"Honey?"
Kakapasok pa lamang ni Frances ng kwarto nang bigla siyang yakapin ng asawa.
"Hon! Ginulat mo ako." Tila nagulat na sabi ni Frances habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang kaba dahil sa ginawa ng asawa.
"How's your day, Hon?" tanong ni Atlas sa kaniyang asawa habang inaasikaso siya nito.
"A little bit stress, Hon. But don't worry, Im fine," nakangiting tugon naman ni Frances sa kaniya.
Natigil sa kaniyang ginagawa si Frances nang higitin siya ni Atlas papalapit sa kaniya. Kaya naman ay sumubsob siya sa dibdib nito.
"Hon!" nakangiting saway ni Frances habang nakatingin sa mga mata ni Atlas.
"I love you, my wife," seryosong sambit nito habang nakatitig lamang sa mga mata ng babae.
Hindi maitago ang kilig ni Frances sa mga tinuran ng asawa niya. Tila ba ay hindi ito nagbago matapos ang tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Subalit naputol ang paguusap nilang mag-asawa nang biglang mau kumatok mula sa pinto. Agad naman rin iyong nagbukas at bumungad sa kanila ang isang maid.
"Sir, Ma'am. Andito po si Jasper," sabi nito. Napangiti silang dalawa bago tumango. Isang halik ang ginawa ni Atlas sa asawa bago sila tuluyang lumabas ng kwarto.
Mabilis silang nakarating sa sala kung saan naglalaro si Jasper kasama ang Mommy nito.
"Daddy!" masayang bungad sa kaniya ng anak na si Jasper. Agad na binuhat ni Atlas ang anak.
"Ikaw na munang bahala sa kaniya." Napatingin si Atlas kay Karina habang seryoso itong nakatingin sa kaniya.
"Kukuhain ko na lang siya mamayang gabi," sabi pa nito bago nagpaalam sa anak. Tahimik itong lumabas habang si Frances naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanilang mag-ama.
"Tita Lois, I have a gift for you," sabi ni Jasper kaya naman napangiti kahit na nagtataka si Frances sa tinuran ng bata.
"Here," masayang sambit nito at inabot ang isang box na maliit.
Nagtatakang kinuha iyon ni Frances bago dahang-dahan na binuksan.
Dalawang infinite bracelet. Kaya naman napangiti si Frances bago ttumingin sa kaniya.
"Jasper, para saan ito?' nakangiting at hindi makapaniwalang tanong ni Frances sa kaniya.
"Gift ko po for you, I'm the top one. Thank you, Tita Lois," masayang sambit ni Jasper.
"Thank you, pero hindi mo naman ako kailangan regaluhan. Ang maging top one ka that's enough," nakangioting sagot naman ni Frances sa kaniya.
"Tita Lois, just give the other one to Dad," nakangiting sambit pa nito.
Napangiti si Frances sa sinabi niya. Napakabait ng batang ito. Kailanman hindi ito tumutol sa kanila ni Atlas. Tila ba nagustuhan siya ng bata. At parang naiintindihan nito ang sitwasyon ng mga magulang niya kahit na sa murang edad pa lang niya.
Walang ni-isang lumabas mula sa bibig ni Frances kundi ang yakapin lamang si Jasper. Nagtataka man si Jasper pero hindi na ito nagtanong pa.
"Tara kumain na tayo," nakangiting pag-aya ni Atlas sa kanila. Inalalayan naman ni Frances ang bata papuntang kusina.
Habang masaya silang nakain ay muling nagsalita si Jasper.
"Daddy, can I sleep here when my Mom is busy?" tanong nito kay Atlas kaya naman napatingin sila bago ngumiti.
"Of course, Son," nakangiting sabi ni Atlas habang hinahawakan ang ulo ni Jasper.
"Ako na ang kakausap sa Mommy mo," nakangiting dugtong pa ni Atlas.
Nagkatingina sila Frances at Atlas. Kinakabahan si Frances dahil hindi niya alam ang gagawin. Dahil baka maulit muli ang nangyari noon.
Mahirap man sa kalagayan ni Frances na may anak si Atlas sa ex-girlfriend nito ay hindi niya pa rin ito sinukuan. Sobrang dami na nang pinagdaanan nilang mag-asawa.
Mula sa magulang ni Atlas hanggang sa kawalan ng oras nila sa isa't-isa. Bagama't sobrang busy niya ay hindi naman iyon naging dahilan para maghiwalay sila ni Frances.
Kahit na minsa'y hindi sumagi sa isip ni Frances na hiwalayan ang asawa niya kahit na may mga gabi na hindi ito nakakauwi dahil sa dami ng pasyente.
***
Nakangiting pinagmamasdan ni Frances ang litrato nila ni Atlas. Bawat litrato ay may kaniya-kaniyang masayang alaala.
Hindi naiya napansin na nasa likod na pala niya si Atlas na nakangiti ring nakatingin sa kaniya.
"Hon, kanina ka pa diyan?" Dahan-dahanag inilapag ni Frances ang litrato nilang mag-asawa bago pumunta kung asan si Atlas.
Dahan-dahan namang hinawakan ang mukha ni Frances habang seryosong nakatingin sa mga mata nito.
"Si Jasper?" tanong muli ni Frances.
"Tulog na siya," nakangiting sagot ni Atlas habang nakatingin sa mukha niya.
"Hon? May problema ba?" tanong nito habang nagtatakang nakatingin sa asawa.
"May dumi ba ako sa mukha?" dugtong pa nito.
Ngumiti naman si Atlas bago siya hinalikan sa labi.
"Para saan naman iyon?" natatawang tanong niya dahil bihira lang na maging ganito ang asawa niya.
"Thank you for everything. Dahil nag-stay ka at hindi ako sinukuan. Thank you, Hon. I'm the lucky guy in this world because I have you," seryosong sambit nito kaya naman agad na angsalita si Frances.
"Hon, naman. Hindi mo kailanbgan magpasalamat. I stay because I love you and you love me too," sabi naman ni Frances. Umiling-ilign si Atlas na parang hindi sang-ayon kay Frances.
"You accepted my son. I have so many imperfections but you are here. I'm not a perfect husband because sometimes I have an enough time for you," sinseridad na sabi ni Atlas sa kaniya. Ngumiti naman si Frances bago nagsalita.
"Hon, hindi. Hindi rin tayo magtatagal kung hindi dahil sayo. Hindi mo rin ako binitawan sa lahat ng imperfections ko. Thank you rin," naiiyak na sambit ni Frances at hinalikan ang asawa.
Napangiti na lang siya ng maalala ang lahat ng hirap na pinagdaanan nila. Hindi niya naisip na sumuko na lang. Si Jasper ang naging dahilan para parehas silang lumaban ni Atlas. Si Jasper ang naging daan para mas lalong tumibay pa ang relasyon nila.