"Saan po to ilalagay Ma'am?" Tanong sa akin ni Mang Roger, kasunod nito ang iba nitong kasama na tumulong sa pag bubuhat ng mga gamit dito sa luma at maliit na building.
"Paki lagay nalang ho diyan Manong, ako na po ang bahala. Maraming salamat ho sa inyo," sagot ko. "Ito po pala iyong bayad."
"Naku Ma'am, tapos na pong nabayaran ni Sir Gray. Wag na po kayong mag bigay," sabi nito.
"Ha? Eh, paano po..."
"Sige po, aalis na ho kami Ma'am Felice. May e de-deliver pa po kami sa Quezon," hindi na ako naka angal ng isa-isa silang lumabas at tuluyang sumakay sa delivery truck nila.
Napa buntong hininga nalang ako saka tiningnan ang mga furnitures at box na nagkalat sa sahig. Hindi muna ako pumasok ngayon dahil nahihiya parin akong harapin si Sir Gray. Halos dalawang araw kaming walang maayos na kibuan simula noong pumunta kami sa kasal ng kaibigan niya. Hanggang ngayon parin kasi ay sobrang nahihiya ako sa nangyari. Kaya para makalimutan ko ang nangyari sa gabi na 'yon ay aaliwin ko na muna ang sarili ko dito.
Itong maliit na building kasi na kinuha ko ang gagawin kong lugar kung saan ko bubuksan ang una kong exhibit. Mas gusto ni Sir Gray na mas malaki at maganda pero ako na ang naki usap na mas gusto ko ang lugar na ito, isa pa, nakakahiya narin kung mag re-request pa ako ng bongga.
Tsaka, hindi narin ako nag request ng mga tao para sa pag tulong sa akin sa paglilinis. Hindi naman malaki ang building at kakaunti lang din ang aayusin dahil nalinisan na ito ng may-ari.
Inuna ko ang pagbukas sa iilang bintana. Sunod ay winalisan ko ulit ang sahig, dingding at ang kisame. Pagkatapos ay binuksan ko isa-isa ang box at inilabas ang mga gamit na pintura, brush, barniz at iba pang mga gamit sa pagpipinta.
Matapos na mailabas ko ang mga kagamitan ay sinimulan ko ang paghahalo ng pintura. Pagkatapos ay kinuha ko ang brush at sinimulan ang pagkukulay sa dingding. Kinulayan ko ng kulay beige ang dingding. Sa kisame naman ay kinulayan ko ito ng kulay Apricot.
Nang matapos na ako sa pagpipinta ay nilagyan ko naman ng barniz ang pinto at ang edges ng mga bintana, para kumintab. Pagkatapos ng pagbabarniz ay kinolekta ko ang kalat at inilagay ito sa basurahan.
Nang mag mukhang maayos at malinis na ang buong kwarto ay doon ko naman in-arrange ang iilang furnitures katulad ng maliit at malambot na kulay puting couches at di gaanong kalakihang thin boxes na ididikit ko sa wall para dito din ilagay ang mga paintings na gagawin ko.
Natigil ako sa pag-aayos ng makarinig ako ng pagparada ng sasakyan di kalayuan sa building na inuukupahan ko. Ibinaba ko ang box saka inayos ang suot kung maong na jumpshort.
Nagulat ako ng makita ko si Sir Gray na may bitbit na dalawang coffee at pastry box pagkalabas niya ng sasakyan. Agad na inayos ko ang magulo kung buhok saka nilapitan siya.
"Ano ho, este, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Kukunin ko sana iyong dala niya para matulungan siya pero iniwas niya iyong mga kamay niya sa akin.
"I can manage baby, you look so tired," sabi niya saka nginitian ako at dumeretso siya sa loob kaya agad na sumunod ako. "I brought you food cause I know... Woah, how." Natulala siya ng makapasok siya sa loob. Marahil ay nagulat siya ng makitang ganito na ito kaayos at kaganda ngayon.
"Did you do this alone?" Tanong niya habang nilibot niya ang tingin sa buong kwarto.
Tumango naman ako, "oo. Maganda na ba?" Natutuwa kong tanong. "Dito muna lang ilagay yang mga pagkain," sabi ko.
Inilagay niya naman ito sa ibabaw ng box saka muli niyang sinuyod ang buong kwarto. "Wag mo munang hawakan ang dingding, hindi pa masyadong tuyo 'yan," sabi ko ng akmang hahawakan niya ang dingding.
"Oh, I'm so speechless. I didn't know that you really had this passion when it comes to art," sabi niya habang sinuri niya ang bintana.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ganito rin kasi ang sinabi sa akin ni Mama noon noong nabubuhay pa siya. Hindi niya raw sukat akalain na may anak siyang may ganitong klaseng pagmamahal pag dating sa art.
"Salamat," sabi ko, "gusto mo na bang kumain? Maghuhugas lang ako sandali at ihahanda ko ang dinala mong pagkain."
Lumingon ito sa akin saka lumapit, "no. I'll be preparing this, alam kung pagod ka," nakangiting sabi niya.
Bigla na namang kumalabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kakaibang saya dahil sa ngiti niya. Para bang kasing ang saya-saya niya sa tuwing kaharap niya ako.
"Sige," agad na tumalikod ako dahil baka mahalata ni Sir Gray na kinikilig ako. Dumeretso agad ako sa comfort room saka nag hugas ng kamay. Nang matingnan ko ang sarili ko sa salamin ay ganon nalang ang aking pagka gulat.
"Haaaaaa???" Sabay mas inilapit ko ang mukha ko sa salamin. "Ang dami ko palang pintura sa mukha! Mukha akong sundalo nito na sumabak sa giyera! Nakakainis naman, kaya ganon siguro ang ngiti ni Sir dahil mukha akong katawa-tawa."
Mangiyak-ngiyak na hinilamos at pinunasan ko ang aking mukha. Bakit kasi hindi ko rin tiningnan ang sarili ko kanina bago ako nakipag usap kay Sir Gray. Nakakahiya talaga! Wala na akong mukhang maihaharap pa nito.
"Felice? Are you okay?" Narinig ko ang pag katok ni Sir sa pinto kaya mas kinuskus ko at sinabunan ko pa ang mukha ko.
"Sandali lang ho, este, sandali lang," sabi ko saka nag hilamos uli ako sa mukha.
"Okay, the food is ready. I'll be waiting."
Agad na nag punas ako at inaayos ang damit ko. Medyo mainit ang kwarto kaya naisipan ko nalang na itali ang aking buhok. Mukha rin kasi akong aswang kapag nakalugay lang lalo na't pawisan ako kanina.
Nang maitali ko na ang aking buhok ay agad na lumabas ako ng comfort room. Nakita kong naka-upo si Sir Gray sa isang box habang nakangiti ito. Teka, bakit mag isang naka ngiti si Sir Gray? Di kaya, nababaliw na siya? Ang creepy niya talaga.
"Sir... I mean, Gray, kain na tayo," sabi ko saka hinila ang isang box at inilagay ito sa harap niya. Umupo ako roon saka tiningnan ang dala niyang pagkain. Mukhang ang sasarap!
"Salamat nga pala dito ah?" Sabi ko saka kinuha ko ang isang doughnut at nilantakan ito. "Hmmm, ang sarap. Salamat rin dito sa..." Natigil ako ng tiningnan ko si Sir Gray. Nakatulala lang siyang nakatingin sa akin habang naka awang ang mga labi niya.
"Ba.. Bakit? May pintura pa ba sa mukha ko?" Naku! Baka may natira pang pintura sa mukha ko. Nakakahiya na talaga! Babalik nalang ako sa comfort room. "Pasensya ka na, sige babalik lang ako sa comfort room." Aakmang tatayo ako ng pinigilan niya ako.
Hinawakan niya ang kamay ko, "no. It's just that, you look more beautiful when you tie your hair."
Nahirapan ako sa paglulon noong kinain ko dahil sa sinabi niya. Pero buti nalang, agad ring nagbalik ang sistema ko, "ah eh. Okay lang ba? Medyo mainit kasi at pawisan ako kanina kaya naisipan kong itali nalang muna ang buhok ko."
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya dahil titig na titig parin si Sir Gray sa mukha ko. Madami pa naman ang taong nagsasabi sa akin noon na ayaw nilang tumitig sa mukha ko dahil baka daw mamalasin sila habambuhay. Pero kakaiba si Sir Gray. Nakikipagtitigan talaga siya sa akin.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko ng hindi talaga naalis ang tingin niya sa akin.
"Ah yeah, sorry about that. Anyway, I also came here dahil gusto kong mag sorry sa inasal ko that night," seryosong sabi niya habang hindi parin niya inaalis ang tingin niya sa mukha ko.
"Kalimutan na natin 'yon. Marahil dahil lang 'yon sa alak na ininum mo rin," sabi ko saka kinagatan ko uli iyong doughnut sabay sigop nong Frappucinno.
"It's not that I was really sorry about it Felice but, I really wanted to apologize because I did it in an appropriate place and time," sagot naman niya saka ininom niya rin ang brewed coffee na dala niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Let's not talk about it for now. Anyway, maaga akong umalis ng opisina because I wanted to help you here. I was sorry too that I wasn't able to help you kanina because there was an emergency at my parent's house."
"Ah ganoon ba, okay lang. Nag enjoy rin naman ako dito sa paglilinis," nakangiting sabi ko.
"It looks like because you look satisfied. May naisip ka na ba kung ano ang ipipinta mo sa unang exhibit mo?" tanong niya.
"Naghahanap pa ako ng inspiration eh. Medyo matagal-tagal rin kasi akong hindi nakapag pinta."
"Inspiration? Does it really needs inspiration when you paint something?"
"Maybe. Hindi kasi ako nakakapagpinta ng maayos pag wala akong inspiration."
"So, who were your inspirations when you were painting before? Your boyfriend? Did you already had a boyfriend before?" Nabilaukan naman ako sa tanong niya kaya dali-dali niyang ibinigay sa akin ang bottled mineral water. "Are you okay?! For pete's sake, you should eat carefully! You're making me nervous!"
Naka hinga rin ako ng maluwag ng maka-inom ako ng tubig. "Sorry, iyong tanong mo kasi," sabi ko.
"What's with my question? May mali ba sa tanong ko?"
"Wala naman," sabi ko saka inilagay ang tubig sa ibabaw ng box. "Wala pa akong naging boyfriend. Pero laging inspiration ko noon ay iyong Mama ko."
"Really?" Seryosong tanong niya kaya tumango ako. "So does that mean that I'm also your first boyfriend?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya kaya naiwang magkatitigan kami ngayong dalawa. Boyfriend? Oo nga ano. I'm his exclusive girlfriend so it just mean that he's my first boyfriend.
"Ah eh, ano... Parang ganon, siguro." Nahihiya kong sagot. Tumayo nalang ako saka kinuha ko ang paint brush. Ewan ko ba kung bakit ito ang unang nakita ng mga mata ko. Agad na hinila ko ang pintura at pininturahan ko ulit ang dingding.
Gusto kong umiwas sa awkward moment at gusto ko rin iwasan ang mga mata ni Sir Gray. Nakakatunaw talaga kasi siya kung tumitig tsaka parang may naglalarong paroparo sa tiyan ko sa tuwing ngumingiti siya sa akin.
"You look so smitten," sabi niya sabay tumawa siya ng mahina. Mas lalo lang tuloy akong na te-tense nito! Kaya mas ikinuskos ko pa iyong paint brush sa dingding.
"I'll help you," sabi niya. Nilingon ko siya at ganon nalang ang aking pagkatulala ng hinubad niya ang kanyang long sleeve na kulay itim. Kitang kita ng mga mata ko ang hubot hubad niyang katawan. Iyong abs niyang, mala eight packs! Gusto ko na atang magpakasal sa kanya! Teka, itigil mo yang kalandiang sumasagi sa isip mo Felice! Magkaiba ang fiction na pinapanood mo sa palabas sa realidad!
Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng lumapit sa akin si Sir Gray na naka pantalon lang at walang damit sa itaas. Mas lalong sumasarap, este, gumaganda sa paningin ko ang abs niya lalo na kapag nasisilawan ng araw.
"Matutunaw ang abs ko niyan, sige ka," natatawang sabi niya.
Agad na tumalikod ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagpipinta. Nanginginig na pinturuhan ko ang dingding. Kung di lang kasi siya nag alis ng damit pang itaas e di sana, comfortable ako sa harap niya ngayon.
"Let me help you," sabi niya sa likuran ko. Mas lalong nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil ramdam ko ang buga ng hininga niya sa batok ko. Maging ang bango niya ay humahaplos sa ilong ko patungo sa kalooban ng sistema ko.
"Ako na," napapaos ang boses ko, ano ba yan! "Kaya ko naman, don ka nalang."
"Really?" Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya ito sa pagpipintura. Bumilis ulit ang pagkabog ng dibdib ko ng idinikit niya ang katawan niya sa likod ko. Naka-akap siya sa akin mula sa likod ko habang iginigiya niya ang kamay ko sa pagpipintura.
"Gray," napapaos parin ang boses ko. "Ako na ang gagawa, kaya ko naman."
"I'm not just helping you Felice, I'm also doing intimate moments with you. Don't you like it?" Sabi niya saka ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Kasi, kasi, ano..."
"Ang bango mo, you're really addicting me," mas humigpit ang pag-akap niya habang malumanay na iginigiya niya ang kamay ko.
"Pawisan na nga ako kanina pa eh, tsaka madudumihan ka kapag tinulungan mo ako," nakagat ko ang ibabang labi ko ng nag umpisang sinisimhot niya ang leeg ko. "Ano, ano bang ginagawa mo?"
"Me? I'm just doing art too," sabi niya saka tumawa siya ng marahan. "An art I call love." Kinuha niya ang paintbrush saka itinapon ito sa sahig. Agad na pinaharap niya ako saka hinila palapit sa kanya matapos ay kinulong niya ako sa mga bisig niya.
"Ano, ano bang ginagawa mo..."
"I can't help it Felice. Everytime I look at you, you just made me felt like a crazy horny beast, and it's f*****g me whole night thinking about you, your face, your lips, your everything."
"Ano bang sinasabi mo?" Pilit na kumakawala ako pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakakulong sa akin.
"You're making me insanely in love with you Felice and I don't think I can find any cure." Matapos niyang masabi iyon ay bigla nalang niya akong hinalikan sa labi. "I'm crazy in love with you Felice, I really do."