Kabanata 44

2125 Words
"I did what—" Pinutol ni Austin ang sasabihin ko. Mula sa mapaglarong ekspresyon niya kanina, napalitan iyon ng isang madilim at nakakatakot na awra. Bumilis ang t***k ng puso ko at parang gusto kong tumakbo palayo sa kanya. Saka ko naalala ang sinabi ko kay Lincoln kanina bago sumakit ang kanyang dibdib at biglang nawalan ng malay. So iyon ang dahilan... noong tanungin ko siya na kung paano kapag ni-reject ko siya! Nagbibiro lang naman ako at dala lang iyon ng pagkainis. Dahil sa kaba ko, naikwento ko na rin sa kanya ang buong pangyayari kanina. Sinabi ko kay Austin yung eksaktong mga salitang binitawan ko kay Lincoln kanina. "Well... hindi naman official na rejection ang ginawa mo," aniya sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag habang nakahawak sa aking dibdib. Ngunit mabilis na binawi ni Austin ang paggaan ng dibdib ko nang muli siyang magsalita. "But it triggered him once again..." "Once again?" tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa 'kin at napaismid. "You really didn't know?" aniya sa akin. Bago ko siya sinagot ay binuksan ko muna ang pinto ng silid namin ni Ingrid at saka namin ipinasok si Lincoln doon. Inihiga namin siya sa kama ko at saka ako hingal na hingal na umupo sa lamesa sa kusina. Si Austin naman ay dumiretso sa ref at kumuha ng dalawang baso ng tubig para sa aming dalawa. Umupo rin siya sa tapat kong upuan at uminom ng malamig na tubig. Nilagok ko na rin ang isang baso ng tubig na inilapag niya sa lamesa. "That's also mine..." sabi niya sa 'kin habang iniinom ko ang tubig dahilan upang mabulunan ako at tumulo sa damit ko ang tubig. Humalakhak siya nang makita ang nangyari sa akin. "Just kidding!" Hindi ko na siya pinatulan dahil parati kong sinasabi sa utak ko na kapatid pa rin siya ni Lincoln. Nakatatandang kapatid. Kaya patience, Astrid. Patience. Matapos ang ilang sandaling katahimikan, napatingin ako kay Austin at naalala ang sinabi niya kanina. "What were you saying earlier na hindi ko matandaan?" "That you rejected Lincoln a few years ago," walang pag-aalinlangan na tugon niya. Namilog ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Nakita kong napailing siya nang dahil sa reaksyon ko. "So you really had no idea." Umiling ako nang maraming beses. "Nothing at all." Austin clicked his tongue thrice while shaking his head. "Lincoln almost died that night dahil sa sakit na naramdaman niya because of that rejection. He patiently waited years and years bago siya naglakas-loob na lapitan ka ulit." Napakurap ako nang maraming beses, pino-proseso pa ang lahat ng sinabi niya sa aking isipan. "Lincoln endured the excruciating pain during those years... up until today. Because as long as he couldn't accept your rejection, you can always take it back." Natahimik ako ng ilang minuto. Hindi ko alam ang sasabihin ko at pakiramdam ko ay nawawasak ang puso ko nang dahil sa nalaman ko. "So all this time... Lincoln is in pain?" I concluded. Parang nanghina ako bigla. I caused that pain, didn't I? Bahagyang tumango si Austin. "That's right. He can ease the pain temporarily by being close and having physical contact with you." Ah! Unti-unting nagkatagpi-tagpi ang mga pangyayari. Kaya pala parating dumidikit at nanlalambing sa akin si Lincoln. Akala ko noon ay dahil lang sa bond, pero mas may malalim na dahilan pala? So nawawala yung sakit na nararamdaman niya kapag malapit siya sa 'kin at nahahagkan niya 'ko. That explains all his actions! "And the permanent way to eliminate the pain is to accept him as his mate..." bulong ko sa sarili ko. I have finally arrived to the conclusion that makes perfect sense. Tumango-tango si Austin. "I guess so. Before it's too late..." Namilog lalo ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Kung may sakit lang talaga ako sa puso, siguro ay dead on the spot na ako sa mga nakakanerbyos na sagot niya sa mga katanungan ko. "Sinasabi mo bang posibleng mamatay si Lincoln kapag tumagal?" naibulalas ko muli. He never fails to scare the hell out of me! Siguro itong ilang minutong usapan namin, hindi ko na mabilang kung ilang beses halos lumundag ang puso ko. "Ikaw ba naman na terminally ill for a long time, hindi ka ba mamamatay, lalo na without proper medication?" sarkastiko niyang sinabi sa akin. Napaisip ako dahil doon at napagtanto kong ang layo ng analogy niya sa totoong sitwasyon ni Lincoln! "Oh, shut up," bulyaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil kanina pa ako kabadong-kabado rito at pinapalala lang niya. "But I'm serious," pagpilit niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya. Ngunit bago pa ako makapag-react, biglang narinig naming magsalita si Lincoln mula sa kanyang pagkakahiga. "Bastard..." aniya sa kanyang paos na boses. Sabay kaming napalingon ni Austin sa kanya. Dahan-dahan siyang umupo at nagkusot ng kanyang mga mata. "Did you call me bastard?" tanong sa kanya ng nakatatandang kapatid. "Yes, I did. What are you gonna do about it?" tugon ni Lincoln sa antok pa niyang boses. Napabuntong-hininga si Austin. "You ungrateful brat," nagtitimping sabi niya pero napasimangot na lang din dahil wala naman din siyang magagawa sa ugali ng nakababata niyang kapatid. "Fine. I'll leave." Pero bago siya tumayo ay lumingon muna siya sa 'kin. "Astrid, huwag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sa 'yo. Take care of my brother, okay?" aniya saka na siya tumayo at naglakad patungo sa pintuan. Narinig ko na lamang ang malakas na pagsarado ng pinto. Bumalik ang atensyon ko kay Lincoln. Mukha pa rin siyang inaantok. Medyo pumutla ang dating pulang-pula niyang mga labi, but he is still handsome as always kahit pa magulo ang kanyang buhok. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag-aalalang umupo sa kama sa tabi niya. Kusang gumalaw ang katawan ko then I threw myself to him. Mahigpit na yumakap ako sa kanyang leeg at hindi ko na napigilan maging emosyunal. "Are you really okay?" tanong ko sa kanya in between my sobs. Mukhang nagulat naman siya at hindi makagalaw. Kung alam ko lang na ganoon pala ang nararamdaman niya, at ang epekto sa kanya ng actions ko, I should've hugged and kissed him more to ease his pain. "Yeah... I'm fine now," rinig kong tugon niya na mukhang nalilito pa rin at nagtataka sa bigla kong inasta. Ngunit sa kabila ng pagkalito niya, naramdaman ko na yumakap din siya sa akin pabalik. "This feels nice." Napangiti ako nang dahil sa sinabi niya. Muli na namang tumulo ang aking mga luha. "I could hug you all day..." bulong ko sa kanya. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Mukhang hindi siya makapaniwala na sinasabi at ginagawa ko iyon noong mga oras na iyon, because I used to be so rude and cold to him. "Seriously, what's with you today?" tanong niya and laughed nervously. Hindi ako umimik at napangiti na lamang. Narinig niya ang pagsinghot ko dahil sa pagluha ko. "Are you crying? What did my brother tell you?" aniya pa. Umiling ako at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya. He must be enjoying it dahil wala siyang reklamo kahit na nakakangalay ang posisyon namin. "I just want to hug you all day," muling sabi ko. Muli kong naalala ang sinabi ni Austin. Before it's too late? Paano kung totoong bigla na lang pumanaw itong si Lincoln dahil sa sakit ng ginawa ko sa kanya noon? He chuckled. "Kissing me all day also sounds nice!" Natawa na lang din ako nang dahil sa sinabi niya. "Shall I?" bulong ko sa tainga niya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong inihiga sa kama at pumaibabaw siya sa akin. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na ako nakagalaw pa noong yumuko siya at inilapit ang mukha niya sa 'kin. Malakas ang bawat paghinga niya at ramdam na ramdam ko ang init ng buga ng hangin sa aking mga labi. "Beautiful," bulong niya. Rinig na rinig ko iyon dahil isang pulgada na lamang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Kahit bagong gising siya, his breath smells like mint. Lumalaklak ba siya ng toothpaste? Mas lalong lumakas ang paghinga niya na tila ba hinihingal. Ang kulay ng mga mata niya ay nagpalit na naman, his pupils suddenly darkened. "Haven't I told you before? You're f*****g beautiful that you always take my breath away whenever your eyes land on me." Napasinghap ako nang dahil sa naramdaman kong kiliti sa aking tiyan. Ito na nga siguro ang tinatawag nilang mga paru-paro sa tiyan sa tuwing kinikilig. "Not yet," bulong ko sa kanya. Mas lalong naging shaky ang kanyang paghinga. Sumabay rin ang pagbago ng kulay ng kanyang mga mata, they suddenly changed into golden yellow. "But I'm glad that you did today." Hindi na ako naghintay pa. Ako na mismo ang humalik sa mga labi ni Lincoln. The warmth on his lips and kisses was always there. Yumakap ako lalo sa kanyang leeg nang dahil sa hindi ko maipaliwanag na sensasyon na nararamdaman sa tuwing malapit siya sa 'kin. "You're driving me crazy, Astrid," bulong niya nang sandaling maghiwalay ang aming mga labi ngunit kaagad din niya iyong isiniil muli. His lips were moving but I did not know how to respond, but he did not complain. Ipinikit ko lamang ang aking mga mata at dinama ang init na hatid ng kanyang mga labi at katawan. A soft moan escaped my lips when his lips motioned in a slow manner, driving me even crazier. "Would you like to mark me right here, right now?" I asked him in between our kisses. Hindi siya umimik at nagpatuloy lamang sa kanyang ginagawa. He was so passionate... and sweet. Ramdam na ramdam ko ang emosyon niya sa bawat paghalik niya sa akin. Marahan at dahan-dahan. Such a gentleman, even in this situation that was how I thought of him! Naramdaman ko na lamang na gumapang ang kanyang halik sa aking pisngi, paakyat sa noo. He kissed my forehead; a smooch filled with so much affection. Naramdaman ko talaga iyon hanggang sa buto ko kaya nalilito na rin ako sa kung ano ang dapat kong maramdaman... at kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Humiga na siya noon sa tabi ko. Pinaunan niya ako sa kanyang braso habang magkahawak naman ang aming mga kamay. Nanatili kaming tahimik dalawa. We were both comfortable in each other's silence... which created a peace between us. When I told you that Lincoln has a lot of self-control in his pocket, I wasn't really joking. Noong tanungin ko siya kung gusto niya na ba akong markahan bilang unang proseso ng pagiging ganap na mates, bigla niyang kinontrol ang kanyang sarili. Lumingon ako sa kanya. "Ayaw mo ba?" I asked him. Napatingin siya sa 'kin at tumitig sa aking mukha. "I would never reject you," aniya sa paos niyang boses. Napansin ko na bumalik na sa normal na kulay ang kanyang mga mata. What do those colors even mean? Kapag ba golden yellow, ibig sabihin, he wants to mate? I shook my head nang dahil sa kalokohang naisip ko. Imbento ako masyado. I guess mababasa ko naman iyon sa libro. "Then why?" pangungulit ko sa kanya. Lagi niyang pinipigilan ang sarili niya kapag malapit na akong pumayag o bumigay sa gusto niya. Ano ba ang trip niya sa buhay niya? Does he really want me to accept him or what? Tumitig muna siya ng ilang segundo sa aking mukha bago siya napahalakhak nang mahina. "You're too beautiful," komento niya sa mukha ko. Sinimangutan ko siya. "Ano nga?" inis na tanong ko sa kanya. Bakit ba iniiba niya ang usapan? Ano ba talaga ang gusto niya sa buhay niya? I can't believe na ako pa ang mamimilit sa kanya na tanggapin niya ang pagtanggap ko sa kanya? How dare him. Well, he's Lincoln Connor and he is more than capable to do that. "Gusto ko na kapag tinanggap mo ako, buong-buo na ang desisyon mo," simpleng tugon niya sa 'kin at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako nagalaw at napatawa na lang ako nang ikiskis niya ang ilong niya sa ilong ko. Napangiti siya nang dahil sa naging reaksyon ko. "Ano ba?" bulyaw ko sa kanya habang natatawa at inilayo ang mukha ko sa kanya. "Sa tingin mo ba napipilitan lang ako ngayon?" tanong ko sa kanya muli sa seryosong tono. Tumitig siya aking mga mata. Nakakatunaw. Nakakalunod. "It's not that. Ayoko lang na bigla kang magsisi because you didn't think it through enough..." malambing na sabi niya at saka niya hinawi ang buhok na tumatakip sa aking mukha. "Dahil sa oras na pumayag ka na, I don't think I will be able to let you go." My heart... it was going really crazy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD