Kabanata 45

2157 Words
Lumabas ako ng klasrum sandali upang magpunta sa banyo dahil hindi na makapaghintay ang pantog ko at baka maihi pa ako sa shorts ko sa ilalim ng aking suot na palda. May nadatnan akong isang babae na nakaharap sa salamin, ngunit hindi ko siya pinansin pa dahil ihing-ihi na ako at nagmamadaling pumasok sa banyo. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang makapagbawas na ako at gumaan na rin ang pantog kong hindi mapakali mula pa kanaina. Ngunit paglabas ko ng cubicle, nadatnan ko pang muli ang babaeng nakaharap sa salamin nang pumasok ako sa banyo. Nagtungo ako sa tabi niya at naghugas ng kamay habang nakatingin sa salamin. Dahil kanina pa siya hindi umiimik, sinilip ko siya sa salamin... at nakitang nakatitig lamang siya roon at mukhang may malalim na iniisip. Kinabahan pa ako at baka multo pala ang nasa tabi ko, hindi pa ako aware. Nakatitig lang siya sa repleksyon niya. Maganda siya, morena, makinis ang kanyang kutis at mukhang galit sa mayamang pamilya, pero kung tingnan niya ang sarili niya ay para bang may mali sa kanya; na para bang iba ang nakikita niya sa nakikita ko o ng iba pang tao. Hindi ko alam kung bakit niya iyon nararamdaman dahil hindi ko naman siya kilala at kung ano ang pinagdadaanan niya. Hindi pamilyar sa akin ang hitsura niya, pero siguradong mas matanda siya sa 'kin. "Alam mo ba yung ganitong pakiramdam? Yung parang walang kwenta ang buhay ko. Hindi ko mahanap yung purpose ko rito sa mundo. Nabuhay lang ba ako para sa wala? Paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko," bigla niyang sabi na ikinagulat ko. Napalingon na ako sa kanya nang diretso at nagtataka siya tiningnan. Lumingon naman siya sa 'kin. Malamlam ang kanyang mga mata. "Gusto ko na lang maglaho..." Natigilan ako nang marinig ko ang malamig na boses ng babae. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at hindi rin ako sanay na magbigay ng payo sa iba. I don't even know how to comfort someone close to me, so ano ang sasabihin ko sa taong hindi ko kakilala? Napabuntong hininga ako at tinatagan ang loob ko. "I know exactly how that feels, but everything will be alright..." tanging nasambit ko at hindi pa ako sigurado if I sound reassuring. Well... nakakapagbigay ba ako ng advice ngayon dahil alam ko na everything will really be alright? Dahil nasa tabi ko lang lagi si Lincoln para siguraduhing safe ako and all. Tumitig siya sa aking mga mata. "That's because you already have someone to lean onto... right?" matabang na sabi niya sa akin at mukhang nawalan siya ng bilib sa akin. "You probably forgot already how this feels like... because you already have someone..." aniya at muling tumitig sa kanyang repleksyon. "No. I'm here if you need to lean on someone," mabilis na sabi ko sa kanya. "You can always lean on me," paniniguro ko sa kanya. Unang beses kong mag-comfort ng ibang tao at hindi talaga ako sanay na magsabi ng ganoong mga salita. However, I could see that she needed help. I've been in her place before at ayoko na wala siyang makapitan man lang while going through something rough. Nakatingin lang siya sa akin na parang hindi siya naniniwala. Ilang minuto siyang ganoon kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Wala siyang naging reaksyon, pero maya-maya ay naririnig kong sumisinghot siya na tila ba umiiyak siya. "You can cry all you want. I'm just here," paalala ko sa kanya na mayroon siyang kasama at hindi siya nag-iisa. Hinagod ko ang kanyang likod at pilit pinaramdam sa kanya ang presensya ko. When going through hard times, may mga bagay o tao tayo na hindi natin napapansin na nandiyan lang kaya we fail to appreciate, acknowledge, and cherish them as we should. Siguradong ganoon din siya ngayon kaya sinusubukan ko talaga na mag-connect kami para mawala yung mindset niya na nag-iisa siya at wala siyang purpose sa mundo. "You are loved... and you matter. Your purpose? Who cares about that? You just have to be happy. I think you should find your happiness first, before worrying about your purpose." Narinig ko na lumakas ang kanyang pag-iyak at paghikbi. She was listening. Marahan kong tinapik ang likod niya habang yakap ko pa rin siya. Hindi siya umiimik pero nararamdaman ko kung gaano kasakit at kabigat ang nararamdaman niya. Nang tumahan na siya at kumalma, humiwalay kami sa isa't isa. Medyo nahihiya pa siya sa 'kin dahil namumugto ang kanyang mga mata pero nginitian ko lamang siya nang tipid to show her that it was okay and I do not judge her. "Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Sa ngayon, ayoko na munang pumasok," bulong niya na tama lang upang marinig ko. Marahan akong tumango. "Of course you can do that much. Gusto mo bang ihatid muna kita sa dorm, so you can rest?" alok ko sa kanya. Marahan din siyang napangiti pero kaagad ding umiling. "It's okay. I can go by myself." "Are you sure?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Baka kasi mamaya ay saan siya magpunta imbes na sa dorm. Pero upang ipakita ko sa kanya na may tiwala ako sa kanya, ngumiti ako at pumayag. "Mag-ingat ka, ha. Kapag kailangan mo ng kausap, nasa third floor lang ang klase ko." Tumango siya nang maraming beses. "Thank you. I've heard a lot about you... and you're really kind." Napakurap ako nang maraming beses. Kilala niya ako? Ngumiti lang ako sa kanya hanggang sa makalabas na siya ng banyo at naiwan na akong mag-isa. Muli akong naghugas ng kamay ko dahil naudlot kanina, saka na ako lumabas na ng banyo. Nakasalubong ko pa si Ingrid na mukhang susunduin ako. "Akala ko na-flush mo na pati sarili mo sa toilet!" singhal niya sa 'kin nang makita ako. Tinawanan ko lang siya at sabay na kaming naglakad pabalik sa klasrum. Someone's POV Umupo si Dev, ang babaeng matagal ko nang sinusubaybayan, sa ilalim ng isang puno sa may soccer field. Habang naglalakad siya pabalik sa dorm, bigla niyang naisip na ayaw niya munang bumalik na naman sa isang makipot na silid sapagkat nagbago siya ng direksyon sa paglalakad. Sa tagal ko na siyang pinagmamasdan at sinusundan, alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Pakiramdam niya ay nasasakal siya katulad ng pagsakal sa kanya ng suicidal thoughts niya. Sumandal siya sa isang puno at ipinikit ang mga mata. Ano bang klaseng buhay 'to? Minsan naisip ko, bakit pa ako ipinanganak? Hindi niya eksaktong inisip iyon, pero hula ko ay iyon ang tumatakbo sa isip niya noong mga oras na 'yon. "Chill, Dev. Just live," bulong niya sa sarili niya then she sighed. Sawang-sawa na siyang mabuhay. Parang wala namang patutunguhan ang buhay niya, naiisip niya. Kahit ilang advice pa ang ibigay nila sa kanya, hindi talaga niya makita ang ganda ng buhay na sinasabi nila. Nahihirapan siyang gawin ang mga bagay na dapat normal lang naman para sa tulad niyang teenager, ang maging masaya despite the pressure and deadlines sa kanyang pag-aaral. Pilit niyang binura sa utak niya ang lahat ng iniisip niya sa mga oras na iyon. Gusto niya lang naman ng kapayapaan. Nakita ko na pilit niyang ni-compose ang sarili niya and she also shook her head to erase her dark thoughts. "Mukhang may problema ka... Miss Dev." Naimulat ni Dev ang mga mata niya nang may marinig siyang boses sa likuran niya."Baka makatulong ako?" Sumilip si Dev sa pinanggalingan ng boses, sa likod ng punong sinasandalan niya, at nakita niya ang isang pigura ng tao na nakasandal din sa puno. Hindi niya makita ang mukha ng kapwa niya estudyante. Tanging ang basang buhok niyon at ang kalahati ng kanyang likuran ang nakikita niya. Nakahinga siya nang maluwag nang mapagtantong estudyante rin iyon na nakasuot ng kaparehong uniporme, ngunit hindi niya matukoy kung ano ang kasarian niyon. Muntik na siyang atakihin sa puso sa gulat. Bumalik siya sa pagkakasandal sa puno. "Walang makakatulong sa akin," mapait na sambit niya. Hinintay niyang sumagot ang estudyante sa likod ng puno pero mukhang wala na iyong balak pang sumagot. Matapos ang ilang minutong kapayapaan sa ilalim ng puno, tumayo na siya at pinagpagan ang suot niyang palda at puting blusa na mayroong logo ng Lupin. "Aalis ka na?" tanong ng boses mula sa likod ng puno. Weirdly enough, hindi niya pa rin matukoy ang kasarian niyon sa boses na gamit kaya nag-attempt siya na silipin iyon ngunit napigilan niya agad ang sarili niya. Hindi sumagot si Dev sa tanong ng kapwa estudyante. Hinayaan niya lang iyong magsalita roon. "Hindi ako naniniwalang walang makakatulong sa iyo. May isang tao pa rin diyan na makaka-resolba sa problema mo." Natigilan si Dev sa narinig. Isang tao? "Sino sa palagay mo ang isang tao na iyon, Dev?" "Sino?" tanong ni Dev. "Ikaw lang ang nakakaalam niyan." Napasimangot si Dev sa narinig dahil inaakala niyang alam talaga niyon kung sino ang isang taong makakatulong sa kanya. Wala naman palang kwenta. Akmang aalis na siya nang magsalita ulit ang kapwa niya estudyante sa likod ng puno. "Kung ready ka nang mag-open ng problema mo, punta ka ulit dito. Same time." Dev rolled her eyes. Hindi niya pinansin yung mga sinabi niyon at umalis na sa lugar na iyon. Nakamasid lamang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo. Hindi ko namalayan ang pag-porma ng isang ngisi sa aking mga labi. Alas sais ng gabi. Tiningnan ko ang laman ng tangke. Buto, laman, at balat ay wala na ngunit nananatili pa rin ang itim na kulay ng buhok sa solusyon na aking ibinuhos noong nakaraang linggo. Agad-agad kong ibinalik ang takip ng tangke sapagkat 'di ko nakayanan ang amoy na sumalabong sa aking mga ilong na kailanman 'di ko nakayanan kahit na ilang beses ko na 'tong nagawa. Kahit sa sandaling sulyap na aking nagawa kanina lamang, hindi ko na matandaan ang labi ni Francis na halos naghalo at naging isa sa solusyon na aking ibinuhos para matunaw iyon. Kumbaga ang tanging makikita ko na lamang sa tangke ay isang likido at mga ngipin. Kahit aking nagampanan at naging matagumpay ako sa pagpigil ko sa mga katarantaduhan na kanyang ginagawa, aking hindi malimutan ang mga sobra-sobrang pambabastos niya sa mga tingin niya na mas nakakababa sa kanya... ...ang panunura niya sa mga pagkain bago niya ibigay ito sa namumulubi. Ang pagpapabaya niya sa kanyang pag-aaral ngunit nakakapasa pa rin siya dahil sa mga koneksyon ng kanyang tatay sa campus. Ang pang-aasar niya sa mga kaklase niyang nangungulila sa pagkawala ng kanyang mga magulang sa aksidente. Marami pa akong gustong alalahanin ngunit ito'y walang mararating at ikakasira lang ng aking ngipin sa pangingitngit. Isa-isahin ko man ang kanyang nagawa, ito'y maliit na bagay lamang sa ngayon na aking nabigay ang nararapat na hustisya. Ngunit ito'y kapalit ng pagdumi ng aking mga kamay at pagkatao. Aking tinakpan ang tangke ng tarpaulin at tsaka dinaganan ang ibabaw nito ng ilang bato. Pinatay ko ang ilaw at ako'y bumalik na sa dormitoryo upang maglinis ng katawan at matulog. Sa aking pagligo, lahat ng sulok ng aking katawan ay halos kiskisin ko ng bato upang maalis ang dugo at dumi ng aking balat sa mga pagpatay na nagawa ko. Ngunit kahit ganoon pa man ang pagkamuhi ko sa aking sarili, hindi ko masasabi na pinagsisisihan ko ang mga hustisyang naibigay ko sa mga naging biktima ng mga biktima ko. Nagmamadali akong pumasok sa cafeteria upang mag-almusal dahil nahuli ako ng gising nang dahil sa sobrang pagod. Malakas ang pangangatawan ni Francis at nahirapan akong magpumiglas mula sa kanya noong pinagtangkaan niya akong gawan ng masama... at nahirapan din ako nang pagtangkaan ko siyang patayain. Ngunit ang importante ngayon ay naisagawa ko ang plano ko at malaya na ang kanyang mga araw-araw na biktima. Habang kumakain, nakuha ng atensyon ko ang grupo ng kalalakihan sa kabilang table na mukhang magkakaibigan. Nagsasalo ang apat na lalaki sa mesa sa kainan na parati nilang pinupuntahan. Alam ko sapagkat parati ko silang nakikita sa eksaktong oras at lugar na iyon sa tuwing kakain ako sa cafeteria. "Oh, nasaan na yung iba?" rinig kong tanong ng lalaking bagong dating sa kanilang table. "Ayun, nanguna na umuwi," ang saad ng isang kaibigan na kasalukuyang sumusubo. Mahaba ang buhok nito na umaabot hanggang kili-kili. "Si Adrian maaga ang klase. Si Jonathan naman at si Alex nagpapataas ng rank sa nilalaro nila," mabilis na sagot ng lalaking mayroong kulot-kulot na buhok. "Pambihira, minsan nalang nga ulit tayo magkita-kita, ang aga pa nilang umuwi," angal ng bagong dating na kapansin-pansin ang blond nitong buhok. Nagsalu-salo lang sila sa pagkain at malakas na nagkukwentuhan. Ako nama'y tamad na tamad sa pagnguya ng aking pagkain. They're too loud. Ngunit natigilan ako nang mayroong isang babaeng umupo sa tapat kong upuan at binati ako. "Hey! Sabay na tayong pumasok sa klase," aniya sa akin na buong-buo ang ngiti. Tinugunan ko iyon ng isang tipid na ngiti at marahang tumango. "Sure."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD