga mata. Baka kasi kung ano na naman ng posisyon nila ni Daryl. "Ouch!" napasigaw siya nang pagbiling niya sa pagkakahiga ay kumirot ang bandang ibaba ng katawan niya. Mukhang napuruhan talaga siya sa pagkakadulas kagabi. "What happened?" hindi niya alam kung saang parte ng kwarto galing itong si Daryl, kung sa veranda ba o sa CR. Basta na lang kasi lumitaw pagkasigaw ni Cassandra. "My back, it hurts." Ungol ni Cassandra na sapo ang bandang likuran. Nakatagilid siya at hindi maipinta ang mukha dahil sa kirot. "May I see." hindi na hinintay ni Daryl ang sagot ni Cassandra. "Hey! Whay are you doing?!" napasigaw na naman siya hindi dahil sa sakit kung hindi dahil sa gulat nang biglang itaas ni Daryl ang suot niyang pan

