Chapter 3

2498 Words
"Will you do the same for me Felice? Will you also please me?" Sabi nito sa pWillaos na boses. Hinalikan niya ang kanang tainga ko saka sinimhot niya ang leeg ko. "Answer me Felice, I want to know your answer so I could start pleasing you." "Ho?" Mas lalong bumibilis ang pag t***k ng puso ko. Nangangatog narin ang mga tuhod ko sa kaba. Para ring nagdidiliryo ang pakiramdam ng aking tiyan dahil sa ginagawa ni Sir Gray. Hinahaplos niya ang likod ko at ikinikiskis niya ang ilong niya sa ilong ko. Malapit na ata akong maihi sa sobrang kilig. Pakiramdam ko'y sinasapian ako ng isang malanding kaluluwa dahil nakakaisip ako ng malaswa ngayon. Hindi ito pwede. Hindi talaga! "Kuya, Jesus Christ! I'm sorry, I'm sorry," sabi nung isang kakapasok lang na lalaki sa kwarto kung saan unti-unting minumolestya ni Sir Gray ang katawan ko. "What the f**k are you doing here for pete's sake Cooper?! Ni hindi ka man lang nag door bell or you didn't even knock the door before coming here." Lumayo kaunti si Sir Gray sa akin at hinarap ang lalaking nagngangalang Cooper. "I did push the ring bell button for countless times Kuya but you weren't answering. I was about to knock when the door suddenly opened, maybe you forgot to lock the door kasi nagmamadali kang mang molestiya ng isang magandang binibini," natatawang sabi nito. Hindi ko maiwasan ang mang lambot ng sabihin niya ang salitang "magandang binibini". Ito palang kasi ang unang beses na narinig kong sinabihan ako ng maganda, at sa hindi ko pa inaasahang gwapong lalaki. "Stop staring at her you idiot! Ano na naman ba ang kasalanang nagawa mo at napa bisita ka sa pamamahay ko?" Inis na turan ni Gray sa nakababatang kapatid niya. Kapatid marahil dahil tinawag siya nitong Kuya. "Is this serious? You are jealous?" Sabay tawa nito. "Anyway, I'm here because Dad and Mom cancelled all my credit card accounts plus they banned me from entering our house kinuha pa pati yung mga sasakyan ko. My poor baby orange lamborghini," naiiyak na sabi nito. Napakamot nalang si Sir Gray matapos ay may kinuha ito sa drawer niya. "Here," sabay tapon niya sa nakababatang kapatid niya ng isang susi. Marahil ay susi ito ng sasakyan. "Use it for awhile and don't you dare tell Mom and Dad that I was the one who give that to you." "Wala akong cash, 100 peso nalang tong natitira sa bulsa ko," sabi nito sa nagmamakaawang mukha. Napakamot uli si Sir Gray matapos ay kinuha nito ang pitaka niya, "here. Use that little money and please Cooper, magtino ka naman. Don't give Mom and Dad a headache. Ayoko narin problemahin ang problema mo cause you are not growing up if I do. You always depend on me." "Yeah, yeah. Don't worry, I'll be staying at Granny's probinsya for awhile. Don muna ako para mag relax din at mang chics," sabay tawa nito at tinapik tapik ang likod ni Sir Gray. "Thanks Kuya," sabay ngiti nito sa kapatid. "Have a sexy dirty time with your new chic. Bye baby," sabay tuluyan nitong talikod sa amin. "Stop calling her your baby," inis na sabi ni Sir Gray. "Okay, bye honey," pang iinis naman ng kapatid nito saka tuluyan itong lumabas ng condo unit. "That jerk!" Napa iling nalang si Sir Gray matapos ay tumingin uli ito sa akin. "Sorry for my brother. He is a jerk and stupid, ni hindi nga niya tinanong ang pangalan mo." "Ayos lang ho yon Sir Gray," nakangiting sabi ko. Medyo bastos nga ang kapatid niya na para bang wala itong paki alam sa paligid. Pero siguro, ganon lang talaga kapag lumaki na mayaman at baka spoiled. "Anyway, where were we?" Napalulon ulit ako. Oh no! Hindi pwedeng ituloy iyong balak niya! Hindi pa ako ready sa sinasabi niyang intimate moment! "Ah Sir, kasi po, inaantok na ako. Pwede po bang matulog na tayo?" "But you didn't still answer my question Felice. I want to hear your answer now," unti-unti na naman itong lumalapit sa akin kaya pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pag hawak ko sa dibdib niya. Itinukod ko roon ang kamay ko, para kahit kaunti ay may distansya sa pagitan namin. "Bukas ho. Bukas ko ho sasagutin iyong tanong niyo Sir Gray," nginitian ko siya ng pilit. "I told you to stop calling me Sir. And I want us to talk casually. Ayoko ng pino po at ho mo ako," bahagyang kumunot ang noo nito saka tinitigan ako ng malalim. "Ah oho, este okay. Hindi na po, este, hindi na. Pwede na ba tayong matulog?" Nginitian ko siya ng mas malapad. Napabuntong hininga nalang si Sir Gray matapos ay masuyo nitong hinawakan ang kamay kong nakatukod sa dibdib niya. Hinaplos niya ito sabay hinalikan ng masuyo. Bumilis uli tuloy ng pag t***k ang puso ko. Stop it Felice. Stop it. Wag kang ma fall. Sabayan mo lang ang trip niya pero wag na wag kang ma iinlove sa Sir mo! Isang malaking kasalanan iyon sa mata ng publiko! Lalo na siguro sa pamilya niya. "Okay Felice. But promise me that you'll finally respond to my proposal. I'll be waiting for your heart to open Felice. I'll be hoping," sabi nito saka nilapitan ako at niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam pero parang naramdaman ko na itong yakap noon. Hindi ko lang maalala at hindi ko matansya ng sakto kung kanino at saan. "Sige po, goodnight Sir Gray," sabi ko saka marahan kung tinapik ang likod niya ng dalawang beses. "I told you to stop treating me that way," sabi nito saka mabilis na sinakop niya ang mga labi ko. "One kiss per mistake Felice. And if I hear it once again, hindi lang yan ang aabutin mo." Ginulo nito ang tuktok ng buhok ko saka niya ako nginitian. HINDI parin ako maka tulog dahil sa halo halong emosyon na naglalaro ngayon sa pakiramdam ko. Nalilito ang isip ko at naguguluhan ang puso ko sa mga nangyayari. Parang ang bilis ng lahat. Parang kahapon lang tahimik at payapa ang buhay ko ngayon parang biglang nag iba na. Noon mag isa lang ako sa aking buhay simula ng mawala si Mama pero ngayon, hindi ko sukat akalain na magbabago ang takbo ng buhay ko at mas higit na hindi ko inakala na titira at makikisama ako sa isang lalaking ngayon ko lang nakilala. Napabangon ako at sinuot ko muli ang robe. Hindi ko man nadala ang mga lumang gamit ko pero mayroon namang nakahanda ng mga damit at sapatos na magagamit ko dito sa condo ni Sir Gray. Hindi ko alam pero parang instant lahat. Sa isang iglap lang ay napapayag ako ng isang lalaking minsan ko lang nakita sa buhay ko na tumira at sumunod sa mga gusto niya. Hindi ko alam kung paano ko nga ba talaga pakikisamahan si Sir Gray pero sa ngayon, ang tanging naiisip ko lang ay hanggang sa walang masamang nangyayari sa akin ay magpapatuloy ako. Impokrita na kung isipin nilang basta akong pumayag at nagpakuha kay Sir Gray pero alam ko sa sarili kung malinis ako at wala akong tinatapakang ibang tao. Sa pagkaka-alam ko rin kasi, wala namang ibang kasintahan si Sir Gray at wala pa siyang asawa o naging asawa. Mas niyakap ko ang sarili ko habang palabas ako ng aking kwarto. Gusto ko kasing uminom ng gatas para makatulog na ako ng maayos. Ngunit papasok pa lang sana ako ng kusina ng marinig ko ang boses ni Sir Gray. "Yes. I'm trying everything and I'm doing my best just like what you told me but it doesn't seems to be working with that girl," sabi nito sa kausap sa cellphone nito. Napa atras ako habang napasandal sa dingding. Inilayo ko kaunti ang sarili ko baka sakaling makita ako ni Sir Gray. "Yes, I felt like mahihirapan akong paamohin siya. She is not stupid at all and it looks like, mas mababagalan ang pagpapatupad ng mga plano ko." Para bang may pana na tumama sa puso ko mula sa narinig ko sa mga sinasabi niya. Anong plano ba ang tinutukoy ni Sir Gray? Ako kaya ang taong iyon na ginagawan niya ng masamang plano? Bakit? At para saan? "The plan B? Malabo sa ngayon. I'll still do my best to pursue her so I could finally reach my goals. Ayoko rin munang madaliin ang lahat. I wanted to do it perfectly." Hindi ko na mapigilan ang mapa iyak. Hindi dapat ako nasasaktan pero bakit ito ang nararamdaman ko ngayon? Para bang dinudurog ni Sir Gray ang puso ko kahit wala pa ngang malalim na nangyayari sa amin. Paano nalang kaya kapag nahulog talaga ako sa patibong niya? Marahil ay kailangan ko rin munang mag dahan-dahan sa lahat ng bagay. Kailangan kong pag ingatan ang sarili ko mula sa kanya, mula sa kanyang masamang plano. Natapos rin ang pag-uusap nila kaya nagmadali rin akong pumasok pabalik sa kwarto ko at napahiga pabalik sa kama ko. Narinig ko ang pagpihit ng siradura ng pinto ng kwarto ko kaya dali-dali kung ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman kong hinaplos ni Sir Gray ang pisngi ko saka hinalikan niya ang noo ko. "I'm sorry Felice but you'll understand me soon." ~~~~~~~~~~ Mabigat ang loob ko ng magising ako. Nanaginip kasi ako ng masama. Kinidnap raw ako at hahalayin raw ako ng isang lalaking malabo saking mga mata ang itsura. Masyado kasing madilim ang lugar na pinaginipan ko at ang tanging naaanigan ko lang ay iyong liwanag mula sa bintana na nanggagaling sa buwan. Lumabas ako sa kwarto at dumeretso sa kusina. Mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko ng maalala ang narinig ko kanina mula sa sinabi ni Sir Gray sa kausap niya. "Oh hey, good morning Felice. I cook breakfast, maupo ka na prinsesa ko," sabay ngiti niya sa akin. Parang walang epekto naman iyong ngiti niya. Ang tanging nakikita ko lang kasi sa mukha ni Sir ay ang masama niyang plano. Hindi kaya si Sir Gray iyong lalaki sa panaginip ko? Hindi! Hindi pwede! Ayokong mapunta sa sitwasyong iyon, kaya dapat talaga mag ingat ako sa kanya. Nginitian ko lang siya ng pilit saka nilampasan siya at kinuha ang baso. "Pwede ba akong kumuha ng tubig sa fridge?" "Ha? Why are asking me that? Of course you can baby. What I own is yours too," muli itong ngumiti sa akin saka pinagpatuloy niya ang pagpi-prito ng bacon. Napa ihip nalang ako sa aking bangs saka binuksan ang fridge. Ang daming laman! Kinuha ko iyong petsel saka nilagyan ng tubig ang baso ko saka nilagok ito. Hindi na sana ako kakain dahil makakasabay ko si Sir Gray pero wala akong ibang choice kung di saluhan siya or else, magugutom ako. Naupo ako sa likod niya saka tahimik na tiningnan siyang nag pi-prito. Ang ganda ng bakat ng likod ni Sir Gray. Ma-muscle siya at ang sexy. Ang tangkad niya rin talaga na mas nakakadagdag ng appeal niya. Heh! Stop it Felice. Akala ko ba dapat mag iingat ka sa kanya? Eh bakit ngayon, tinititigan mong parang patay na patay ka sa kanya? "Luto na! Let's eat!" Nakangiting sabi nito saka inilapag ang bacon sa isang plato. Naupo rin si Sir Gray sa harap ko saka nilagyan niya ng orange juice iyong mga baso namin. "Salamat," sabi ko. "Wow. It's really good to hear when you just casually talk to me," sabi niya sabay nguya sa sunny side egg. "Eat well cause you look like you're not healthy. Eat this side dish veggies and drink this juice. I cook this all for you," masayang tugon niya. Hindi ko alam pero nagdadalawang isip tuloy ako sa mga pinapakita niya. Hindi ko alam kung ano ang totoo. "Salamat, sana ginising mo ako para ako nalang ang nag luto o di kaya natulungan man lang kita sa paghahanda ng breakfast." "Great idea! Tomorrow, I'll wake you up so we could cook together as well as have moments too," sabay ngiti niya uli sa akin ng malapad. Hindi ko alam pero sa tuwing tumititig sa akin si Sir Gray e parang may kislap sa mga mata niya. Pero hindi! Pakitang tao lang yan Felice. Remember, may masama siyang plano sayo! "Oh I forgot to tell you, may pupuntahan pala tayo ngayon. We will be meeting my new business partner Junie. Just prepare those papers na pina encode ko sayo." "Sige po, este sige." Hindi ko sadyang napatitig sa kanya. Ang cute kasi niyang kumain. Enjoy na enjoy lang siya sa mga pagkain at para bang bata siyang nasisiyahan na may kasama siyang kumain sa mesa. And speaking of enjoying, ito rin ang unang beses na may nakasama ako sa pagkain sa mesa sa breakfast. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti rin. Nababaliw na ata ako. Nalilito narin talaga ako sa nararamdaman ko. "Did you just smile at me?" Hindi nito tinuloy ang pagkain at naka tingin ito sa akin ngayon na para bang puno ng admiration ang mga titig niya. "Ha? Bakit po? Bawal bang ngumiti? Pasensya ka na, hindi ko sinasadya," mali bang napangiti ako? Bakit ba kasi ngumingiti ako? Diba dapat, maging mas mapagmasid lang ako sa kilos niya? Tumawa ito ng malakas. "You're so adorable as always. Mas lalo kitang nagugustuhan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Gusto, gusto niya ako? "Ho?" "Each time I stare at you, you give me this unexplained feeling. It's making me wanting more of you." Sabi nito saka napatitig sa akin. Hindi ko alam kung saan ako titingin kaya sumubo nalang ako ulit. "Mapagbiro ka pala," natawa ako ng mahina saka pinagpatuloy ang pag subo, "sige. Ihahanda ko na iyong mga papeles." Mabilis na tumayo ako pero di paman ako nakakahakbang ng hinawakan ni Sir Gray ang kamay ko. "Hindi ako nagbibiro Felice. I'm not fooling you," saka hinaplos nito ng masuyo ang kamay ko. "Do you want me to prove that to you right now?" Sumilay sa labi niya ang isang makahulugang ngiti kaya napalulon ako. "Gray..." Gustong kumawala ng mga kamay ko pero mahigpit niya itong hawak. "It's so good to hear you just calling my name. It's making me a crazy horny beast," mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko masyadong gets 'yong sinabi niya. "Ma le-late na tayo," pilit ko siyang nginitian. "Tsaka, mag aayos pa ako ng mga papers Sir." Medyo lumawag naman ang pagkakahawak nito sa kamay ko. "Okay, let's just do it then later." Kinindatan niya ako matapos ay mabilis na umikot siya at lumapit sa akin saka mabilis na hinalikan ang labi ko. "I told you, one kiss per one mistake Felice." Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang tuluyan siyang dumeretso sa kwarto niya. Bumibilis na naman ang pag t***k ng puso ko. Parang may paroparo na naman sa tiyan ko. Tsaka, nakakaramdam ako ng kakaibang kiliti mula sa ibabang bahagi ng katawan ko. Hindi pwede ito. Hindi pwedeng mahulog ako sa kanya. Hindi pwedeng mapaso ako sa apoy na sinimulan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD