Chapter 4

2467 Words
"So what do you think Gray? Papasa na ba sayo ang design ng building?" Tanong ni Sir Junie, kababata at kasosyo ni Sir Gray. Nag me-meeting kasi kami ngayon para sa plano nilang pagpapatayo ng bagong building, kung saan dito itatayo at ilalagay ang opisina para sa merging nilang business. Mayroon na ngang real estates, hotel chains and resorts businesses sila Sir Gray at ito na naman siya, magtatayo ng bago niyang imperyo para sa telecommunications business niya kasama si Sir Junie. "I don't like the exterior design. The building looks inferior and thin. I want it taller and I want the interior space to be wider." Sabi ni Sir Gray sabay pina-ikot niya sa kanyang kamay ang kanyang black pen. "But we don't have enough space Gray. If we gonna extend, matatamaan ang Gonzales Law Firm building and you don't want to get in trouble with them right?" "How about in the right side? I'm sure we could easily pay those people living in that squatter area, besides, we have enough resources para magawan ng paraan kung kinakailangan natin palakihin ang building." "We already tried Gray pero ayaw umalis ng mga tao. Kahit bigyan daw sila ng pabahay, they wouldn't leave dahil matagal na raw sila roon plus they are afraid that they might lose their income kung mapapalayo ang bahay nila sa Manila." Napabuntong hininga nalang si Sir Gray. "Well, I guess I don't have any choice but to send my younger brother there. I'm sure he knows how to monopolize people." Napataas ang isang kilay ni Sir Junie. "Who? Si Cooper? Si Ven? O si Cyan?" Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Sir Gray. "Cooper? Magaling lang 'yon mambola ng chics. And Cyan, you know he is still in College." Napangiti ng malapad si Sir Junie. "Oh, I knew it. Si Lavender? Pero diba mainitin ang ulo non? Baka hindi niya rin kayanin ang katigasan ng ulo ng mga taga squatter don." "Leave it to him Junie. Lavender might be hotheaded but I'm sure, he is the best damn good persuasive Lawyer in this world." "Well, may tiwala naman ako don sa kapatid mo. Just make it sure na mapadali niya na mapapayag ang mga tao doon para maumpisahan narin natin ang pagpapatayo. Mr. Tomihisa, Ms. Satomi and other investors are expecting that we will succeed with our plan." "Don't worry Junie. I'll handle everything, just fine," tumayo ito saka nakipag kamay kay Sir Junie, at inabot rin naman nito ang kamay ni Sir Gray. Matapos ang meeting ay isa-isang nagsilabasan sa board room ang mga kasamahan ni Sir Junie at mga tauhan nito. "What's my next appointment?" Tanong sa akin ni Sir Gray kaya dali-dali kung binuksan ang schedule notes ko. "Ah ngayong 4:30 p.m po may pupuntahan po kayong event, a wedding event po ni Mr. and Mrs. Pietro." "Okay, then let's go." "Sandali lang," laking gulat ko ng bigla nalang akong hinila ni Sir Gray palabas ng board room. Pagkababa namin ay agad na sinalubong kami ng mga tauhan niya. Ibinigay niya sa isang body guard niya ang kanyang attache case. "Don't bother to follow us Hugo," sabi nito sa matangkad at may bigote niyang bodyguard, "and kindly call my mom and tell her that I'll be missing today's family dinner because I'll be attending a special event." "Sige ho Sir," sagot naman nito. Matapos nilang makapag-usap ay sumakay kami sa bago na naman niyang sasakyan. Isang kulay gray na four wheel car at may tatak na Ferarri na logo ang sasakyan niya. Nang maka-upo ako sa tabi ng driver's seat ay sumunod naman si Sir Gray matapos ay ini-start