Chapter 46 Matapos ang inuman na naganap sa hide out nina Taz ay nag kaniya-kaniya na ng uwi sina Lunova. Dahil may sari-sarili naman silang dalang sasakyan ay nagpaalaman lang sila bago nagsi-uwian na, habang nagpa-iwan si Taz at Balance sa hide out. Nasa biyahe na si Lunova pauwi sa bahay nila ng mag ring ang cellphone niya na nilagay niya sa dashboard, wala sanang balak pansinin ni Lunova ang tumatawag sa kaniya pero hindi siya tinantanan ng tumatawag na alam na niya kung sino ito. Kinuha ni Lunova ang earpiece niya at isinuksok sa kanang tenga niya bago niya doon sinagot ang tumatawag sa kaniya. “Hel---“ (Kuya!!!!!) Bahagyang napangiwi si Lunova sa pasigaw na pagtawag sa kaniya ng kaniyang kausap na ganito lagi ang ginagawa pag tinatawagan siya nito. “Don’t s

