Hindi ko alam kung saan nakuha ng mga estudyante sa morning assembly ang tungkol sa balitang patay na ang kambal na sina Thania at Tamara. Wala pa naman akong naririnig na ganoong balita mula sa iba kaya lalo akong hindi mapakali. Imposible 'yon... hindi ba?
Naramdaman ko na mayroong humawak sa kamay ko. Napalingon ako sa lalaking kasabay kong maglakad. Nakatingin siya diretso sa aking mga mata. "Ano'ng tumatakbo sa isip mo ngayon?" kunot-noong tanong niya.
Ngumiti ako sa kanya at marahang humiling. "Just... things," tugon ko sa kanya upang hindi pa siya mabahala. Ngunit mukhang wrong move iyon dahil nararamdaman niya pala ang emosyon ko. Nakalimutan ko ang tungkol doon!
"I didn't kill the twins," sabi niya sa akin na tila ba nabasa niya ang mga nasa isip ko. Sandaling namilog ang aking mga mata nang dahil sa pagkabigla, ngunit mukhang kailangan ko nang masanay sa ganito. "So pwede ka nang huminga. I won't lie to you, alam mo 'yan," seryoso niyang dagdag.
Tumango ako sa kanya. "I believe you, alam mo 'yan," nakangiti kong sabi sa kanya dahilan upang gumuhit ang isang tipid na ngiti sa kanyang mapupulang mga labi. Bago pa ako ma-tempt na halikan ang mga iyon, inilipat ko na lang ang tingin ko sa kanyang mga mata. "I'm not suspecting you. Hindi lang maganda ang kutob ko. Kung totoong patay na ang kambal, ibig sabihin mayroong killer sa loob ng paaralan?" I concluded.
Natigilan si Lincoln, mukhang ngayon lamang din niya na-realize ang tungkol doon. Ngunit walang bakas na pangamba na makikita sa kanyang mukha at mga mata.
"Don't worry, I'll protect you with my life," balewalang sabi niya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko.
Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Napakurap ako nang maraming beses dahil hindi ako makapaniwala sa mga salitang binitawan niya.
"Why?" I asked him. Napahinto rin siya sa paglalakad, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko, at tinaasan ako ng dalawa niyang kilay as if nagtatanong kung ano ang ibig kong sabihin. "Why would you protect me with your life?" paglinaw ko sa katanungan ko.
Bahagya siyang natigilan. "Oh," tanging nasambit niya at kumurap ng ilang beses bago muling nagsalita. "It's because you're my mate."
Napabuntong-hininga ako. Right. What was I even thinking? Ano pa nga ba ang i-e-expect ko sa kanya? He is only doing all these because he needs me as I am his mate.
Sa inis ko, sinalubong ko ang kanyang mga tingin habang magkasalubong din ang aking mga kilay. "And what if I rejected you as my mate?" hamon ko sa kanya. Nasilayan ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata nang marinig ang mga sinabi ko. Parang gusto ko tuloy bawiin iyon.
Maya-maya pa ay napabitaw siya sa akin at bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib saka napadaing nang mahina na tila ba mayroong masakit doon, mukhang pinipigilan niyang sumigaw sa kabila ng matinding sakit na nararamdaman.
Nag-panic ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Are you okay?" tanong ko sa kanya dahil nakikita ko na halos mag-transform siya into werewolf nang dahil sa sakit na nararamdaman niya. "Lincoln, what's happening to you?" kinakabahan kong tanong sa kanya kaya halos mapiyok ako nang sabihin iyon.
Nangingilid na ang aking mga luha noong mga sandaling iyon, ngunit hindi rin nagtagal ay pumatak na ang mainit na likido sa aking pisngi. Lalo na nang tabigin ni Lincoln ang kamay kong nakahawak sa kanyang kamay at likod. He looked like he badly wanted to run away from me, pero pinipigilan siya ng sakit sa kanyang dibdib.
Nakayuko na si Lincoln, nakahawak pa rin sa kanyang dibdib. Napansin ko na nagtutubig na ang kanyang mga mata nang dahil sa nararamdaman. Nataranta lang ako lalo at hindi alam ang gagawin. Tatakbo ba ako sa clinic upang ipadala siya roon? Kahit na gustuhin kong alalayan siya papunta roon, hindi naman niya hinahayaan na hawakan ko siya na tila ba nakikintal siya sa mga hawak ko.
Ano ba ang dapat kong gawin? Humingi ng tulong? Sabihan ang mga kapatid niya? Pero ayoko naman siyang iwan na mag-isa rito at baka lalo siyang mag-collapse.
Wala na akong nagawa kung hindi pumilit na lang na lumapit kay Lincoln at saka ko siya niyakap nang mahigpit. Sinubukan niyang magpumiglas na para bang napapaso siya sa balat ko, ngunit mas lalo ko lamang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Patuloy rin sa pagtulo ang aking mga luha.
"I'm sorry, Lincoln," humihikbi kong bulong sa kanya. Rinig na rinig ko ang mahinang pag-ungol niya at alam kong sagad sa buto ang sakit na nararamdaman niya noong mga oras na 'yon. Mas masakit pa sa mga pisikal na galos at kalmot na natamo niya noon mula sa pinsan niyang si Reven.
Pero ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi ko maintindihan. May sakit ba siya sa puso?
Maya-maya pa ay naramdaman kong kumalma na si Lincoln. Humina ang pagpupumiglas niya pati na ang pag-ungol niya. Saka ko na lamang naramdaman ang pagbagsak ng mabigat niyang katawan sa aking katawan. Sinubukan kong i-balance ang katawan ko habang yakap pa rin ang katawan ni Lincoln, ngunit sa liit kong 'to, hindi ko talaga kakayanin ang bigat niya!
Bumagsak kami sa lupa na mayroong mga tuyong dahon. Nasa ibabaw ko si Lincoln na walang malay habang ang kanyang mukha ay lumapat sa pisngi ko, ramdam ko pa ang malakas at mainit na paghinga niya. Medyo nawala naman ang takot ko dahil naramdaman kong humihinga pa siya at hindi pa siya patay!
"Lincoln?" pagtawag ko sa kanya at sinubukang tapikin ang kanyang pisngi upang gisingin siya mula sa mahimbing niyang pagtulog, ngunit nanatili siyang walang malay. Napatitig na lang din ako sa mahahaba niyang mga pilik-mata at sa makinis niyang mukha. Gamit ang hintuturo ko, tinusok ko ang kanyang pisngi upang subukan siyang gisingin. "Handsome," nabulong ko na lamang habang nakatitig sa kanyang mukha. Mukha siyang anghel kapag tulog, totoo!
Hindi ko namalayan ang paghawak ng mga palad ko sa magkabila niyang pisngi at ang unti-unting paglapit ng mukha ko sa kanya. He's really handsome. Nakakaakit din ang mapupula niyang mga labi... kaya siguro nagawa kong ipikit ang aking mga mata at naglaro sa aking imahinasyon ang unti-unting paglapit ng mukha ni Lincoln sa mukha ko.
Napamulat na lamang ako nang bigla kong maramdaman ang mainit na mga labi ni Lincoln na lumapat sa mga labi ko. Pulang-pula ang buong mukha ko kahit na dalawa lang kami rito at wala namang nakakita. Sa pagkakabigla ko, nasampal ko nang malakas si Lincoln upang mailayo ang kanyang mukha sa akin. Saka pa lamang ako nakahinga. The f**k was that? Did I just kiss Lincoln Connor of my own accord... while he was asleep? Gusto kong sampalin ang sarili ko!
Sa pagkatulala ko at pakikipagtalo sa sarili ko, hindi ko na namalayan ang pagdating ng rescue ni Austin, ang isa sa dalawang nakatatandang kapatid ni Lincoln.
"What happened?" tanong niya sa 'kin habang hinihila patayo si Lincoln dahilan upang makatayo na ako at matulungan ko siya. "This is the second time that he passed out... but don't worry, he'll be fine after a long rest." Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Yeah, Lincoln is fine so everything's fine.
Ngunit biglang napakunot ang noo ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya. Inilagay namin ang magkabilang mga braso ni Lincoln sa aming mga balikat at saka na kami naglakad. Halos madapa-dapa ako nang dahil sa bigat ni Lincoln.
"When's the first time?" nagtataka kong tanong. Ito ang unang beses na nakita kong sobrang nanghina si Lincoln... and he actually passed out! Something really bad must have gotten into him.
Napalingon sa direksyon ko si Austin. Nakapagitan sa amin ang walang malay na si Lincoln kaya malayo kami sa isa't isa. Sinalubong ko naman ang kanyang mga tingin.
"A few years ago, in the forest..." mahinang tugon niya. Napansin ko na napailing siya na tila ba winawaksi ang topic na iyon sa kanyang isipan. "Did something happen?" tanong niya sa akin.
Natigilan ako. "Nothing happened... but we had a small fight," pag-amin ko. Hindi ko naman na dapat sabihin pa iyon sa kanya dahil masyadong personal iyon, pero mukhang importanteng sabihin ko sa kanya ang mga nangyari.
"About?" usisa niya pa. Napalingon tuloy ako sa kanya, bahagyang napataas ang isang kilay ko. Napatawa naman siya nang mahina nang makita ang reaksyon ko. "Don't look at me like that. Gusto ko lang malaman kung ano ang cause ng pag-faint ni Lincoln," natatawa niyang sabi.
"And our personal problems have something to do with it?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.
Napatango siya. "Maybe," tugon niya. Seryoso ba siya? Tumingin ako sa kanyang mga mata ngunit hindi na siya tumatawa at mukhang nagsasabi siya ng totoo. Seryoso siya?
Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lang sa harapan. Wala pa man akong sinasabi e namumula na ang buong mukha ko nang dahil sa hiya.
"You know that I'm Lincoln's mate... right?" pauna kong tanong sa kanya dahilan upang mapalingon siya sa akin at napataas ang dalawang mga kilay. "You don't?" naibulalas ko.
Natawa siya muli nang mahina nang dahil sa reaksyon ko. "I do, of course. That is why I respect you... because you're our future Luna," mahabang lintanya niya dahilan upang maguluhan lang ako lalo.
"Luna?" tanong ko sa kanya. Hindi ko pa nababasa ang tungkol doon about sa werewolves. Luna ba ang tawag sa mates ng mga lobo?
"Alpha's mate," maiksing eksplanasyon ni Austin dahilan upang mapaawang ang aking mga labi at napatango na lamang. So iyon ang tawag sa akin, Luna, dahil isang Alpha si Lincoln. "If you accept him as your mate, that is," pahabol pa niyang sabi.
Ano naman ang ginagawa ng Luna, though? Bakit may separate term para sa kanya?
Muli akong napaharap kay Austin nang may bigla akong maalala. "Ah, speaking of that..."
"Of what?" pagputol niya sa sinasabi ko.
Napabuntong-hininga ako. Patience, Astrid. "Accepting and rejecting of mates. How do these work?" kunot-noong tanong ko sa kanya. I was really curious. The best way to know the answer is to ask the werewolves yourselves!
"Oh, that. If you accept him to be your mate, the first process is to mark you... so that no werewolves in our pack would touch you," paliwanag niya sa madaling termino. Tumango-tango ako sa kanya bilang pagsabi na naiintindihan ko. "The bond will get stronger than. You will be able to read each other's minds."
"Cool," tanging nasambit ko. So sa ngayon, nararamdaman ko pa lamang ang presensya ni Lincoln kahit na malayo siya. Ganoon pa lamang kalakas ang bond namin. Habang si Lincoln naman ay nakakaramdam na ng emosyon ko... na hindi ko naman magawa sa kanya. Baka wala lang talaga siyang emosyon? Gano'n ba 'yon?
"And the next process will be..." Napaubo nang mahina si Austin dahilan upang mapalingon muli ako sa kanya. Napansin ko ang pamumula ng kanyang mga tainga at ang pag-iwas niya ng tingin sa 'kin. "...mating. It is to officialize your being mates. This is the time that you'll acquire the strongest bond with each other."
Tumango-tango ako. "I see. So that's how it is," komento ko ngunit napansin ko na namumula pa rin ang kanyang mga tainga. "Are you okay?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang sunud-sunod niyang paglunok ng laway bago marahan na tumango. "Yes. Saan na ulit ang pinag-uusapan natin?" tanong niya.
Napakurap ako nang maraming beses habang nakatingin sa kanyang mukha, he's all flushed. "The mating..."
Pinutol niya ang sasabihin ko, parang kinakabahan pa at nagpa-panic. "Not that! I mean, tapos na tayo riyan."
Nangunot ang noo ko sa kanya. He was acting really weird pero hinayaan ko na lamang siya at ipinagsawalang-bahala na lamang iyon. Nagkibit-balikat ako sa kanya. "Uh... let's move to the rejection?"
Tumango siya sa 'kin. "Right. That one. Rejecting your mate will cause him an excruiciating physical pain," simpleng paliwanag niya. Tumango-tango naman ako. That is just cruel... "They might also die, especially if they are weak."
Nangunot ang noo ko. "What? They could die because of their mate's rejection?" naibulalas ko. How cruel! What kind of rule is that? It must be tough being a werewolf. You can't even be happy if you want to? I heard hindi sila ang pumipili ng mate nila. It's kind of like fate...
Tumango-tango si Austin at saka niya ako tiningnan nang diretso sa mata. "Yes. Just like what you did to Lincoln," seryoso niyang sabi.
Natigilan ako. I did what?