Chapter 54 “D-damn….fuck f**k f**k?!” Agad na binitawan ni Sergio ang barbell na buhat-buhat niya na malakas na ikinahiyaw nina Paxton dahil ang tagal ng oras na nagawa ni Sergio sa pagkakabuhat niya sa barbell ay malapit ng mag tatlong minuto. Nang magsimula ang pustahan nila kanina pampalipas ng oras habang hinihintay nila ang pagdating ni Taz at ng kambal ay isa-isa na silang sumubok kung sino ang makakatagal sa pagbuhat ng barbell na higit 55 kilograms ang bigat na bubuhatin nila. Nauna si Travis sa pustahan nila pero hindi pa man nakaka-isang minuto ay nagmumurang binitawan na niya ang barbell dahil sa bigat nito na pinagtawanan nina Paxton. Sumunod naman si Shawn na isang minuto at labing apat na segundo palang ay nangalay na ang mga braso kaya binitawan niya na at gan

