Napa luhod ang isang tuhod ni Auntie sa lupa habang iniinda niya ang sakit sa kanyang likod na dulot ng tama ng bala. Nilingon niya ang mga taong bumaril sa kanya saka ginantihan niya ito ng mga paputok. Agad namang nag si tago sa pinto ng sasakyan ng mga pulis patrol ang mga pulis. Agad na hinila ako ni Auntie Meridel. Hindi nakapang laban si Gray dahil nadaplisan din siya sa balikat sa pag baril ni Auntie. "Gray...." Lumuluhang sabi ko habang mas higpit akong hinawakan ni Auntie sa leeg. "Subukan ninyong lumapit at papatayin ko ang babaeng ito!" Sigaw ni Auntie Meridel. Hindi siya halos makapaniwala na may dadating na mga pulis, maging ako ay nagulat sa kanilang biglang pag sulpot. Pero malaki ang pasasalamat ko at rumesponde sila ng tulong at napatay ng mga ito ang mga tauhan ni Aunt

