Kabanata 8

2107 Words
Napadaing ako nang maramdaman ang pagbagsak ng paa ko dahilan upang maramdaman muli ang sugat ko noon sa aking talampakan. Dahil malalim iyon, hindi pa rin iyon completely healed. Ang palad ko nama'y napahawak sa sahig na mayroong basag na baso. Naramdaman ko ang pagbaon noon sa aking laman. Gulat na gulat yung lalaki habang si Seven naman ay mabilis na nakalapit sa akin at binuhat ako. "Sorry, Astrid! Hindi ko sinasadya!" mangiyak-ngiyak na sabi niya. Hindi ako makangiti kahit na naku-cute-an ako! Ang sakit ng katawan ko! Inilapag niya ako sa inuupuan ko kanina. "Masyado ba kitang natakot?" Napangiwi ako nang maramdaman kong may nakabaon pa rin na bubog sa palad ko. Sandali akong pumikit at isa-isang hinugot ang mga iyon. Nakagat ko ang lower lip ko sa sobrang hapdi! Sandaling napalayo sa akin si Seven. Tiningnan ko siya na parang nagtataka at saka hinawakan ang palad ko na nagdudugo. "s**t," rinig kong bulong niya. Nagulat ako nang makitang nagbago ang kulay ng mga mata ni Seven at naging purong itim. "S-Seven..." hindi makapaniwala kong sambit. So...he is also a werewolf? Isiniksik ko ang sarili ko sa pader as if may malulusutan ako roon. Nagulat ako nang magpunta siya sa mga bubog na nakakalat sa may pintuan. May ilang patak ng dugo ko roon.. Inamoy niya ang dugo roon na para bang takam na takam siya. "Smells delicious..." komento pa niya. Nang tumingin siya sa akin, ang mga matatalas niyang mga mata, tila ba nakita ko sa mga mata niya na gusto niya akong lapain. And he was literally about to turn into a werewolf. Napaatras lang ako hanggang sa naramdaman ko ang likod ko na tumama sa pader at wala na akong maaatrasan. "Seven?" tanging nasabi ko habang hindi naaalis ang tingin ko sa kanya. Itim na itim ang kanyang mga pupil katulad ng mga mata noong lobo na umakmang sumunggab sa akin noong isang araw. Nang makita kong wala na talagang natitirang ni katiting na pagiging tao kay Seven, ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinintay na lapain niya ako. I unconsciously thought about Lincoln... I was asking for his help sa isip ko, although I doubt makakarating sa kanya iyon Instead of his fangs on my neck, I heard a loud screech from an animal as if it was experiencing an excruciating pain. Tumayo ako upang makita ang mga nangyayari. Pumikit lang ako sandali, may hindi na naman ako inaasahang nangyari. Nang imulat ko ang mga mata ko, mayroon nang isang taong nakaharang sa harapan ko. Ikinulong ako noon sa kanyang bisig na tila ba ayaw niyang ipakita sa akin ang nangyayari sa likod niya. Without looking up to his face, alam ko na kaagad kung sino siya. The man whom I have a weird connection with. It was Lincoln. Narinig niya ba ako, yung pagtawag ko sa kanya? Siya lamang ang unang taong pumasok sa isip ko sa bingit ng aking kamatayan. And he came! Nanlambot ang mga tuhod ko na tila ba bigla iyong tinakasan ng lakas. Kaagad akong nasalo ni Lincoln at saka ako mahigpit na niyakap. Walang luha na tumulo sa mga mata ko pero sigurado akong sobrang bigat ng dibdib ko nang dahil sa takot. "I told you to be careful," hinihingal niyang bulong sa tainga ko. Totoo nga ang sinasabi niya. Maraming mga lobo ang nag-aabang lang na lumapa sa aming mga tao, lalo na sa nalaman nilang balita na nabali na ang kasunduan ng mga tao at mga lobo. They have nothing to fear now... But I didn't expect Seven to be one of them. Para lang siyang bata. Hindi ko na namalayan na nawalan na ako ng malay nang dahil sa takot na naramdaman ko. This is already the second time, ngunit hindi pa rin nawala ang takot ko. Ngunit bago ako tuluyang mahimatay, nakita ko pa si Nicholas na kakapasok lang sa silid upang saklolohan ako. Natigilan siya nang makitang nandito na si Lincoln. Kinagabihan... "Astrid? Astrid?" Nagising ako na may yumuyugyog sa mga balikat ko. Hindi pa pumo-proseso sa akin ang mga nangyari kanina nang bigla akong patayuin ni Ingrid. "May naghahanap sa 'yo sa labas ng dormitoryo." Wala pa ako sa sarili nang hilain ako ni Ingrid palabas ng silid. Nakasuot lamang ako ng pyjamas ko at hindi pa talaga ako nakakapaghilamos. Literal na bangag pa ako habang tumatakbo kami palabas. Ngunit tila nagising ang buong diwa ko nang makita ang lalaking naghahanap daw sa akin. "What the f**k, Nicholas?" naibulalas ko nang makita siya sa labas ng dormitoryo, nakasandal sa itim at magarang sasakyan. Lumapit ako sa kanya kahit na amoy panis pa ang laway ko. "Anong ginagawa mo rito?" Pinagmasdan ko siya. Nakangisi siya at nakatitig lang sa akin. Naka-itim siyang tuxedo at asul na tie na stripes. I couldn't deny the fact that he was dashing hot with that suit. "Sinusundo ka," balewalang sagot niya. "Alam kong hindi ka pupunta kaya nandito ako para hindi ka na makatanggi." I rolled my eyes. "Tatanggi pa rin ako," tugon ko at nag-crossed arms. "Alas siete na ng gabi. Siguradong nagsisimula na ang party mo. Bumalik ka na roon." Tumaas ang kilay niya. "Gano'n?" Tumango-tango ako bilang tugon sa kanya. Ngumiti lang siya at nag-crossed arms kagaya ko. "Hindi naman magsisimula ang party kung wala ang celebrant." "Kaya nga bumalik ka na," iritableng tugon ko. Kung makapag-usap kami, parang matagal na kaming magkakilala, eh. Ang lakas lang talaga ng loob kong tumanggi nang harap-harapan. "Masisira ang party mo kung mahuhuli ka." Nagkibit-balikat siya na tila ba hindi niya problema iyon. "E 'di masira." Tapos ay binuksan niya ang pinto ng car niya at umupo sa loob. "Kung ganoon, dito muna ako hanggang sa matapos ang party." What? "Sira na ba ang ulo mo?" naisigaw ko sa kanya. Bahagya akong napalingon kay Ingrid na nasa tabi at sa mga tao sa paligid bago ako muling bumulong sa kanya. "Nababaliw ka na ba?" "Sinira mo ang ulo ko, Astrid," sabi niya at kumindat pa! Oh, gods! "Ano? Hindi ka pa talaga magbibihis?" "Damn you," I mouthed. Tinawanan lang niya ako at tinaasan ng kilay na para bang sinasabing uy, ano na? Nakakabwisit talaga ang lalaking ito. "Bakit mo ba ginagawa ito? Nababaliw ka na." "Wala akong dahilan para makisaya sa party," balewalang sagot niya. Para bang napaka-liit na bagay ng mga pinagsasabi niya. Langya. "Kapag nagbago ang isip mo, kumatok ka lang dito. Matutulog muna ako," dagdag pa niya at isinara ang pinto. I sighed. Naalala ko tuloy yung mga sinabi ng babae na kumausap sa akin sa cafeteria at yung insidenteng nangyari kanina sa detention room. There are werewolves everywhere! Ang alam ko lang, nagwawala na si Seven noon. Bigla lang dumating si Lincoln at upang protektahan ako, at doon ako nawalan ng malay. Ngayon lang ako nagising matapos ang insidenteng iyon. Napansin ko rin na nakabalot na mg benda ang mga sugat ko upang maitago yung scent ng dugo ko. Habang tulog ako, naririnig kong may kumakausap sa akin. Siguro ay nagising ako sandali noon at kinausap pa ako ni Lincoln. Mukhang idinala pa niya ako sa clinic bago ako iniuwi sa dorm. "Astrid, iwasan mong masugatan kapag malapit ka sa iba. Mayroong kakaiba sa dugo mo na maging ako ay hindi ko maipaliwanag. Your blood's scent is a lot stronger than the usual ones. Nanti-trigger iyon ng transformation sa mga lobo." Iyon ang eksaktong mga salitang sinabi niya sa akin. Nanginginig na naman ako sa takot at kaba. Gusto nila ang dugo ko. Hindi ako safe sa lugar na ito. "Hindi normal sa amin ang mawalan ng kontrol sa sarili. Sa katunayan, ngayon lang nangyari ito sa mga katulad ni Seven. Talagang kakaiba ang dugong taglay mo, even my brothers said it. However, if you accept me to be your mate, this will never happen again," pagpapatuloy niya at pagkatapos ay inilabas niya ang isang tela na napuno ng dugo ko. "They will examine your blood upang alamin ang tungkol sa sitwasyon mo. The doctor is a trusted friend of mine, so don't fret." Pumayag na rin akong i-examine ang dugo ko. Para na rin matuklasan na ang misteryong bumabalot sa pagkatao ko. Iyon lamang ang tanging naaalala ko kanina at muli na naman akong nakatulog. Bumuntong-hininga muna ako bago ko kinatok ang bintana ng sasakyan ni Nicholas. Binuksan niya ito kaagad at nginisihan ako. I want to wipe that damned smirk off of his face. "Just make sure na walang masamang mangyayari sa akin doon," pakiusap ko sa kanya. Tumango lang siya bilang tugon. I wonder kung aware siya na naglilipana na ang mga lobo rito at handa nang lumapa ng tao? Alam kong binalikan niya ako kanina sa detention ngunit hindi ako sigurado kung nadatnan niya si Seven sa hindi magandang kondisyon. "As long as you're with me, nothing bad will happen to you." Oh. Sandali akong napangiti nang maalala ko si Lincoln. Kung siya iyon, siguradong ise-segway na naman niya ang pagkumbinsi sa akin na tanggapin ko siya bilang mate. "Okay. Sasama na ako, pero isasama ko ang kaibigan ko..." tugon ko. "What?" Napatingin siya kay Ingrid na nasa likod ko hindi kalayuan sa amin. "Never kaming nag-imbita ng..." Pinutol ko ang sasabihin niya nang mapagtantong may panlalait siyang sasabihin. "Count me out, then. Good night." Akmang maglalakad na ako palayo nang mahila niya ang kamay ko. Damn, he's fast! "Ano?" Bumitaw siya sa 'kin at umiwas ng tingin. "Fine. Tinawagan ko na ang isang driver namin. Susunduin niya ang friend mo dito," sagot niya. I frowned. Bakit sa ibang car pa siya sasakay? Magrereklamo pa sana ako kaso pagtingin ko sa oras sa phone ko, mag-a-alas otso na. Ngumisi siya. "Get dress now, will you? Unless you want me to do the honor?" I blushed! Sino ang nasa tamang katinuan na magsasabi nang gano'n harap-harapan? "P-p*****t!" I snapped. Tapos ay padabog akong lumapit kay Ingrid upang ayain siya na bumalik na sa dormitoryo. Hinabilinan ko na rin siya na magbihis. Sobrang tuwa nga niya dahil ngayon palang daw siya dadalo sa isang engrandeng party, let alone party pa ng isa sa mga sikat na estudyante rito sa paaralan. Matapos kong gumayak, lumabas na ako ng dormitoryo dahil oras na rin. Siguradong masisira ang party ni Nicholas kapag mas nahuli pa kami. Ang ayaw ko lang, titig na titig si Nicholas sa akin nang makita ako. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto! Aba, bakit iba na ang pakikitungo sa akin ng lalaking ito? "Y-You look beautiful," nauutal pa na sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay bago pumasok sa passenger seat. Dito lang naman sa loob ng campus gaganapin ang party pero nag-abala pa talaga siya na gumamit ng sasakyan. Ngiting-ngiti siya hanggang sa maisara niya ang pinto at makapunta sa driver's seat. Pasulyap-sulyap pa siya sa 'kin sa front mirror. "Come on, Nicholas. Stop giving me those annoying glances! You're scaring me to death, you know," mahinang bulyaw ko sa kanya. He just chuckled. Damn him. Ilang sandali pa, nakarating na kami sa tapat ng isang malaking puting pavillion na napupuno ng mga puti at maliliwanag na chandelier. Bago iyon, mayroon pang tarangkahan na nakaharang. Bumukas ang malaking gate doon. Handa na rin ang lahat sa papasimulang pagdiriwang. Mukhang si Nicholas, ang celebrant, na lang ang hinihintay. Bago pa niya mai-park ang sasakyan niya, may isang babaeng sumalubong sa car niya. Binuksan ni Nicholas ang bintana. "Nicholas! Mag-a-alas nueve na! Kanina pa naghihintay ang ating guests dito!" Nicholas just shrugged. "Hayaan niyo silang umalis. I can celebrate my day without them anyway." Inis na inis yung babae kay Nicholas pero parang wala lang sa kanya iyon. Bumaba siya ng car at pinagbuksan ako. Hiyang-hiya naman talaga ako sa babaeng iyon na parang kakainin ako nang buhay nang makita ako. She looked like Nicholas' older sister. She was wearing a red cocktail dress at nakakasilaw ang mga alahas na suot niya sa kanyang katawan. Inalalayan ako ni Nicholas na bumaba sa sasakyan. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang dahil sa takot sa mga titig ng kapatid niya at mukhang napansin niya iyon. "Nikki, she's Astrid Cage. Obviously, she's my date for tonight." Siniko ko si Nicholas. Dahil kasi roon sa sinabi niyang date e mas lalong tumalim iyong tingin sakin nung kapatid niya. Pero kita kong pilit iyong ngumiti at nagmukhang masaya, para sa kanyang kapatid. "Oh. Good evening, Astrid. I'm Nicole Waldorf, Nicholas' sister. Halina kayo sa loob. Magsisimula na ang party." Nakahinga ako nang maluwag. "I told you, as long as you're with me." He winked. Siniko ko siya at pilit na ngumiti nang mapatingin sa akin ang kapatid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD