Tanging ang lamig lang ng hangin ang sumasalubong sa akin habang dahan-dahan akong umakyat sa hagdan patungo sa top floor ng building. The building is newly reconstructed pero hindi pa ito tuluyang ayos dahil sa pagkaka-alam ko sa mga sinabi ng pulis, pinatigil raw ito ng may ari because of some contract problems. Mahigpit na niyakap ko ang sarili ko habang hindi maalis sa isip ko ang takot para sa kalagayan ng anak ko. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Scott. Wala naman akong sinisisi sa katiwala o security at bodyguard nila Gray dahil ang lahat ng ito ay kagagawan ni Auntie. Naiintindihan ko naman ang galit niya dahil nasaktan siya ng lubos dahil sa pagmamahal sa aking ama pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan niya pang pumatay at

