CHAPTER 3

1048 Words
FRANCES’ POV Nagmamadali akong pumasok ng bahay. Hindi ko namalayan ang oras. Nalowbat rin ang cellphone dahil naiwan ko ang charger ko. Sinusubukan kong tawagan si Klynn pero hindi naman niya sinasagot. Kilala ko siya, kapag unknown number talaga hindi niya sinasagot dahil ang dami niyang stalker. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko nakita ang kotse ni Klynn sa garahe. Mabuti na lang at wala pa siya. Nag-park na ako bago ako lumabas ng kotse. Tahimik ang buong bahay kaya naman umakyat na ako sa second floor. Pagpasok ko ng kwarto ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Klynn. Nakaupo siya habang nakaharap sa akin. “Where have you been?” tanong niya habang nakatingin sa akin. Kinabahan naman ako dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya dahil alam kong magagalit lang siya. Nakita kong kalmado lang siya habang seryosong nakatingin sa aklin. “Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita tinatawagan pero out of coverage ka, saan k aba galling?” tanong niya sa akin kaya naman natahimik ako. Kailangan kong mag-isip ng dahilan para hindi niya malaman. “Galing ako sa bahay. Binisita ko si Mom, kaso hindi ko nadala ang charger ko,” sabi ko sa kaniya. “Bakit hindi mo sinabi? Sana nasundo kita,” sabi niya pa. “No need, Hon. Kaya ko namang mag-drive pauwi. Hindi ko lang namalayan ang oras,” sabi ko sa kaniya. Sobra akong nakokonsensya dahil nagsisinungaling ako sa kaniya. “Kumain ka na ba? Halika kumain na tayo,” sabi niya sa akin kaya naman tumango ako. Inakbayan naman niya ako hanggang sa makarating kami sa kusina. Nang makarating kami sa kusina, hinain naman ni Manang ang pagkain. Nagsalo kaming dalawa. “Hihiramin ko si Jasper bukas, Hon. May lakad ka?” tanong niya sa akin. Napatigin naman ako agad sa kaniya. “Wala naman, Hon. Sige bukas,” sabi ko pa at ngumiti. Natapos kaing kumain. Hindi na siya nagtanong pa tungkol sa nangyari kanina. Nakahinga na ako ng maluwag sana lang ay wag na niyang malaman. Kakausapin ko na lamng si Mom tungkol dito. “Hon,” tawag niya at niyakap ako mula sa likod. Ang totoo wala naman akong gana ngayon dahil napagod ako buong maghapon. Pero hindi ko nsmsn pwedeng pabayaan ang asawa ko. Nangako ako hangga’t kaya ko, pupunan ko ang pagkukulang ko. Huminga pa ako ng malalim bago humarap sa kaniya at ngumiti. Pero nagulat ako nang humikab siya. Pagod rin siya kaya naman mas pabor sa akin iyon. “Hon, It’s okay. Matulog na tayo?” tanong ko sa kaniya at niyakap siya. “Sorry, Hon. Babawi ako, promise,” sabi naman niya sa akin bago ako hinalikan sa labi ko. Isiniksik ko lang ang mukha ko sa dibdib niya bago ko ipinikit ang mga mata ko. *** Nagising ako nang wala na si Klynn sa tabi ko. Agad naman akong bumangon. Weekend ngayon kaya imposibleng umalis siya ng hindi ko alam. Nang matapos kong gawin ang morning routine ko, lumabas na ako ng kwarto. Sa sala pa lang ay amoy ko na ang mabangong ulam. Napangiti ako ng mapagtanto ko na nagluiuto si Klynn. Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap siya patalikod. “Good morning, Hon,” sabi ko at hinalikan siya. “I love you,” sabi niya kaya naman napangiti ako. Kahit kalian talaga hindi niya kinakahiyang sambitin ang katagang iyon. “I love you,” sabi ko naman at hinalikan ang labi niya. Matapos niyang magluto ay umupo na ako. Siya na ang nag-asikaso sa akin. Yun kasi ang request niya. Sa tuwing weekend ay siya ang mag-aasikaso. Kung nagaagwa niyang ipagluto ang mga tao, bakit hindi niya kayang gawin raw sa asawa niya. Ang sweet niya sobra. Kaya hindi ako nagsisisi kung bakit ko siya pinili. Dahil maraming dahilan para hindi ko siya piliin pero may isang dahilan kung bakit mas dapat na siya ang piliin ko. Nang matapos kaming kumain, napagdesisyonan naming puntahan si Jasper. Mabilis naman kaming nakarating sa bahay nila Keila. Pinapasok naman kami agad habang hinihintay si Karina para ipaalam si Jasper. “OMG, Sissy! I miss you!” sigaw ni Kei kaya naman medyo natatakot ako na baka makalimutan niyang kasama ko si Klynn. Niyakap naman niya ako. Ayos na ako pero baka kung ano na naman ang masabi niya na ikagagalit ni Klynn. “Girl, kumusta ka na? Ang tagal na di tayo nagkita. Nagtatampo na ako,” sabi niya pa at ngumuso. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magtataka dahil sa kinikilos niya. Tinignan ko siya ng nagtataka kaya naman ngumiti siya ng napakatamis. “Ang sweet mo talaga kahit kalian. Sinama mo pa si Atlas,” sabi niya bago tumingin kay Klynn. “Wag kang assumera, hindi ikaw ang sadya nila,” sabi ng paparating na si Karina. Kasama niya si Jasper. “Tita Lois! Daddy!” masayang sambit ni Jasper at dali-dali na tumakbo at niyakap kami. Kinarga naman siya ni Klynn. “Akala ko pa naman ako na yung sadya mo,” malungkot na sabi ni Keila. Natatawa na lang ako. Mabuti na lang at alam niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil kinakabahan ako kanina. Salamat naman. Nagpaalam na kami sa kanila at umalis na. Lumipas ang ilang oras. Masaya naman kaming namasyal sa pasyalan. Naglaro kami kasama si Jasper at nagpicture na rin. Natapos ang maghapon. Pagod kaming umuwi pero masay dahil napasaya naming si Jasper kahit papaano. Nang makauwi kami, agad kaaming nagpahinga. Nakatanggap ako ng text mula kay Keila. May event na naman sila at gusto niya na andon ako dahil ako ang VIP. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Big event nila iyon. Hindi ko sigurado kung free ba ako nang araw na iyon. Lalo na at alam ni Klynn ang lahat ng lakad ko. Gustong magpaalam na lang para hindi ko na kailangan pang magsinungaling. Hindi naman iyon bar. Isa iyon sa launching ng new album nila. Gusto kong pumunta para iapkita ang suporta ko pero hindi ko alam kung paano. Siguro kakausapin ko si Klynn tungkol dito. Sana lang ay pumayag siya. Ang bigat kasi sa pakiramdam na nagsisinugaling ako sa asawa ko. Hindi ko naman Gawain ang magtago ng lihim sa kaniya. Kaya bahala na, kakausapin ko na lang siya tungkol doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD