Chapter 1

2782 Words
Hindi ko mapigilan ang kabahan ng sinabi sakin ng mataray na beke na HR Head na gusto raw akong makita ngayon ng CEO at Presidente ng Montejo Empire. Halos hindi parin mag sink in sa ulo ko ang sinabi niyang, tanggap na raw ako! Akalain mo yun, sa halos dalawang taon ko ng paghahanap ng matinong trabaho eh sa isang kalaking kompanya pa katulad ng Montejo Empire ako matatanggap. Hindi naman sa bobo ako o tamad kaya walang tumatanggap sa akin. Siguro, isa ang KATAKOT-TAKOT kung ITSURA ang dahilan kaya't hindi paman ako nakakapasok sa ina-applayan kong oposina eh hindi na ako tanggap. Hindi ko naman alam kung nakakatakot ba talaga ang itsura ko o kung ano. Buo at kompleto naman ang katawan ko, mayroon namang akong pinag-aralan at sa kaunting pagmamalaki, gumraduate akong Magna Comlaude. "Pasok," tamad na sabi sakin ni Sir Henry. "Dumeretso ka lang at pag liko mo sa dulo, you will see a wide color gray double door, iyon ang pinto papunta sa opisina ni Sir." "Eh sir, di-di niyo po ba ako sasamahan?" Tumaas ang kilay nito ngunit nag alis rin ng tingin sa akin ng tiningnan ko siya sa mga mata, "pwede ba. Wag mo akong titigan! Buti nga nakaya kung samahan kita hanggang dito. Wag na wag mo na akong ulit titingnan sa mata! Sige na, pumunta kana at kanina ka pa niya hinihintay," sabi nito saka pa kembot na nag lakad paalis. Ano bang problema sa titig ko? LAHAT nalang ng taong nakakasalubong at tinititigan ko ay ganon nalang ang takot. Minsan pa nga ay bigla nalang silang tumatakbo kahit wala naman akong ginagawa sa kanila. Napabuntong hininga ako saka hinigpitan ang pagkakahawak ko sa strap ng sling bag ko. "Ano kaya ang itsura ng Sir ko? Hindi ko pa siya nakikita sa personal. Nakita ko na siya minsan sa mga magazine at newspaper pero ang mukha niya kung hindi naka tagilid e may suot naman siyang shades." Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa maka abot ako sa pintong sinasabi ni Sir Henry. Malaki at malapad nga ang pinto. Para namang higante ang nagta-trabaho rito dahil sa taas ng pinto. Napa-iling nalang ako. Ganito siguro kapag magmamay-ari ng isang malaki, matagumpay at mayaman na kompanya. Kumatok ako ng pang tatlong beses saka automatiko naman itong nag bukas. Halos malula ako sa laki ng loob. Simple lang ang desenyo at mga furnitures pero halatang mamahalin at imported lahat. Natigil ako sa pagtitig ng mga gamit ng makita ko ang isang malapad na likod na nakatalikod mula sa akin. Marahil ay ito ang boss ko. Ang tangkad niya pala saka ang laki ng katawan. Para siyang isang wrestler. Siguro yong mukha niya parang ganon kabugbog gaya ng mga mukha ng mga wrestler. Tumikhim ako pero hindi ako nito pinansin. Tumikhim ulit ako, saka ito napatingin sa akin. Nang magtagpo ang mga mata namin ay ganon nalang ang pag bilis ng pag alis ng tingin niya sa akin. Pati ba naman si Sir takot sa tingin ko? Napayuko nalang ako. "Goo... Good morning Sir," bati ko. "Sit down." Ang tipid naman niyang mag salita. Agad na umupo ako sa isang puti at malambot na sofa. Nakayuko lang ako habang nginangatngat ko ang kuko ko. Nag hintay ako ng salita ni Sir ngunit walang lumabas sa bibig niya, marahil ay hangin lang. Ganito ba talaga siya? Sa pagkakarinig ko kasi mula sa ibang mga employers kanina, matalak daw si Sir lalo na kapag hindi niya nagugustuhan ang mga result ng trabaho nila o kayay pumalpak sila. "Encode all these data and after you encode these, make a report and presentation about the introduction of Montejo Empire Hotel and Resorts 50th anniversary plus after you make a report, photocopy all these files. Now do it! Hurry!" Wow. Minsanan lang mag salita si Sir pero kung magsalita siya e parang robot ang inuutusan niya. Mabilis na kinuha ko ang mga tambak na papeles saka dinala iyon sa labas. Interconnected lang kasi ang opisina ko sa opisina niya. Sa pagkakarinig ko rin kasi, ayaw na ayaw niyang may kasama siya sa kanyang opisina o maski sa kahit na anong lugar na pag-aari niya. Kaya nga raw wala siyang driver or bodyguard dahil ayaw niyang may kasama siya. 12:30 pm na pero hindi parin ako nanananghalian dahil sa halos hindi pa ako nangangalahati sa pinag-uutos niya. Sobrang daming tambak ng trabaho naman tong pinagawa niya. Pero tiis tiis nalang. Sino ba naman kasi ako para kumontra? Isa pa, napakalaking opportunity na matanggap ako dito sa Montejo Empire kaya hindi ko ito papalampasin. Nang matapos ko ang pag encode ng lahat ng data, gumawa naman ako ng presentation at report. Medyo natagalan pa ako dahil tiningnan at ni review ko pa ang previous magazine ng celebration nila. Matapos ng tatlong oras ng paggawa ng presentation at report ay naisipan ko munang kumain. Hilong-hilo na ako at kumakalam narin ang tiyan ko. Kinuha ko ang aking pitaka saka mabilis na inayos ang nasira kung buhok. Mahal na mahal ko pa naman itong mahaba at itim kung buhok. Ito nalang kasi ang ala-ala ko saking ina. Sa tuwing sinusuklay ko ang aking buhok, naaalala ko iyong araw na kasama ko pa ang aking ina at inaalagaan niya ako. Lalabas na sana ako ng opisina ng marinig ko ang pag ring ng bell. Ibig sabihin kasi nito ay tinatawag ako ni Sir. Napa-ihip ako sa aking bangs. Kung kailan kakain na ako saka siya tatawag. Agad na pumunta ako sa office ni Sir. Ngunit, magsasalita pa lang sana ako ng maramdaman ko ng nagiging dalawa ang katawan ni Sir sa paningin ko. Hanggang sa wala na akong maaninag ng maayos at bigla akong nawalan ng malay. ~~~~~~~~~~ Sumilay sa mukha ko ang naka kunot na noo ni Sir at ang nagtatagis niyang bagang. "For Christ sake! What happen to you?!" Bulyaw niya sa akin. Napabangon agad ako at tiningnan ang buong paligid. Asan ako? Bakit nasa isang malapad at malambot na kama ako? Tsaka ang paligid, kaninong bahay to? Bahay ba to o palasyo? "Are you listening to me Ms. Felicilda?!" "Ah, uh-oh Sir. Ano, kasi..." "What?! Haven't you eaten your lunch kaya ka nagkaganyan? f**k! Didn't you know that you almost made my heart drop after seeing you fall and lifeless? What were you thinking?!" Hindi ko mapigilan ang pangingilid ng aking luha pero mabilis ko iyon pinunasan. Tiningnan ko si Sir sa mga mata pero agad siyang nag iwas at lumayo sa akin. Siguro, isa rin siya sa dinami-dami ng taong takot sa akin. "Pasensya na sir, gusto ko lang matapos agad ang trabaho para wala kayong ma e reklamo." Ito lang kasi ang katangi-tanging kompanyang tumanggap sa akin at gusto kong e prove na karapat-dapat ako sa salitang "you're hire". "I didn't tell you to finish it now, I just say that you need to do it hurriedly. f**k, next time, you should eat your lunch before you do your work." Tumango naman ako. Nakahinga ako ng maluwag ng kumalma na siya. Bakit kaya galit na galit si Sir? Eh nahilo lang naman ako at hindi namatay. "There's a food in that fridge, go help yourself. If you're done, go back to work." Sabi nito saka tumalikod sa akin. Aakmang lalabas na siya ng tawagin ko siya. "What?" "Eh Sir, gusto ko lang ho itanong kung nasaan ako? Tsaka, paano po ako makakabalik sa Montejo Empire building?" "You're still in my building. You're in my suite, and mind you, don't tell anyone that you slept in this room. Or else, I'm going to slit your throat," sabi nito saka matalim itong tumingin sa akin. Napayuko ako, "sa.. salamat ho sir." Hindi ko alam kung matatakot o matutuwa ako kay Sir. Nakakatakot kasi siyang mag banta pero natutuwa ako sa kabutihan ng loob niya. Sa buong buhay ko, ngayon pa lang ako nakatagpo ng taong marunong mag bigay ng concern. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti. Tiningnan ko uli si Sir at nagulat ako ng binigyan niya ako ng kakaibang tingin saka agad rin naman siyang nag iwas ng tingin at tuluyan ng lumabas. Matapos kung makakain ay bumalik agad ako sa trabaho. Hindi naman ako nahirapan hanapin iyong opisina ko dahil interconnected lang pala ito sa opisina namin ni Sir. Mas namamangha tuloy ako sa ganda ng opisina niya. Bukod sa tanging mga opisina lang namin ang nasa floor na ito ay ang dami pang gamit na parang nasa bahay ka lang. Alas singko e medya na ako natapos. Nauna ng lumabas si Sir kanina pa at mukhang may importante siyang lalakarin na hindi ako kailangan. Kaya inayos ko ang mga nagkalat na gamit saka pinatay lahat ng ilaw. Nang makalabas ako ng building ay naka hinga ako ng maluwag. Sobrang nakakapagod ang first day ko sa trabaho. Pero kahit ganon, masaya parin ako. Ni hindi ko nga maalis itong name tag sa dibdib ko. Of course, PROUD ako bilang isang dakilang secretary ng isang hot magnate! Hot magnate? Napa-iling ako. Bakit ko ba iniisip ang mga bagay na yan? Come on Felice! Boss mo siya at hindi mo dapat binibigyan ng malisya ang pag tulong niya. Oo nga naman. It was a simple gesture of humanity. Na meron papala dito sa mundo. Nag lakad ako sa mahaba at mataong syudad. Bawat taong nakakasalamuha ko may kasama. Isang ina habang kalung nito ang anak at ang asawa naman nito ang may hawak ng grocery. Mayroon ring isang babae na ka holding hands ang boyfriend niya. Tatlong studyanteng magkakaibigan na nagtatawan habang kumakain ng cotton candy. At hito ako, nag-iisa habang tinitingnan silang may inggit sa aking mga mata. Simula ng pumanaw si Mama, wala na akong kasalamuha. Ni walang taong gustong makipag kaibigan sa akin. Mabuti na nga lang at kinakausap ako nong may-ari ng inuupahan kung maliit na apartment sa tuwing nagbabayad ako ng renta. Sampung taon akong nabuhay na mag isa at malungkot pero pinipilit ko paring tingnan ang positive side ng mundo. Na kahit maraming taong mapangahas at marahas sa akin, nirerespeto ko parin at pinapatawad sila. Na kahit lagi silang takot sa akin at minsan pa'y binabato nila ako ng bato dahil sa nakakatakot ko rawng awra at itsura, e nagagawa ko paring gantihan sila ng kabutihan. Hay. Kasalanan nga ba talagang ipanganak kang pangit? Kesyo kamukha ko raw si Sadako lalo na't parang lantang gulay ang katawan ko, mukhang multo ang kulay ng balat ko at mahaba at napaka-itim ng buhok ko na pati kuto ay matatakot na dumapo dito. Isang luha ang muling kumawala sa mata ko pero mabilis ko itong pinunasan. Pilit na ngumiti ako habang napatingin sa paa kung mukha ngang paa ni Sadako. Maglalakad sana ulit ako ng makarinig ako ng sipol. Hindi ko sana ito lilingunin dahil baka ito na namang grupo ng kabataan na binubully ako ang gustong paglaruan at pagtawanan ako ngunit tinawag nito ang una kong pangalan. "Felicilda!" Felicilda? Pangalan ko nga yon ah. Nilingon ko ito at ganon nalang ang pagtataka ko ng makita ko si Sir Gray na may dala-dala ng stick ng barbeque. Bigla tuloy kumalam ang tiyan ko. "Sir? Ano pong ginagawa niyo rito?" "Here," sabay bigay niya sakin ng isaw. "I was about to call you pero naalala ko na wala ka palang cellphone kaya agad na pinahanap kita sa mga tauhan ko." Napa isip ako. Pinahanap niya ako? Tatawagan niya sana ako? Bakit? May hindi kaya ako natapos sa pinag-utos niya? "Ho? Bakit naman ho Sir? May ipag-uutos pa ba kayo sa akin?" Hindi ako sinagot nito bagkus gutom na gutom itong nilantakan ang barbeque na hawak niya. "Let's go, I'm hungry." Napatanga ako sa kawalan. Let's go? Saan? "Ho? Saan ho?" "To eat dinner, come on!" Sabi nito saka hinila nalang ako papasok sa kotse niya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa dami ng tanong na tumatakbo sa isip ko. "Anong gusto mong kainin? Do you want to eat in a fancy restaurant? Do you want Japanese dish? Italian? Mexican? Chinese?" "Ah eh, kahit ano Sir," sabi ko saka napatingin sa bintana ng kanyang sasakyan. Ano kayang nakain ni Sir? O nanaginip lang ba ako? Pero si Sir Gray talaga tong nasa tabi ko eh. "Japanese is good so we should eat... There," sabay turo niya sa isang malaking Japanese restaurant. Tumango lang ako saka napayuko. Napalunok ako dahil sa sobrang mahal ng presyo na nababasa ko sa menu. Wala pa naman akong dalang sapat na pera. Isa pa, hindi ko halos mabigkas ang mga pangalan ng dish. I'll admit I'm intelligent when it comes to number but I'm really not good in words. "Anong gusto mo?" Tanong nito saka nakatingin ito sa menu. "Ah.. Kahit ano nalang po," sabi ko. "No, you should order. Just order what you want, it's my treat." Mas lalo tuloy gumulo ang isip ko. His treat. Pero bakit? Anong meron? Birthday niya ba? O nanalo kaya siya sa bedding? Or baka naging matagumpay ang lakad niya kanina? "Uhm, kanin nalang po saka sushi." "Yon lang? Nothing else? Ako nalang ang mag oorder sayo, mukhang mahiyain ka parin hanggang ngayon." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Mukhang mahiyain ka parin hanggang ngayon." Ano kayang ibig sabihin don noon ni Sir? "Ho?" Mabilis itong nag iwas ng tingin sa akin saka tinawag nito ang waiter, "two sushi, three sashimi, two miso soup, two oyakodon and two white wine," sabi nito sa lalaking waiter. "Would that be all sir?" Tumango naman si Sir Gray matapos ay umalis rin iyong waiter. Hindi ako naka-imik hanggang sa matapos ang aming hapunan. Hindi ko nga halos naubos kasi nahihiya ako kay Sir Gray. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit niya ito ginagawa. Bigla nalang siyang naging mabait sa akin. Matapos naming makalabas sa restaurant ay naglakad muna kami sa park. Gusto ko na nga sanang umuwi na pero si Sir Gray itong nag request na mag-uusap muna raw kami sandali sa park. Nagtaka pa ako dahil kanina lang maraming tao, pero ngayon, kami nalang dalawa. As in, biglang nagsi-alisan ang mga tao simula noong dumating iyong naglalakihang katawan ng mga mukhang bodyguard doon sa Montejo Empire. Hindi ako nakagalaw habang pinisil pisil ko ang aking kamay. Nakaka tense ang katahimikan lalo na ang biglaang pagtahimik ni Sir Gray. Hindi ko alam pero bigla nalang kumalabog ang puso ko. Iyong tipong naninikip ito dahil sa presensya ni Sir Gray sa tabi ko. Ngayon ko lang napansin na saksakan pala siya ng gwapo lalo na kapag seryoso ang kanyang mukha. Matangos ang ilong niya at mapula ang heart shape lips niya. Mukha siyang vampire katulad ni Edward sa Twilight sa malapitan, tsaka napaka bango niya rin. Iyong tipong, parang pabango ang tubig na pinanliligo niya. Ayssh! Ano bang iniisip mo Felice! Wag mo ngang pagnasaan yang boss mo! Isipin mo, secretary ka lang niya at bawal na bawal pa naman sa code of ethics ng Montejo Empire ang employee to employee relationship! Natigil lang ako sa pag iisip ng biglang tumikhim si Sir. Nagdadalawang isip naman ako kung titingnan ko ba siya o hindi. Nanatili lang akong tahimik at umaastang tumingin tingin nalang ako sa langit na puno ng bituin. "Felice," sabi nito. Hindi ko alam pero para bang may paroparo sa tiyan ko ng binanggit niya ang nickname ko. Paano niya kaya nalaman na Felice ang nickname ko? Siguro pina-imbestigahan ni Sir Gray iyong background information ko. "I.. I have something to tell you." "Ano po yon Sir?" Ilang segundo pa bago siya nakapagsalita uli. "I want you to be my private and personal secretary." "Iyon naman po talaga diba ang trabaho ko Sir?" Nagulat ako ng bigla ako nitong hinawakan sa magkabila kung balikat, "no. I mean, I want you to be my private and personal secretary. When I say private and personal, it means you are exclusively mine! Only mine, Felice!" Mas dumami pang paroparo ang naglalaro sa tiyan ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin roon? E secretary niya naman na talaga ako. "Iyon nga po Sir, personal secretary niyo naman po ako. Tsaka wag po kayong mag aalala, hindi po ako lilipat ng kompanya. Promise po, magiging loyal ako sa Montejo Empire." Napasabunot ito sa kanyang buhok na ikipinagtaka ko. Muli niya akong hinawakan sa magkabilang balikat, this time, mas mahigpit na pagkakahawak. "That's not what I meant. I want you to be my secretary, exclusively my personal and private secretary at the same time, my exclusive girlfriend." Napanganga ako sa sinabi niya. Gi..Girlfriend? Nobya? Kasintahan? Pero bakit? Anong dahilan? "Sir...." Hindi ko na natuloy ang gusto ko sanang sabihin ng bigla nalang niya akong hinila palapit sa kanya saka siniil ako ng isang mapusok na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD