Mahal “YES, I know. Give me a week. Fine, five days. Okay, bye. Thank you.” Pasimple kong sinulyapan si Arvie na kunot na kunot ang noong inilagay sa dashboard ang cellphone niya. “Is that from the hospital?” hindi ko na napigilang itanong dahil pasimple kong nakita ang pangalan ng tumawag sa kanya na si Calix pala. Kung mag-usap nga sila kanina ay parang hindi niya boss ang kausap. Naglaho ang kunot sa noo niya at nagsimula nang magmaneho patungong hospital. “Yeah, it’s Calix. He’s asking me when I will be back. Nireport na sa kanya ng superior ko na basta-basta akong umalis sa duty kahapon at hindi pumasok ngayon,” iiling-iling niyang tugon. “Sorry, d-dahil sa akin–” “Forget it. It’s for the better, my work environment is becoming toxic. I was always clashing with my superior.

