FRANCES' POV
Napangiti ako ng mapanood ko ang performance nila Keila. Bigla kong na-miss ang mga araw na ako ang vocalist nila.
Ayaw ni Klynn na kumakanta pa ako sa mga ganong klaseng lugar. Dahil ayoko ng away ay napilitan akong mag-resign.
Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Keila sa akin.
"Sissy," sambit niya sa kabilang linya.
"Napatawag ka, Kei?" tanong ko.
"Ikaw? Kailan ka babalik?" tanong niya sa akin kaya naman natigilan ako.
Alam ko kasing mag-aaway lang kami ni Klynn sa tuwing babalakin kong buksan ang issue na yan.
"Kei, alam mo naman ang sitwasyon ko," sabi ko sa kaniya. Kahit na hindi ko siya nakikita alam kong naikot na ang mata niya.
"C'mon, Sis. Kailan mo balak sabihin sa kaniya na gusto mo ang pagkanta? Kung mahal ka niya maiintindihan ka niya," sabi niya kaya naman agad akong sumagot.
"Hindi sa ganon. Oo, pero alam mo naman kung ano ang nangyari hindi ba? He just protecting me," sagot ko sa kaniya.
"But you still loves to sing, Girl. Hindi naman pwedeng maulit iyon dahil for sure makukulong na ang mga taong magtatangkang hawakan ka," maarteng sabi niya.
"Hindi ko talaga alam kung kailan ko siya makakausap. Maybe I will find a right time for it," sabi ko pa.
"Whatever. By the way, ang daming naghahanap sa iyo. Your fans missed you," sabi niya pa.
"Congratulations, Kei. Im so happy for you. Don't worry, pupunta na ako next time," sambit ko pa sa kaniya.
"Promise mo yan, aabangan o ang araw na yan. Kapag hindi ka pumunta, di na kita friend," parang batang sabi niya sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Nakaka-miss rin sila ka-bonding ni Veron. Ilang linggo ko na kasi silang hindi nakakasama.
"Promise," nakangiting sambit ko.
"I love you, Sissy!"
Napangiti ako bago nagpaalam sa kaniya. Ibinaba ko na ang cellphone ko at akmang papasok na sa loob nang makita ko si Klynn.
"Hon, kanina ka pa?" tanong ko sa kaniya bago itinago ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko.
"Are you okay?" tanong niya naman.
Ngumiti ako sa kaniya at lumapit sa kinatatayuan niya.
"Yes, bakit mo naman naitanong?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Ngumti naman siya at hinawakan ang kamay ko. TInignan ko lang siya habang ginagawa niya iyon. Seryoso soiyang tumingin sa mga mata ko.
May problema ba siya? Bakit ba parang may gusto siyang sabihin sa akin?
"Hon? May gusto ka bang sabihin?" tanong ko dahil feeling ko talaga di lang niya masabi. Ngumiti lang siya bago nagsalita.
"Nothing, Hom. I'm worried about you," sabi niya. Isang ngiti naman ang ginawa ko para maalis ang pag-aalala niya.
"I'm fine, don't worry about me," sabi ko at hinalikan siya sa mga labi niya.
"Tara na, pumasok na tayo," sabi ko pa at inakbayan naman niya ako papasok.
***
"OMG, Sis! I miss you!" malakas na tili ni Keila habang nakayakap sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniya.
“Tumupad ako sa usapan,” sabi ko habang nakangiti sa kaniya.
“Ang sweet naman,” sabi niya habang nakanguso pa.
Ako ang lagi niyang sinusuportahan noon pa. Kaya naman ngayon ako naman ang susuporta sa kaniya.
“Basta, Sissy. Kung balak mo nang bumalik huwag kang matakot sabihin sa akin. Ibabalik ko naman ang position mo,” sabi niya pa kaya naman tumawa ako.
“Hindi naman kailangan, Sis. Pwede naman tayong dalawa na,” sabi ko pero agad siyang umalma.
“No! Hindi pwede yon. Hindi pa rin kita kayang tapatan. Hindi na mangyayari yon,” natatawang sabi niya.
“Grabe ka naman, hindi naman malabong makaya mo rin ang kaya ko. Basta I will support you,” sabi ko pa sa kaniya.
“Bakit kayo lang yung nagsusuportahan? Hindi ako kasama?” tanong ni Veron na composer naming.
Nagtinginan kami bago lumapit sa kaniya.
“Of course kasama ka na don, para saan pa ang pagiging composer at Mezzo-soprano mo kung hindi ka kasama?” tanong ko sa kaniya at ngumiti.
“Bakit ka ganiyan? Kinikilig ako, Lois!” sabi niya pa at umarte na kinikilig. Parehas naman kaming natawa.
“Kung may fans nga tayo, para ano pa at nagig magkaibigan tayo kung yung isa hindi isasama?” tanong ni Keila.
“Oo na, wag ka nang prangka diyan,” sabi pa ni Veron.
Prangka kasi si Keila. Hindi tulad ni Veron na pinipili ang sasabihin. Parehas naman silang tama at may sariling mga dahilan. Ako naman, mas pinipili kong manahimik kung wala akong magandang sasabihin lalo na kung hindi ko close.
“Sayang kasi si Sissy. Maagang umalis. Hindi tuloy tayo nagiging kompleto,” dagdag pa ni Veron.
“Ayos lang iyon. Hindi ko naman kayo pinababayaan. Nasuporta pa rin naman ako kahit na medyo busy ako,” sabi ko sa kaniya.
“Huwag mo na ngang artehan si Lois, hindi na magbabago ang isip ni Atlas. Hindi na siya pababalikin niyan,” sabi pa ni Keila. Natawa naman ako dahil para siyang nagtatampo.
“Hindi naman sa ganon. Alam mo naming hindi lang gusto ni Klynn na pumupunta pa ako sa ganoong klase ng lugar. It’s beter na sundin ko nalang siya kaysa naman na mag-away lang kaming mag-asawa,” sabi ko pa.
“Sabagay, kaysa naman na mag-away kayo at maghiwalay-“ Hindi na niya nasabi pa ang sasabihin niya dahil agad siyang tinignan ni Keila.
“Sorry,” sabi niya pa at nag-peace sign. Ngumiti na lang ako.
“Ang daldal mo kasi eh!” sabi ni Keila.
“Sissy, ayos ka lang?” tanong naman niya at nag-aalalang tumingin sa akin.
“Yeah, wala yon,” sabi ko pa. Hindi na ako umimik pa.
Hindi ko alam kung bakit ako na-trauma sa hiwalayan na salita. Ayoko lang talaga siya marinig dahil nasisira ang araw ko. Muntik na kasi kaming maghiwalay ni Klynn dahil kumilos si Dad. Hindi siya bot okay Klynn. Pero dahil mahal ko si Klynn ay tumakas kami.
Ma-impluwensya si Dad kaya naman hindi rin kami nakapagtago ng matagal. Nagmakaawa pa ako sa kaniya para lang huwag kaming maghiwalay. Ginawa ko ang lahat ng pinapagawa niya para lang makabalik kay Klynn.
Kaya ayoko ng salitang hiwalay. Lalo na kung kami ang pinag-uusapan ni Klynn. Nasanay na ako sa loob ng tatlong taong asawa siya. Kaya nakakamangha ang mga taong nakakayanan ang paghihiwalay sa mga asawa nila. Hindi ko alam kung kakayanin ko rin pero hindi ko na iisipin iyon dahil ayokong dumating kami sa punto na ganon.
Sa dami ng pinagdaanan namin, ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang salitang hiwalay kahit na mahirap ay kinaya ko ang lahat. I want him, I want to be with him in my whole life. And hindi na iyon magbabago pa. We love each other, and damang-dama ko iyon dahil kahit kailan hindi ipinaramdam ni Klynn sa akin ang kawalan ng pagmamahal o panlalamig.
Kaya naman alam kong hindi niya ako iiwan ng basta-basta nang walang rason. Kung may rason may, alam kong gagawin lang niya iyon kung alam niyang pwede kaming mapahamak. That's why I love him so much.