Kabanata 41

2083 Words
Hindi nagbiro si Lincoln nang sabihin niya kay Miss Gladys na aalagaan niya ako buong linggo para mas maging maayos na ako sa susunod na linggo. Hindi talaga siya nagbiro dahil ginawa niya talaga. Buong linggo ay nag-stay siya sa dorm upang pagsilbihan ako. Hindi niya talaga ako pinagalaw masyado at halos subuan niya pa ako sa tuwing kumakain ako dahil sa sobrang pag-aalaga niya. Kahit na nandoon si Ingrid kasama namin, hindi siya nahihiyang bantayan, alagaan, at lambingin ako. Pero bilang respeto na rin kay Ingrid, syempre, umaalis din siya kaagad bago kami matulog. Pero asahan mong babalik siya kinabukasan pagkaalis ni Ingrid papasok sa klase. Araw-araw iyon sa loob ng isang buong linggo at sa tingin ko ay hahanap-hanapin ko na iyon sa susunod na linggo. Pagsapit ng Sabado, walang pasok, umalis naman si Ingrid upang magsanay na naman sa programa na isinagawa ng Principal para sa kanya at sa mga katulad niya na galing sa pamilya ng seer. Kinuhang pagkakataon naman ni Lincoln iyon upang samahan ako buong araw hanggang kinabukasan dahil hindi na naman daw makakauwi si Ingrid. Ngunit dahil maayos naman na akong gumalaw at hindi na ako paika-ikang maglakad, tumutulong na rin ako sa gawaing kusina kasama si Lincoln. Habang nagluluto siya ay naghuhugas naman ako ng mga pinaggamitan niyang kasangkapan at pagkatapos ay naghanda na ako ng lamesa at mga pagkakainan namin. Matapos naman naming kumain ng tanghalian, nagligpit na si Lincoln because he insisted, habang ako nama'y sinimulan na ang pag-general cleaning ng silid namin ni Ingrid. Maliit lang naman ang silid namin kaya mabilis lang din linisan iyon. Niligpit ko ang mga pinaghigaan namin at nagpalit ng bedsheet, kumot, at mga pillowcase. Bago ako nagwalis, nagpunas muna ako ng side table namin at nangalkal ng mga pupwede nang itapon. May mga nakalkal akong crumpled paper, sira at walang tintang ballpen, mga pinagbalatan ng snacks namin ni Ingrid, at kung anu-ano pang kalat. Itinapon ko iyon sa sahig na wawalisan at lalampasuhan ko mamaya. Habang nagkakalkal, may isang larawan akong nakita. Nagtaka pa ako kung bakit nandoon iyon at wala sa wallet ko. Gano'n ako kaburara. Umupo ako sa kama ko at pinagmasdan ang lumang larawan, ang nag-iisang family picture na mayroon kami ng pamilya ko. Naka-pwesto sa gitna ang aming nanay at tatay habang kandong nila ang dalawang-taong batang babae. Sa likod nila ay tatlong kalalakihan ang nakatayo at nakangiti. Nakagitna ang pinaka-matangkad sa tatlo, ngunit hindi makikita ang mukha nito dahil natakpan ng tinta ng ballpen. Well... it was our oldest brother who left us noong namatay ang aming ama. Sa sobrang sama ng loob ko sa kanya, binura ko ang mukha niya sa larawan gamit ang ballpen. "You have three brothers?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Lincoln sa tabi ko. Hindi ko naramdaman ang paglapit niya kaya halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita siya. Napahalakhak siya nang mahina dahil sa reaksyon ko at saka niya kinuha ang hawak kong larawan. Dumikit ako sa kanya at sabay naming pinagmasdan ang larawan. "You looked like your father," rinig kong sabi ni Lincoln dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa larawan at bahagyang napangiti nang dahil sa sinabi niya. Napaiwas ako bigla ng tingin sa kanya na lumingon siya bigla sa akin. "Beautiful." Bumilis na naman ang t***k ng puso ko nang dahil sa komento niyang iyon. Pakiramdam ko ay nasusunog ang mukha ko sa sobrang init at pamumula niyon. Ngunit nawala lahat ng iyon nang maalala ko ang mga salitang binitawan sa akin ni Thania noong araw na iyon. Tinawag niyang scammer ang aking ama habang nagsasayaw naman sa club ang aking ina. Nanlamig bigla ang mga kamay ko. Iyon din kaya ang tingin ni Lincoln sa mga magulang ko? O baka wala pa siyang alam tungkol doon? Bigla akong nag-panic at hindi ko mapigilang mabahala. Paano kung marinig niya iyon mula sa iba at pandirihan niya ako? Ano na lang ang iisipin niya sa 'kin? "Are you alright?" rinig kong tanong ni Lincoln at hinawakan niya ang pisngi ko. Kaagad akong napaiwas sa kanya dahil doon na tila nakintal ako sa kanyang paghawak. Tumayo na lang ako at kinuha ang larawan na hawak niya. Ipinatong ko muna iyon sa side table at kumuha na ng walis upang linisin na ang mga kalat. Si Lincoln naman ay mukhang nalilito at napapaisip kung bakit bigla akong naging cold towards him. Hindi na rin ako umimik matapos no'n at nagpokus na lamang sa paglilinis, habang si Lincoln ay nanood lang at hindi rin nagsasalita. Nang matapos akong maglampaso, bigla niyang hinila nang marahan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at napalapit nang hilain niya ako. "Is something wrong?" tanong niya sa 'kin na tinugunan ko lamang ng isang pag-iling. "Napansin ko na bigla kang nawala sa mood," dugtong niya. Umiling lamang ako ulit at saka inalis ang pagkakahawak niya sa 'kin. "I'm fine," tanging sagot ko at saka naglakad patungo sa towel na nakasabit sa headboard ng kama ko at dumiretso na sa banyo upang maligo sapagkat pinagpawisan ako. Pagkasara ko ng pinto ng banyo, napasandal ako roon at napabuntong-hininga. Kinakabahan ako na may halong lungkot at pangamba. Napahawak lang ako sandali sa dibdib ko upang pakalmahin ang sarili ko, saka na ako naligo. Paglabas ko ng banyo, sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap ni Lincoln. Sa pagkakabigla ko ay hindi ako nakapagsalita at nakagalaw. Mas humigpit pa iyon nang maramdaman niyang lumakas ang paghinga ko nang dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko. "What are you doing?" sa wakas ay nasambit ko. "I can feel your emotions, Astrid, didn't you know what?" sabi niya na ikinabigla ko. Wait... I totally forgot, o baka hindi lang talaga ako aware? Kaya ba parang nababasa niya ang iniisip ko minsan, dahil nararamdaman niya rin ang emosyon ko? Fuck. Dapat pala maging careful ako when he's around dahil simpleng pagsisinungaling o kaya'y pagkilig ko ay nababantayan niya! "W-What?" tanging nasabi ko sa sobrang pagkabigla. Humiwalay ako sa kanya at inangat ko ang tingin sa mukha niya. "And you're telling me that now?" angal ko sa kanya. Muli niya akong niyakap, hindi pinansin ang mga pag-angal ko. "I can feel your emotions and they are not very pleasant. I can feel your pain, too, Astrid. And I am willing to make them all mine," sinsero niyang sabi sa nahihirapan niyang boses. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kanya pero para siyang pagod at medyo hinihingal. "You can feel my pain?" hindi makapaniwala kong tanong habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Saka ko naramdaman ang malakas na pagtibok ng kanyang puso noong mga oras na iyon. "Make them yours? What do you mean?" Nagsimula na ring lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang natatakot ako sa mga maaaring sabihin nitong si Lincoln. Hindi natatakot ang tamang term, kung hindi kinakabahan lang... hindi ko alam! "I want to take away all your pain, and suffer alone, so I won't have to see that lonely face anymore..." bulong lamang niya pero yung puso ko e lalong nagwala at halos isigaw na nito na gusto na nitong sumabog nang dahil sa halu-halong emosyon. "Don't make such face again, Astrid. It pains me." What mean? Hindi ako umimik at pinakiramdaman ko lamang ang mga puso namin na halos sumabog na sa sobrang lakas ng t***k. Maging ang pintig ng puso ni Lincoln ay nakakabingi. I wonder why... Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa hilain na niya ako paupo sa kama ko at kumuha siya ng kung ano sa drawer ng side table. Pagbalik niya, umupo siya sa likod ko at saka niya ako sinimulang suklayan. Marahan lamang ang pagsuklay niya sa aking basang buhok habang nakahawak ang isang kamay niya sa kaliwa kong braso. Matapos niya akong suklayan, hinawi niya ang buhok ko sa kaliwang balikat ko at naramdaman ko ang mainit na paghinga niya sa kanan kong balikat, papunta sa aking leeg. Hindi ako makagalaw, ngunit naniniwala naman ako na wala siyang masamang gagawin sa akin at na labag sa kagustuhan ko. "Hindi mo ba sasabihin sa 'kin kung bakit biglang nagbago ang mood mo kanina?" usisa niya sa 'kin na ikinatigil ko nang bahagya, ngunit na-realize ko na mas mabuti na siguro na sa akin na manggaling kaysa malaman pa niya sa iba. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago nagsalita. Naramdaman ko pa ang paghaplos niya sa basa ko pang buhok upang matuyo kaagad. "It's about my family..." halos pabulong na sambit ko. Hindi naman umimik si Lincoln at mukhang binibigyan niya ako ng oras upang magkwento nang komportable. "People said that my father is a swindler who scammed people for a living," panimula ko. Wala naman akong narinig na violent reaction mula kay Lincoln kaya napalingon ako sa kanya. Napataas naman ang mga kilay niya nang makita akong lumingon. "Aren't you going to say anything?" kunot-noong tanong ko. Umiling siya. "I have nothing to say. I'm here to listen," balewala niyang tugon at nagkibit-balikat. "You may continue, Miss Astrid," biro pa niya. Napangiti ako dahil doon at gano'n din naman siya kaya natawa na lang din kami pareho sa korni niyang joke. Sobrang gusto niya lang talaga na ma-lighten ang mood. "And my mother... they say that she also made money by dancing in a club," pagtuloy ko sa kwento ko. Tulad kanina, wala namang reaksyon si Lincoln at walang halong panghuhusga ang kanyang mukha at mga tingin. "But I cannot deny their claims. Bata pa ako noon at walang kamalay-malay. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nila. Kapag tinatanong ko sa mga kapatid ko, they just changed the topic and totally ignored my queries. So tumanda ako na natanim sa isip ko na totoo nga ang lahat ng mga paratang nila sa mga magulang namin." Matapos kong magkwento, nanatili lang na tahimik si Lincoln. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngunit alam ko naman na hindi siya basta-basta nag-iisip nang masama sa kapwa niya nang walang basehan. Kaya naging komportable na rin akong buksan sa kanya ang tungkol sa pamilya ko dahil alam kong hindi siya gano'ng klaseng tao. Maya-maya pa ay bigla siyang nagsalita. "Whether their accusations were true or not, hindi mawawala yung fact na ginawa nila iyon para sa inyong magkakapatid," wika ni Lincoln matapos ang mahabang pag-iisip at pagtimbang ng mga salitang sasabihin niya sapagkat nag-iingat siya na masaktan ang feelings ko. "And no, I'm not romanticizing the bad doings. Hindi ko rin sinasabing okay lang na manloko ng tao para sa kinabukasan ng pamilya." "So? What are you trying to say?" nakangiti kong tanong sa kanya. Siguro ay dahil si Lincoln ang kaharap ko ngayon, hindi na ako natatakot pa na buksan ang sarili ko na matagal ko nang hindi nagagawa nang dahil sa takot. Natigilan siyang muli, tila binubuo pa sa isip niya ang mga salitang sasabihin. He pressed his lips together at hindi ko mapigilang maisip kung gaano siya ka-hot sa tuwing ginagawa niya iyon. Mas lalo palang gumagwapo si Lincoln kapag nag-iisip nang malalim. "I'm just saying that you don't have to join the hate against your parents. Kung gusto mo talagang malaman ang totoo, pupwede mo namang tanungin sila. But do not jump into conclusions dahil lang sa sabi-sabi ng iba," he advised. Napaisip ako at na-realize ko na tama naman ang sinabi niya. "At para sa 'kin naman, it doesn't matter. I will still respect your parents kapag nakita ko sila." Napangiti ako nang dahil sa isinagot niya. Walang halos kaplastikan ang sinabi niya at sobrang totoo niya. Sobrang natutuwa ang puso ko sa mga narinig ang gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. "You may meet my Mom later," nangingiting sabi ko sa kanya. "But not my Dad, unless gusto mong sumunod sa hukay..." Naputol ang sasabihin ko nang bigyan na naman niya ako ng isang mabilis na halik sa mga labi ko. Nang hindi ako umangal, muli na naman niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na mabilis na halik ang ibinigay niya sa 'kin kundi isang mabagal at puno ng emosyon na paghalik. Dahan-dahan akong nahiga sa kama habang siya nama'y pumwesto sa aking ibabaw. "What do I think about you now?" he said in between our kisses. "Beautiful. You have become even more beautiful in my eyes..." Nakita ko kung paano magpalit ng kulay ang kanyang mga mata. From a dark hazelnut pupils into golden yellow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD