"ARE... You.. Sure?" nakasandal na sa kotse nito si Yuan, namumungay na ang mga mata dala ng kalasingan. "Yeah." ikinumpas ni Cassandra ang mga kamay as if shooing him away. Binuksan niya na ang car door ng sariling kotse. "Go home and sleep, Yuan." She kiss him on his left cheek at tinapik ito sa balikat bago sumakay sa kotse. "Mag ingat ha!" sigaw niya bago pinaharurot ang sasakyan paalis. Naiwan na lang si Yuan na nakatayo sa parking lot. They drank for about 4 hours. At ngayon nga past midnight na. Marami pa naman siyang kasabayan sa kalsada na mga sasakyan kaya hindi siya natatakot magmaneho mag-isa. Besides, ano ba ang dapat niyang ikatakot? Honestly, she’s not afraid to die. Kahit ngayon, okay lang na mamatay na siya. That was one thing she had learned in this goddamn life of her

