ALAS onse na ng gabi pero wala parin si Gray. Nag-aalala na ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya. I kept blaming myself for his behavior. Kasalanan ko naman talaga at walang dapat ibang sisihin kung di ang sarili ko. Because of my stupidness, selfishness and childish attitude kaya tuluyang nawala sa akin si Gray, ang asawa ko. Hindi ko alam kung mag-asawa pa ba ang matatawag sa amin dalawa dahil para lang kaming hindi magkakilala. Walang araw na hindi siya umuwi ng late at ang dahilan, kung hindi siya lasing ay nag o-overtime siya sa trabaho. Kapag uuwi naman siya sa bahay namin ay matutulog lang siya at kakain pagkatapos ay aalis na naman para sa trabaho. Bilang lang talaga ang oras na namamalagi siya dito sa bahay namin at sa mga bilang na oras na 'yon ay minsan lang kaming

