Villain “Let go of me. You’re my superior at work but not here, Dr. De Jesus. Walang rason para hindi kita patulan,” malamig ang boses na turan ni Arvie kay Nitrogen na nagtatagis ang bagang na mas hinigpitan pa ang pagkakakuwelyo sa asawa ko. “Nasa hospital tayo, Nitrogen. You’re a doctor, you know the protocol here,” ani Jack na hinawakan na sa braso si Nitrogen ngunit nanatili pa rin siyang nakikipagtitigan ng masama kay Arvie. “Nitrogen, enough!” saad ko’t hinila na siya palayo kay Arvie sa kabang magkagulo pa silang dalawa. “A-ano bang ginagawa mo?” “You’re crying again–bakit namumula ang pisngi mo? Did he slap you?!” aniyang hinawakan pa ang pisngi ko. Tangkang lalapitan niya muli si Arvie ngunit pinigilan ko siya. “Nitrogen hindi! Mali ka ng akala okay?! Hindi ako sinasaktan

