Chapter 55 Hindi mapakali si Demon sa loob ng kwarto ni Devil matapos silang paakyatin sa kanilang kwarto dahil sa pag-uusap na gagawin ng kanilang ama at ni Taz na ikinagulat nilang makitang nagpunta sa kanila upang sunduin sila. Hindi rin nila inasahan ang pagyuko ni Taz sa kanilang ama upang pumayag itong makasama sa grupo nito na kung hindi inasahan ni Devil ay siya namang sobrang ikinagulat ni Demon, at alam niyang nung oras na ‘yun ay sabay na lumaki ang respeto nilang magkapatid kay Taz. “Damn! Mapakiusapan kaya ni Boss Taz si Lucifer? Tangna, hindi ako mapakali dahil baka kung ano-ano ang sinasabi ng tatay natin kay Boss Taz.”pahayag ni Demon na hindi niya maitago ang kaba na nararamdaman niya na halatang-halata sa pabalik-balik na paglalakad nito sa kwarto ni Devil na poke

