Chapter 45 Isang linggo ang nakalipas simula ng dalhin ni Balance si Tadeus sa hide out nila kung saan nakilala na nito ang iba niyang mga kaibigan na present sa mga oras na ‘yun. Noong oras na ‘yun ay pansin ni Balance ang pagka-ilang ni Tadeus sa iba pang naroon lalo na kay Taz kaya matapos ang naging inuman nila sa hide out ay kinabukasan ay agad hinanap ni Balance kung saan niya pwedeng matagpuan si Tadeus dahil may pakiramdam siya na hindi na ito babalik para sumama sa kanila. Alam ni Balance na hindi pa tuluyang pumapayag si Tadeus na sumali sa samahan nila pero kasamahan na ang tingin nila dito kaya ng malaman niya kung saang medical school ito pumapasok ay pinupuntahan niya ito at inaaya muli pero tinatanggihan nito. Isang linggo na hindi tinantanan ni Balance si Tadeus, isang l

