HINDI alam ni Cassandra kung paano magre-react ng makita si Daryl. Mabilis na kumabog ang dibdib niya nang magkatitigan silang dalawa. Kapwa silang natigilan at napatigil sa paghakbang kasabay ng tila pag tigil rin ng pag-ikot ng mundo. Tingin ni Cassandra ay dahil sa nainom na alak ang biglaang pagkabog ng kaniyang dibdib, it couldn’t be because of Daryl dahil ipina-intindi na niya sa sarili na kailangan na niyang kalimutan ang nararamdaman sa binata. "Hey!" naagaw ang atensyon ni Cassandra sa tumabi sa kaniya. Nang lingunin ni Cassandra, si Kazu pala. Pero ang ngiti ni Kazu, unti-unting nawala ng mapagmasdan ang mukha niya. "What happened?" kumunot ang noong tanong nito. Nagtaka si Cassandras a tanong ni Kazu."B-bakit?" Sasagot na sana si Kazu ng maagaw ang atensyon nila. "Daryl! An

