ABALA kami sa paglilinis ng buong mansion dahil may bisita raw na darating ngayon si Señorito Hector. Hindi sinabi kong sino ito basta raw ay isang bagong investor na mag-iinvest sa rancho at hacienda ni Señorito. "Manang Celia? Nakita niyo po ba si Scott? Kanina pa hinahagilap ng mga mata ko ang anak ko pero hindi ko talaga makita. Nag aalala na ako at baka kung saan na 'yon nag punta." Tanong ko kay Manang Celia na abala sa pagwawalis. Kakatapos ko lang kasi mag linis sa guest room na gagamitin ng bisita. Ang iba namang mga katulong ay nagpupunas sa ceiling, sa malaking ceiling fan at ang iba naman ay nagluluto. "Ay kanina nakita ko nakikipag laro sa anak ni Esmeralda dito pero agad rin silang naghahabolan papuntang labas Patrice. Baka naman andon ngayon 'yon sa mga maisan at naglalar