niya ang makina nito. "Are you already tired babe?" Biglang bumilis ang pag t***k ng puso ko ng tinawag niya akong babe. Hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman. Siguro dahil nasanay rin akong tinatawag niya akong Felice. "Ho? Este, hindi naman," nahihiya kung sagot saka napatingin ako sa bintana. Hindi ko kayang salubingin ang mga tingin niya. Hindi ko rin kaya tiisin na titigan ang mga ngiti niya dahil napapangiti rin ako kahit wala namang nakakatuwa. "Okay lang ba sayong pumunta pa tayo ng wedding? But if you're not comfortable and you're tired, pwede namang umuwi na tayo ng condo natin." Mas lalo pang bumilis ang pag t***k ng puso ko ng binanggit niya ang salitang "condo natin". Anong ibig sabihin non? Natin? Bakit naging natin? Seryoso ba talaga siya sa mga sinasabi niya? "Huh? Ah eh, okay lang. Trabaho parin naman ang pupuntahan natin doon." Nalaman ko kasing kasosyo rin ni Sir Gray si Mr. Pietros, isang Italian investor na marami ring ari-arian sa Italy. "You look so tense. May nasabi ba ako?" Takang tanong nito habang pasulyap-sulyap ito ng tingin sa akin. "Huh? Ah wala naman. Medyo naninibago lang talaga ako," nahihiya kung sagot. Hanggang ngayon parin kasi ay hindi ko alam kung ano ba talagang status naming dalawa. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung pinapapasok ko na ba talaga siya sa buhay ko o hindi pa. Ang tanging alam ko lang ay kailangan ko siyang sundin para hindi ako mawalan ng trabaho. "Naninibago? About what? Hey, are you still doubting about my actions to you? Hindi ka parin ba welling na maging girlfriend ko?" Medyo may lungkot sa boses niya ng tinanong ito. "Ah kasi, kasi.." "We need to stop here," walang ka buhay-buhay niyang sabi. "Ho?" Hindi kaya, hindi kaya nagalit si Sir Gray sa reaction ko? Oh no! Baka katapusan ko na talaga ito! Bakit ba kasi hindi ko nalang sabayan ang trip niya? Come on Felice! Mawawalan ka na talaga ng trabaho niyan, sige ka! "What's with that worrying face? Are you thinking that I'm breaking up with you?" Mula sa poker face ay napangiti na naman ito sa akin, "I didn't know that you still have feelings for me too. I'm not breaking up with you babe, tumigil lang tayo because you need to change your clothes." Napanganga naman ako sa kawalan. Mali ang iniisip mo Sir Gray. Bakit ba ang lakas rin ng bilib niya sa sarili niya? Porket gwapo siya eh, hay naku. "Ho? Este, magpapalit? Pero wala akong dalang extra na damit. Tsaka..." "No need to worry Felice. Seen that logo?" Tumango naman ako, "that's where we will buy our clothes. Now come on, cause we are already late." MARAMING tao, hindi basta-bastang mga tao. Maraming mayayaman at sosyal ngayon sa kasal ni Mr. Pietros at sa napakagandang asawa nito. Hindi ko tuloy alam kung saan ilulugar ang sarili ko dahil pakiramdam ko, hindi ako nababagay sa mundo nila. "Babe, why are you so gloomy? You're not even smiling. Gusto mo na bang umuwi tayo?" May pag-aalala sa boses ni Sir Gray. Naka hawak ang kamay niya sa bewang ko at ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa isang baso na may red wine. Umiling ako. "Sorry, hindi lang talaga ako sanay sa maraming tao." Lumaki kasi akong mag isa simula ng mawala si Mama. At nasanay akong magkulong sa aking kwarto na nagpipinta lang ng mga paintings o di kaya ay nanonood ng Asian Drama. "I'm so sorry babe I didn't ask you. Hindi ko alam na hindi ka pala sanay sa maraming tao. Don't worry, I'll go see Gio and tell him that we are leaving kasi masama ang pakiramdam mo." "Huh? Hindi na, okay lang naman ako. Maybe, I just need to warm myself..." Napalingon-lingon ako, "ah doon. Doon muna ako. Okay lang ba?" Bakas sa mukha ni Sir Gray ang pagdadalawang isip. "Okay, you'll stay there. I'll just chitchat shortly and after magpaalam ako kay Gio pupuntahan kita okay?" Tumango naman ako sa pag sagot at sinagot rin ako ni Sir Gray ng halik sa noo. Dali-dali kung tinungo ang garden. May iilang tao, pero mas okay na rito kasi hindi maingay at walang gulo. Sinimhot ko ang wine kaya nailayo ko kaunti sa ilong ko ang baso. Ang tapang kasi ng amoy. "Hello there, my name is Fabio and you are?" Natameme ako ng isang matangkad na lalaki ang biglang nagsalita sa harap ko at iniabot nito sa akin ang kanang kamay niya. Kulay berde ang kanyang mga mata at napakatangos ng kanyang ilong. Mapula rin ang kanyang labi at bakas na bakas ang kanyang adam's apple na mas nagbigay sa kanya ng kakisigan. "Ah ano po, Fe.. Felice po." Nagdadalawang isip ako kung makikipag kamay ba ako dahil parang nakakahiyang hawakan ang kamay niya pero wala akong nagawa ng ito mismo ang nag initiate para makamayan ko siya. "What a nice name. By the way, pinsan pala ako ng kinakasal, si Gio. And you, are you relatives with someone I know? Ngayon ko lang rin kasi nakita ang magandang mukha katulad mo," tumawa ito dahilan para mas humanga pa ako sa kagwapohan niya. Kung gwapo si Sir Gray, ay papantay naman sa kanya si Fabio. Teka, bakit ko ba sila kino-compare? Hay ewan! "Ah kasama ko ho kasi si Sir Gray, Grayson Montejo. I'm his secretary," sagot ko naman dito at nginitian rin siya pabalik. "Wow. I love your smile. Hindi ko inakala na ang isang anghel na katulad mo e papayag lang maging isang secretary ng isang kagaya ni Gray." Tumawa ito saka napa iling, "anyway, this is my contact card. You can call me if you're lonely," sabi nito saka kinindatan ako. Tatanggapin ko na sana ng biglang may kamay na pumigil sa akin, "don't you dare lay any emotional attachment to my girl Fabio. You haven't change after all this years." "Look who's talking. You are the one who haven't change at all. May tinatali ka na naman and if things won't work the way you wanted, sisirain mo na naman ang buhay ng isang kawawang babae." Biglang kumalabog ang puso ko dahil sa palitan nila ng salita. Nararamdaman ko kasi ang kakaibang init na nagmumula sa pagitan nila. Para bang ilang segundo lang ay may sasabog na bulkan. Kaya agad ko silang pinigilan dalawa. "Nakikipag-kaibigan lang po siya sa akin Sir Gray," nahihiyang sabi ko. Ngunit sinagot lang ako ni Sir Gray ng isang malalim na tingin. "I do trust you but I don't have any trust with this fool. Alam ko sa tingin niya palang sayo kanina, he wanted to take an advantage of you." "You're crossing the line Gray. Don't start any foolish acts here kung ayaw mong pagsisihan ang pakikipag negosyo ni Gio sayo. Remember, my cousin is the one who helps you a lot in your business in Italy. Baka gusto mong sa isang iglap, matapos ang koneksyon ng Montejo Empire sa Italy." Isang malakas na halakhak naman ang kumawala sa bibig ni Sir Gray, "is that a threat? Go and tell Gio about this. And see kung sino ang paniniwalaan niya. Your habit of destroying a relationship already became people's favorite topic Fabio." Naikuyom nalang ni Fabio ang kamay niya habang tinititigan niya ng masama si Sir Gray. "This will not end here Gray. Remember that." Saka ito galit na umalis. Nang maka-alis si Fabio ay bigla nalang hinila ni Sir Gray ang braso ko at dinala ako sa isang madilim na sulok ng garden." "Next time, I don't want you talking ever again with that guy or any guy. I hate it Felice." Naka kunot ang noo nito habang pabalik-balik ng lakad sa harap ko. "Pero mabait naman si Fabio. Magalang nga siya nung magka usap kami," tsaka mukha pa siyang masayahin. "Look, there are people who looks like rabbit but is totally a black sheep. I just want to protect you from that guy. Just please, promise me that you wont ever talk to that guy again okay?" May pagsusumamo ito. Ano pa bang magagawa ko kung di sundin ang gusto niya. Sa may magagawa man ako o wala, siya parin naman ang nasusunod. "Okay." "Promise me," nilapitan niya ako saka sinandal niya ako sa malaking puno. "Promise," sagot ko naman habang nakatingin ako sa mga taong nagsasayawan. "You're addicting me Felice. I wanted to own you," sabi niya saka hinaplos niya ang pisngi ko. "I wanted to tell people that I own you but you don't want me to tell them." Gusto niya talaga kasi akong ipakilala sa lahat sana kanina kaso ako ang nagsabing hindi na muna. Hindi ko kasi alam kung tanggap ko na ba talaga siya ng buo at isa pa, baka masira pa ang mga mood ng mga tao kapag nalaman nilang ako ang nobya ni Sir Gray. Baka mas marami pa ang taong iiwas sa akin. "Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko. "You'll find out soon Felice. You will find out soon the reason why I'm doing this," sabi niya saka sinakop ang labi ko ng labi niya. Hindi ako nagreresponde sa halik niya. "Why aren't you responding to my kiss Felice? Am I not a good kisser?" Muli niyang tinudyo ang labi ko. "Kiss me back please?" "Ano kasi, kasi..." Hindi na ako nakapagsalita ng bigla niya uli akong hinalikan. Hinimas niya ang pwet ko saka papunta sa likod ko. "Kiss me back Felice," sabi niya sa pagitan ng aming halik. Hindi ko naman alam kung paano mag reresponde. Hindi parin kasi ako marunong humalik. "Hi.. Hindi po," nanginginig na sabi ko, "hindi po kasi ako marunong." Isang mahinang tawa ang kumawala sa bibig ni Sir Gray. Hindi ko alam pero napakasarap sa tainga mapakinggan ang tawa niya. Para bang may parte sa puso ko ang natutunaw dahil sa tawa niya. "I knew it, ako ang first kiss mo," sabi niya habang nakatitig siya sa aking mga mata. Nahihiya ako, kaya ako ang unang nag alis ng tingin. Ngunit, hinuli niya ang aking chin kaya magkatitigan na kami ulit ngayon. "I'm glad that I own your first kiss. You don't know how satisfying at the same time relieving it was Felice." Sasagot sana ako ng muli niyang sinakop ang labi ko. "Just follow my lips Felice. Hear your heartbeats and follow where it leads you." Nagdadalawang isip ako sa pag sagot. "Tinuturuan mo ba ako kung paano humalik?" Nahihiya kung tanong na siyang ikinatawa niya ng mahina. And then, there my heart goes again. Iyong tawa niya kasi eh. "Isn't it obvious," sabay kindat niya. Iginapos niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko saka hinila ako ng mas malapit sa kanya, na halos wala ng space sa pagitan ng aming mga katawan. "Let's make it step by step Felice," sabay hinalikan niya ulit ako. Ninamnam ko ang labi niya. It was sweet at kakaiba sa pakiramdam. Hanggang sa unti-unti ko ng sinagot ang galaw ng labi niya. Hindi ko alam kung gaano katagal nag tagal ang halikan namin. Nalaman ko nalang na pinipisil na ng marahan ni Sir Gray ang mga dibdib ko kaya naitulak ko siya ng malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD