Chapter 2

2596 Words
Namamaga pa rin ang mga mata ko ngayon dahil sa hindi parin ako naka tulog ng maayos mula sa pag uusap namin ni Sir Gray kagabi. Lahat ng taong nakakasalubong ko ngayon ay umiiwas sa akin dahil para raw akong multong naglalakad sa lupa. Tahimik lang akong pumasok sa LRT saka naupo sa pinaka sulok. Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Sir Gray sakin kagabi. "I want you to be my secretary, exclusively my personal and private secretary at the same time, my exclusive girlfriend." Tsaka iyong halik... Iyong halik niya! Iyon pa naman ang first kiss ko. Bakit kaya nagka ganon si Sir bigla? Hindi ko parin siya maintindihan. Hay ewan! Saka ko nalang iyon iisipin, baka trip lang talaga ako ni Sir kagabi. Lagi pa namang laman ng kwento doon sa department na, mahilig raw umano mag bigay ng mga pag subok si Sir Gray. Ipinilig ko ang aking ulo. Tama! Trip lang siguro iyon ni Sir. Bakit niya naman kasi ako gugustuhin maging girlfriend kung itsura ko pa nga lang katakot takot na. Pasado alas syete na ako nakarating ng opisina. Tiningnan ko ang kwarto ni Sir Gray ngunit wala pa ang anino niya. Kinuha ko nalang ulit iyong mga tambak na papeles saka pinagpatuloy ang pagtatrabaho. Nasa kalagitnaan na ako ng pag ta-type sa keyboard ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Muntik ng malaglag ang puso ko ng makita kong pumasok si Sir Gray. Naka suot siya ng blue sunglasses at naka suot siya ng kulay puting loongsleeve na naka insert lang sa suot niyang jeans. Naka sapatos lang din ng leather si Sir Gray na mas ikina-pak ganern ng awra niya! Nakakalaglag puso ang kagwapohan ni Sir! Pero bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ito palang ata ang unang beses na humanga ako sa isang lalaki. Hindi naman na si Sir Gray lang ang kauna-unahang gwapong lalaki ang nakita ko sa Pilipinas ngunit masasabi kung si Sir Gray ang pinaka mukhang perpektong Oppa sa lahat ng nakatagpo kong lalaki sa mundo. "1 brewed coffee," sabi nito saka nilampasan ako. Ang sungit ata? Pangit siguro ang gising niya kaya ganon. Tumango lang ako sa nagmamadaling tinungo ang mini kitchen na nasa katabing kwarto lang ng opisina ko. Hindi naman ako nahirapan dahil may coffee maker at kompleto sa recipe ang kusina. Matapos kung makapag timpla ay agad na dinala ko ito sa kwarto ni Sir Gray. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa kwarto niya. Nang makapasok ako'y nakita ko si Sir Gray na may chini-check na mga papeles. "Ito na po Sir," sabi ko saka marahang nilapag ang cup sa mesa niya. Hindi naman siya sumagot kaya nag bow nalang ako saka tumalikod. Lalabas na sana ako ng bigla akong tawagin ni Sir. "Please sit down Felice," sabi nito sa kalmadong boses. Hindi naman ako makapalag kaya umupo narin ako sa harap niya kahit na medyo nahihiya parin ako lalo na kapag hindi sadyang napapatingin ako sa mapupula niyang labi. "I have a proposal to you." "Po?" "Listen to me first before you speak," sabi nito kaya napa tango nalang ako. "I've heard that you are living alone and you don't have any family anymore, am I right?" Paano kaya iyon nalaman ni Sir? Malamang dahil marami siyang connections. "Ah, oho sir. Bakit po?" "Just answer, don't question me back, get it?" Iritado nitong sabi kaya tumango nalang ako. "And as far as the research goes, you've been renting an old and cheap apartment in the squatter area, am I right again?" "Oho sir," nahihiya kung sagot. Nakakahiya at nalaman niya pa kung saan talaga ako nakatira. Eh ano namang magagawa ng isang hamak ko na mahirap lang talaga. "And as I've dig your information deeply, you don't have any income before you had work here aside from your little racket of selling your paintings, am I right?" "Oho sir," grabi talaga si Sir Gray! Paano niya pa nalaman 'yon e secret racket ko lang yon. Wala kasing bumibili sa akin kapag alam mismo ng client na ako ang nagpipinta. Nakakatakot daw kasi ako at baka daw mahawa sila sa kamalasan kapag binili nila ang mga paintings ko. "So to make our conversation short, starting tonight, you'll be living in my condo unit and you'll be having your first exhibit, but you should paint as many paintings as you want before we will open your first exhibit." Napanga-nga ako sa sinabi niya. Living in his condo? At... At.. mag o-open ako ng first exhibit ko? Totoo ba to o nananaginip lang ako? Gusto ko na atang tumalon sa tuwa at yakapin si Sir! "Nagbibiro po ba kayo Sir? Bakit niyo naman ho gagawin iyon?" "I told you, you're my exclusive girlfriend so whatever you please, I'll give it to you Felice," sabi nito saka tumayo at pumunta sa likod ko. Hinawakan nito ang magkabila kung balikat saka marahan niyang idinikit sa pisngi ko iyong mukha niya. "This is how I pleasure my girl," bulong nito sa tainga ko na muntik ng ikalabas ng ihi ko. "Pero Sir, bakit po ako titira sa condo unit niyo po? Maayos naman po ang apartment na tinutuluyan ko saka hindi po ba, mas pangit tingnan kung makikitira ako sa condo unit niyo? Lalo na't secretary niyo po ako Sir." Mas idinikit nito ang mukha niya sa pisngi ko, dahilan para maamoy ko ang mabango niyang hininga, "I don't care what other people thinks Felice. As long as you are mine, that's the only thing that matters to me now." Matapos niya iyong masabi ay masuyo niyang hinalikan ang pisngi ko saka ginulo ang tuktok ng buhok ko. "Go back to your work now, we'll have our intimate moments later," sabi nito saka kinindatan ako. Hindi ko halos malulon iyong laway ko ng makalabas ako ng opisina ni Sir. Nababaliw na ba si Sir? Tototohanin niya ba talagang e-girlfriend ako? Sa ano namang dahilan? Nakakaloka talaga! Hindi na ako makapag isip ng maayos dahil sa ginagawa niya and to think, ito palang ang pangalawang araw ko sa trabaho at pangalawang araw na dumating ako sa buhay niya. ~~~~~~~~~~ Kasalukuyang naka sakay ako ngayon sa limousine ni Sir Gray. Kahit pupunta lang kami ng restaurant e kailangan pang naka sakay kami sa isang limousine. Tsaka kahit walang okasyon e binilhan pa ako ni Sir Gray ng damit at ito raw ang isusuot ko sa unang date namin. Ewan ko ba kung bakit napapasunod niya ako. Hindi ko rin alam kung paano siya tatanggihan. Gwapo at perfect naman si Sir Gray, ika nga sa kanta na Nasa Kanya Na Ang Lahat. Pero nakaka-ilang kasi secretary niya ako. Bukod sa pangit na ako at nakakatakot e mahirap pa ako sa daga kompara ng mga babaeng kumakain ngayon sa restaurant na nakatuon lahat ang tingin kay Sir Gray. Pinaghila niya ako ng upuan matapos ay siya pa iyong nag buklat ng table napkin ko. Hindi rin maalis sa mukha ni Sir Gray ang malaking ngiti niya sa tuwing tinitingnan niya ako. Hindi ko tuloy maiwasan na kiligin! Ang swerte ko at naka date ko ang isang katulad ni Sir! Pero hindi ibig sabihin na nakipag date ako e sinasagot ko na siya. Hindi naman sa choosy ako. Hindi ko lang talaga matanggap sa sarili ko na magugustuhan ni Sir Gray ang isang tulad ko. Siguro, gagawin niya lang akong pampalipas ng oras. Tama! Pampalipas oras lang to ni Sir Gray o di kaya ay sinusubukan lang niya ang pagkatao ko, kung mahuhulog ba ako sa kanya o hindi. Pero sa anong dahilan naman kung ganoon? Hay ewan! Bakit ba ang dami-dami kong iniisip na bagay? Ang importante ay pagbubutihan ko ang pagtatrabaho sa kanya at sasabayan ko nalang si Sir Gray sa trip niya, basta hindi lang ako matanggal sa trabaho. Ito nalang kasi ang tanging paraan para makaahon ako sa hirap at para narin mabayaran ko ang natitirang utang nila Mama at Papa sa Auntie kung bruha. "Felice? Felice? Are you okay? Kanina ka pa tulala. Is something wrong?" Tanong nito sa akin na siyang nagpabalik sa katinuan ko. "Sir? Ah ano sir, ang ganda lang kasi nung baso," sabay tawa ko, "ano nga po yong tanong niyo?" "I said, anong gusto mong kainin? Mag order ka na," sabi nito saka inginuso sa akin ang naghihintay na waiter. "Ah," napakagat labi ako, lentek na imahinasyon na to oh! Ang daming iniisip! "Ano, kung ano nalang order niya, ganon narin sa akin," sabi ko. "Would that be all Sir? Ma'am?" Pareho kaming tumango ni Sir Gray. Hindi ko mapigilan ang pag-iiba ng pakiramdam ng aking tiyan sa tuwing tumititig sa akin si Sir Gray. Para bang ang daming salita na nagtatago sa maganda niyang mga mata na gusto niyang sabihin sa akin. Parang ang daming secreto na nakatago sa mga mata niya na gusto kong malaman. "Gray! Oh my God! It's you! Hi babe," sabi nung isang matangkad na babae at may hubog ng katawan na mala Ellen Adarna! Ang ganda niya at napaka elegante tingnan. "Chennie? What are you doing here?" "I was having dinner with Tito Julio and Tita Helen. What about you? Are you with some-" Natigil ito ng makita akong naka upo sa kaharap na upuan ni Sir Gray. "And who's this girl na niloloko mo na naman Gray?" Natatawang sabi nito. Hindi ko alam pero nung sinabi niya ang salitang niloloko, nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko. "Chen," pigil ni Sir Gray kaya ngumiti ng matamis sa akin si Chennie. "Okay, okay, sorry. But really, who is she? Ngayon ko lang siya nakita sa buhay mo. Is she your new?" Napailing nalang si Sir Gray, "Felice, this is Chennie my good friend and Chen, this is Felice, my exclusive girlfriend." Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Chennie ng banggitin ni Sir Gray na exclusive girlfriend niya ako. Hindi ko alam pero nararamdaman kong, ayaw na agad sa akin ni Chennie. Pero kahit ganoon, nginitian ko parin siya saka nilahad ko ang kanang kamay ko para makipag shake hands. "Oh dear, I don't shake hands with people, I do beso," sabi nito saka lumapit sa akin at bumulong, "get off your hands at my Gray or I'll end up throwing your ugly face in the pig's mud." Matapos niyang maibulong yon ay nginitian niya ako ng matamis saka tinaasan ako ng kilay. "Babe, I gotta go, pupuntahan ko pa si Nyxel," sabi nito matapos ay masuyo nitong hinalikan ang pisngi ni Sir Gray. Agad naman iniwas ni Sir Gray ang pisngi niya, "stop it Chen." "Can't help it," sabi nito saka kinindatan si Sir, "enjoy your night. Call me when you're done with her." Matapos niyang masabi iyon ay umalis rin ito. Hindi ako naka imik kaya umupo nalang ako pabalik. Buti nalang at dumating agad iyong mga pagkain kaya naiwasan kaunti iyong nakakabinging katahimikan sa pagitan namin ni Sir Gray. Matapos naming kumain ay dinala ako ni Sir sa condo unit niya. Actually, kakaiba ang condo unit niya. Sakop kasi ng kabuoan ng condo unit niya ang isang floor ng building. Hindi ako halos makapaniwala na sa buong ASIA, ang condo unit ni Sir Gray ang pinaka malaki at maganda. "This is your room, mine is next to yours." Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niyang magkaiba kami ng kwarto. Mas gumaan pa ang pakiramdam ko dahil nirerespeto niya raw ang privacy ko kaya naisipan niyang hindi daw muna kami magtatabi. Kahit gusto kong pumalag sa mga desisyon niya, lagi niya naman akong pinapangunahan. Lagi niya akong nasasapawan, at lagi niya akong napapasunod. "Sige Sir Gray, maraming salamat po sa pagpapatuloy sa akin dito. Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob." "Will you stop calling me Sir? Just call me Gray, or you can also call me honey, babe or anything just don't call me Sir okay?" "Pero hindi naman po pwede iyon Sir Gray. Empleyado niyo po ako at alam ko po kung saan lulugar." "Gusto mo bang hindi nalang mag trabaho sa Montejo Empire so you could stop calling me Sir?" "Hooo?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi pwede! Hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho. Ito nalang ang tanging paraan para makabayad ako sa lahat ng utang nila Mama at Papa. At itong trabahong ito, ito nalang ang tanging meron ako ngayon. "But if I'll fire you, I couldn't get to see you every hour cause you'll end up staying at my condo the whole day so it's a wrong move." Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko katapusan ko na. "Okay, ganito nalang. You'll call me Sir Gray when we're with other people but you'll call me Gray or anything that pleases you when we're alone. Get it?" Papayag ba ako? Kung papayag ako, ibig sabihin talaga na pumapayag na akong maging girlfriend niya! Pero kung hindi naman ako pumayag, baka alisan niya ako ng trabaho. Mas mahirap iyon. Mas madaling magpanggap at makisabay nalang sa trip ni Sir. Alam ko namang lilipas rin itong kalokohan niya. "Sige ho Sir Gray, este Gray po." Ang pangit naman kung tawagin ko lang siyang Gray. Nakaka-ilang talaga! "That's much better," sabi nito saka dahan dahan itong lumapit sa akin. "Ano po iyong ginagawa niyo Sir Gray? Este, Gray?" Habang palapit siya, pa atras naman ako ng pa atras hanggang sa wala na akong maatrasan at nakasandal nalang ako sa wall. "I'm sorry about awhile ago. Chen was my ex girlfriend but believe me, I was over with her a very long time ago okay? We're just good friends now. So you don't have to get upset or jealous." Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni Sir pero tumango nalang ako. "Pero po, naiipit na ako," sabay tumawa ako ng mahina. Ni hindi na ako halos makahinga dahil sa magkadikit na magkadikit naming katawan ni Sir. "You're really addicting to me. You don't know how many years I've struggled just to find you Felice." "Ho? Ano hong ibig niyong sabihin?" "Will you stop saying ho, po or opo? You're still respecting me like I'm a senior to you. Hindi naman nalalayo ang edad natin." "Pero po kasi..." "Sssh," nanlaki ang mga mata ko ng inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Kaunti nalang talaga at maglalapat na ang mga labi namin. "What will I do is to please you Felice and you should do the same, okay?" Hindi ko halos malulon ang laway ko. Bumibilis ang pag t***k ng puso ko at para bang kinikiliti ang gilid ng tiyan ko. Parang lumulutang ako sa ere dahil sa ginagawa ni Sir Gray. Hindi ko alam kung anong epekto mayroon siya at ang lakas lakas niya. Gusto kong pigilan pero ang hirap tanggihan ng mga nakaka-akit na mga labi ni Sir Gray, ang mapupungay niyang mga mata at ang nakakalaglag panty na boses niya. Gusto ko siyang tanggihan pero parang pinipigilan ng puso ko na pigilan ko ang pagpipigil ng sarili kung hindi ma fall sa kanya. Ayon pa naman sa lagi kung naririnig at nababasa sa libro, mahirap ma inlove kasi kapag nahulog kana, mahirap makatayo uli. Mananatili kang nakalubog hanggat tumitibok parin ang puso mo sa taong ito. Nakakatayo kalang pabalik kapag nagising kana sa katotohanan at kapag nasaktan kana sa pag ibig. "Will you do the same for me Felice? Will you also please me?" Sabi nito sa paos na boses. Hinalikan niya ang kanang tainga ko saka sinimhot niya ang leeg ko. "Answer me Felice, I want to know your answer so I could start pleasing you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD