Kabanata 42

2110 Words
Lunes ng umaga. Nagising ako mula sa isang masamang panaginip. Hindi ko na masyadong natatandaan ang mga imahe, ngunit yung pakiramdam ay nasa dibdib ko pa rin. Ang tanging natatandaan ko lamang ay mayroong dalawang pares ng mga mata ang nakamasid sa akin. Bumangon na ako at naligo nang makitang nakabihis na si Ingrid. Tapos na ang maliligayang mga araw ko at kailangan ko nang pumasok sa mga klase ko at sa duty ko sa library. Sakto naman na nagpatawag sila ng morning assembly ngayon kaya mas maaga kaming gumayak nitong si Ingrid. Paglabas ko ng banyo habang nagsusuklay ng basa kong buhok, napatingin ako kay Ingrid na kanina pa paikot-ikot sa salamin at hindi mapakali. Hindi niya alam kung una ba niyang aayusin ang buhok niya o ang uniporme niya. Dumaan ako sa likod niya habang nagsusuklay at sinilip siya sa salamin. Sobrang laki ng mga ngiti niya na halos mapunit ang kanyang bibig. "Ano hong meron?" puna ko sa kanya nang hindi na ako makatiis. Napalingon siya sa 'kin at mabilis na pinigilan ang kanyang pagngiti. Tumaas ang dalawang kilay ko sa kanya. "Tungkol ba 'to sa trainer mo?" tanong kong muli. Napangiti na naman siya at hindi na niya napigilan noong mga oras na 'yon. Marahan siyang tumango sa akin bilang tugon sa tanong ko. "Wala namang espesyal na ganap, pero masaya lang ako na we already grew closer last week!" kinikilig niyang sabi at umupo sa kama ko. Naglikot-likot siya roon habang nagpapadyak. Nagawa pa niya akong masiko sa kalikutan niya. "Really? That's good news, then," tanging tugon ko sa kanya at napangiti na rin dahil sino ba naman ako upang hadlangan ang tanging kaligayan ng kaibigan ko. Ngunit pati 'yon ay minasama niya pa! Napalingon siya sa 'kin, humawak sa magkabilang braso ko, at tinitigan ang mga mata ko na tila ba sinusuri kung may mali sa 'kin. "That's it? Ine-expect ko na iirapan mo ako at sasabihing 'ang aga-aga, ang harot mo,'" aniya at saka ako tiningnan nang mapang-asar. "Did something good happen between you and Lincoln?" Napakunot ang noo ko nang dahil sa biglang pagbanggit niya ng pangalan ni Lincoln. Paano naman siya napasok sa usapan, aber? "No way! Gusto ko lang na maging masaya ka," sinserong sabi ko at tumayo na. "Tara na at baka mahuli pa tayo," aya ko sa kanya papunta sa gym para sa morning assembly. Nakapila lahat ngayon ang mga estudyante para sa isang morning assembly o flag ceremony. Isa ako sa mga iyon. At kung sinuswerte nga naman ako, nakatabi pa namin ni Ingrid sina Lincoln at mga kapatid niya. Sa likod nila sa pila nila ay mga kasamahan din niya sa pack nila. Alam ko dahil natatandaan ko pa ang mga hitsura ng ilan sa kanila. Sa kabilang pila naman sa kaliwa namin, narinig ko na mayroon silang pinagbubulungan. They think na yun ang rason kaya mayroong morning assembly ngayon. "Narinig mo na ba ang tungkol sa nakita nila sa kakahuyan kaninang madaling araw?" tanong ng isang lalaki sa nasa harapan niya sa pila habang nakatingin sa harapan. "Sina Thania at Tamara ba talaga ang mga 'yon?" Napalingon ang kausap niya sa kanya, napakunot ang noo. "Hindi ba mga lobo raw sila?" bulong din ng huli. "Oo nga raw. Sigurado na raw ba sila? May iba namang nagsasabi na yung kambal daw iyon," sabi muli ng lalaki. Sumama ang mood ko nang marinig ko na naman ang tungkol sa mga babaeng iyon. Ano ba ang nangyari sa kanila? May pinapahiwatig kaya ang panaginip ko sa nangyari sa kanila? Hindi ko tuloy makalimutan ang mga mukha nila, lalo na yung mga nanlilisik na mata nila sa akin as always, na tila ba ipinanganak ako para kainisan nila. "Nakita niyo na ba sila?" tanong pa ng lalaking nasa likod ng mga ito. "Naniniwala naman kayo kaagad sa sabi-sabi. I'm sure lilinawin nila 'yon ngayon." Napataas ang kilay ko nang dahil sa usapan nila na hindi ko pa rin ma-gets. Ano ba ang tinutukoy nila na nangyari sa dalawa? Hindi kaya'y natagpuan nilang sugatan ang dalawa tulad ng sinapit ng mga alipores nila? O baka naman itinali sila ng mga kasamahan ni Lincoln sa puno kaya hindi sila kaagad nakita from last time? "Pero patay na raw ba talaga sila? May nakakita raw sa mga bangkay, hindi ba?" pagpilit na tanong ng lalaking nasa gitna sa kanilang tatlo. Pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko nang marinig iyon. The twins are dead? Totoo ba ang sinasabi ng mga 'to? Hindi naman magagawa ni Lincoln iyon, hindi ba? "Narinig ko na isang estudyante raw ang nakakita ng mga bangkay, kaya hindi nila maitatago ang tungkol dito sa lahat," sabi ng lalaking nangunguna sa kanila sa pila. Halos hindi ako kumurap habang nakikinig. Nanatili akong nakatingin lang sa harapan upang hindi nila mapansin na nakikiusyoso ako. "Narinig ko rin ang tungkol sa pagtago ng mga pulis sa nangyari. Balak pa sana nilang itago, kaso kalat na," komento ng nasa gitna na talagang madaming impormasyon mahihita mula sa kanya. "Like I said kanina, hintayin na lang natin ang announcement. Huwag kayong mag-conclude kaagad at baka iyan ang pagsimulan ng fake news," singit ng nasa likod ng dalawa sa pila. Nanahimik na lang din ang dalawa at nagsensyasan na mamaya na ituloy ang usapan, kapag wala na ang isa nilang kaibigan. Napailing na lamang ako. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil malaki ang posibilidad na totoo ang mga narinig ko. Kaya halos mapalundag ako sa gulat nang hawakan bigla ni Lincoln ang kamay ko. Mainit ang kanyang mga palad na nagpakalma sa akin. Lumingon ako sa kanya and seeing his usual pokerface expression melted all my doubts. Alam kong hindi magagawa ni Lincoln iyon sa kambal. Siguro nga ay gusto niyang maghiganti sa dalawa, ngunit hindi sa ganoong paraan. Ibinalik ko na ang atensyon ko sa harapan habang magkahawak kami ng kamay ni Lincoln na nasa kabilang pila. Nagsasalita ang Principal sa harapan na hindi ko masyadong maintindihan dahil magulo ang isip ko noong mga oras na iyon. Narinig ko na lamang ang palakpakan ng mga estudyante, lalo na nang mayroong isang lalaking estudyante na umakyat sa stage at tumabi sa Principal. Matangkad ang lalaki at pamilyar ang hubog ng kanyang maamong mukha. Nakasuot siya ng uniporme ng Lupin. Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo—damn! "Ashler," naibulalas ko. Napalingon sa akin si Lincoln nang marinig ako. Nakakunot ang kanyang noo. "It is Ashler..." tanging nasabi ko. Pakiramdam ko ay nanlambot ang aking mga tuhod at kaunti na lang ay babagsak na ako. What the f**k is he doing here? History Class. Maagang dumating ang aming propesor ngayon at kaagad na sinimulan ang discussion... nang mapansin niya ang new student. Nakaupo ito sa gitnang row at mukhang walang pakialam sa klase. Yes... it is definitely Ashler. Hindi mapigilang manginig ng aking mga kamay na nakapatong sa aking mga hita. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa harapan ko ngayon. "You must be Mr. Collins," nakangiting wika ni Mrs. Friv sa kanya. Sobrang welcoming ng ngiti niya. Lumapit pa siya kay Mr. Collins na tinutukoy niya at humarap sa klase. "Mr. Collins came from the other city, Rinnos. May nakakaalam ba sa inyo kung saan iyon matatagpuan?" nakangiting tanong ni Mrs. Friv sa amin. Nagtaas ng kamay si Adel—ang aming class president. Isa rin ito sa mga grade conscious naming mga kaklase, kaya bawing-bawi ito sa recitation. "Rinnos is the first known city in our province, kilala rin sa pinaka-salat sa yaman among other cities," confident na sabi niya. "And the family of Collins ruled the city for a long time." Tumango-tango si Mrs. Friv. "Tama si Adel, class. Tanging ang pamilya Collins lamang ang namuno sa siyudad nila nang ganoon katagal—for like twenty two years." Habang nagsasalita si Mrs. Friv, isang kamay na naman ang tumaas. Nang lingunin namin itong lahat—si Arki. I frowned. Isa pa 'yong grade conscious at parati silang nagpapatalinuhan ni Adel. Napansin ko ang pagkabigla ni Mrs. Friv, ngunit kaagad naman itong ngumiti at tumango. Kaagad namang tumayo si Arki at tinitigan ang bagong salta na mukhang magiging threat sa standing niya sa klase—that Asher. I'm telling you, I know that guy very much. It's weird that he's acting not to recognize me. "I just want to ask Mr. Collins one thing..." Bakas ang kuryosidad sa mukha ni Arki. Lumingon si Ashler sa kanya at kinunutan ng noo. "...would you also like to rule Rinnos, just like your Dad?" Hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Ashler nang marinig ang tanong. Maybe it's not that big of a deal? "You mean... the bloody rulings of my father?" Napakurap siya nang maraming beses at nangiti. Ngiting may itinatago. Tumango si Arki. "Yes, the dictator's ruling." Napasinghap ang lahat nang dahil sa sinabi niya. I saw a glint of amusement in Ashler's eyes while staring back at Arki, as if he's playing with him. "I'm not sure. Maybe I'm destined to rule. I am the only heir of the Collins, after all." Halos mayanig ang buong klasrum namin nang dahil sa sinabi niya. Did he just straight up say na gagaya siya sa kanyang ama na diktador? Unbelievable! Ganyan na ba talaga kakapal ang pagmumukha niya? Nang mapansin niya ang reaksyon ng karamihan, napatawa siya nang mahina. "What? Don't deny the fact that our city prospered under my father's ruling. It's something that I would also want to do to our beloved city," sabi pa niya justifying the killings and violence of his father's ruling. Natulala si Arki at wala sa sariling umupo sa kanyang upuan. Hindi rin maipinta ang mukha ng mga kaklase ko. Samantalang hindi ko naman maialis ang mga tingin ko kay Ashler. He has changed a lot from the last time that I saw him. Before I even realized it, naitaas ko na pala ang kamay ko. Bumalik lang ako sa katinuan nang tawagin ako ni Mrs. Friv at tanungin. Tahimik akong napamura at napilitang tumayo, ngunit hindi naputol ang pagtitig ko kay Ashler. Nakita kong napatingin din siya sa 'kin at napatitig. "Then as a resident in a democratic city, I could only view the Collins as dangerous creatures who are actually a threat to our city. Do you think it'll be safe to have the only heir in our territory? Can we handle her?" buong tapang na tanong ko kay Mrs. Friv at lumingon kay Ashler na napangisi. Nalipat ang atensyon niya sa akin. Kalmado pa rin siya, sa kabila ng mga sinabi ko. When Mrs. Frivolt was about to open her mouth to answer my question, the bell rang—hudyat na lunch break na namin. Nagsitayuan na ang mga estudyante, maliban sa akin, kay Ingrid, at kay Ashler na nakatingin pa rin sa akin. Unti-unting umukit ang isang ngisi sa kanyang labi at tumayo na upang lumabas ng classroom. "What the hell was that, Astrid?" Hindi ko na napansin ang paglapit ni Ingrid. Nakatayo siya sa gilid ko, naka-crossed arms, habang hinahatid ng tingin palabas si Ashler. "You're trying to mess with the new kid, aren't you?" bulong niya pa sa 'kin. Nilingon ko siya. "Am I?" kunot-noong tanong ko sa kanya na tila ba wala akong ideya sa paratang niya. "You sure are." Hindi mababakasan ng kahit na ano ang boses niya nang sabihin iyon. Umiling ako. "I'm just curious... and afraid of what that monster can do to us," simpleng tugon ko sa kanya. Nangunot ang noo niya. "Really? That's not what I saw. Magkakilala ba kayo?" I faked a laugh. "No. He's a dictator's son, of course I know him... and hate him." Napabuntong-hininga na lamang si Ingrid at saka na niya ako inaya na lumabas na sa klasrum. Ako naman ay napabuntong-hininga na lang din. This is getting crazier! Ano'ng ginagawa ni Ashler dito? And why? "Are you sure wala kayong madilim na nakaraan? Baka ex-lover mo siya?" usisa pa ni Ingrid habang naglalakad kami. Napalingon ako sa kanya, bakas ang pandidiri sa aking mukha. I gritted my teeth. "Are you kidding me—" Tumawa nang malakas si Ingrid. "Honestly, nakakatakot nga yung sinabi niya kanina na parang natutuwa pa siya sa ginawa ng tatay niya noon..." komento niya na sinang-ayunan ko. "Pero seryoso, hindi mo talaga siya ex?" pangungulit pa niya. Sinamaan ko ng tingin si Ingrid. Kilabutan naman siya sa sinasabi niya! "Shut up." Muli akong napabuntong-hininga. That Ashler... I'll make sure to take the mask off of his face. He's trying to fool everyone with his name, influence, and bad attitude... and I won't let him poison our minds, I swear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD