"Mama!" Sigaw ni Scott saka ito tumakbo papunta sa akin. Kakalabas ko pa lamang sa hospital at dumeretso kami sa bahay ng mga magulang ni Gray. Dito muna daw kami mananatili kapag na ayos na ang lahat na kailangan niyang taposin. Niyakap ko naman si Scott at kinarga ko ito. "Hindi ka pa maayos hija. Scott, h'wag masyadong pagurin ang mommy mo okay?" Sabi ni Tita Daphne at bumeso siya sa akin. "Scott, come to daddy. Sa akin ka nalang mag pa karga muna okay?" Pero umiling lamang si Scott saka ito yumapos sa leeg ko. "Hayaan muna." Sabi ko sa kanya saka ako nag mano sa daddy ni Gray. "Good afternoon po." "Welcome home my dear." Sabi ni Tito Brix at nginitian ako. "Salamat po." Nahihiya kong sabi. "Marami tayong pag-uusapan ngayon pero bago 'yon, kumain muna tayo." Sabi ni Tita at suman

