Kabanata 9

2099 Words
Nagsimula ang pagdiriwang pagdating namin. Hinatid pa ako ni Nicholas sa isang bakanteng lamesa bago siya kinaladkad ng kanyang nakatatandang kapatid patungo sa harapan. Medyo naging busy na rin siya nang dahil sa ibang mga bisita niya na halos mga propesor dito sa paaralan. Dumating na rin si Ingrid na sobrang cute sa suot niyang black na gown na mayroon pang kumikinang-kinang. Bagay na bagay sa madilim na kalangitan na nanonood sa aming pagdiriwang. "Finally, you came," sarkastiko na salubong ko sa kanya dahil napakatagal niya. She just giggled while looking around the place, amused on the elegance of the venue. Pati na sa mga nagkikislapang mga damit ng mga taong nandito. Napansin ko lang na walang ibang mga tao na mula sa labas ang nandito. Ako nama'y nagsuot lamang ng isang simpleng pulang bestida na walang kahit na anong disenyo. It was a silk, spaghetti dress that fits my body perfectly. "Kanina pa nagsisimula." "I know. Wala kasi akong mahanap na susuotin para sa bonggang party na ito," nahihiya niyang sabi sabay pakita ng suot niya sa 'kin. "Bagay na ba sa venue?" I chuckled. "Naman." Saka kami kumuha ng maiinom sa umiikot na waiter. Pinagmasdan ko rin ang buong paligid. Sobrang laki ng lugar na ito! Dinadaan-daanan lang namin ito noon pero ngayon lang talaga kami nakapasok. Malalaking event lamang kasi ang isinasagawa rito ng paaralan. At dahil mayaman sina Nicholas, hindi na ako nagtaka na nakuha nila ang lugar na ito. The fact na wala ang mga magulang niya rito sa espesyal niyang araw says a lot about the situation outside the school. I wonder kung bakit mukhang hindi pa nakakahalata ang mga estudyante sa nangyayari. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid. Ang ganda ng pagkaka-ayos dito sa hardin. Bagay na bagay sa mga magagara at mamahaling kasuotan ng mga bisita nila. "Gusto ko tuloy malaman kung gaano pa kalaki ang mga mansyon nila, lalo na ng mga Mordeur." Mordeur. What a dangerous name that was. I've been hearing things about him almost everyday, ngunit hindi ko pa siya nakikita. What a mysterious guy. "Hindi pa ako nakapunta. Pero ayon sa internet, sobrang laki raw talaga. Para bang kahit isang daang tao ay pwedeng tumira! O baka naman nag-o-over react lang ang mga nagsulat nung article?" pabulong na tugon ni Ingrid sa akin, natatakot na baka may makarinig sa kanya. Such name was actually forbidden to spew in public. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang infamous ng pamilyang iyon sa paaralan na ito. I shrugged. Naalala ko ang inasta kanina ni Nicholas sa labas ng dormitoryo. He doesn't care about a grand party. Para sa kanya, wala lang ang lahat ng ito. Hindi siya sasaya sa ganito. Nakikita ko sa mga mata niya na gusto niya lang ng isang simple pero masayang party. Yung tipong kasama niya lang ang pamilya niya at ang mga kaibigan. I understand him, and his feelings, actually. I always wanted a family, which I have, pero never kaming matatawag sa masayang pamilya. Simple at mahirap, oo, pero never naging masaya. Sa tingin ko, hindi pa rin sapat na natatawag lang kaming buo. We never acted that way! Ni hindi kami laging nagkikita. First time siguro naming nabuo noong araw na aalis na ako sa poder nila papunta rito. Kahit bakasyon ay hindi ako umuuwi dahil iyon ang gusto nila, ang manatili ako rito hanggang sa pagtatapos ko sa pag-aaral. At sa tingin ko ay plano rin nilang gawin iyon sa susunod pang mga taon. Naramdaman kong may sumiko sa akin kaya bumalik ako sa reyalidad. Tinanong ko si Ingrid kung ano ang problema niya pero may itinuro lang siya sa harapan namin. Nang tignan ko ito, halos magulantang ang buong pagkatao ko! It's one of the members of Mordeur Familia. I only saw him sa kanilang family photos and I didn't expect to be this close to him! At hindi ko aakalain na ganito siya ka-intimidating... almost the same as Lincoln's presence. At ito pa, nakalahad ang kamay niya sa harapan ko. "May I have this dance?" sinserong tanong niya. Ang mga tingin niya ay talagang nakakapaso sa lamig! Hindi ko alam kung bakit biglang naging malapit ako sa mga kilalang tao sa paaralan namin—Nicholas, Seven, and now this man? Not to mention Lincoln! Were they playing with me? Parang noong isang araw lang ay invisible pa ako, ah. Napatitig lamang ako sa mukha ng lalaking nasa harapan ko. Hindi ako makagalaw nang dahil na rin sa sobrang kaba. Kirk Tyrone Mordeur. Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay niya na nakalahad. First time pa lang naming magkita ngayon, tapos yayayain na niya akong sumayaw? Tumaas ang tingin ko sa mukha niya. Kunot ang noo niya at parang naiinip na sa akin na iabot ang kamay ko. I was about to say something nang hinila niya ang kamay ko at iginiya sa dance floor. Sobrang bilis niya to the point na hindi ko namalayan na nandito na kami sa gitna. Hinawakan niya ang bewang ko at hinila ako papalapit sa kanya. Napahawak na lang ako sa magkabilang balikat niya habang masama ko siyang tinititigan. "What the hell?" bulong ko sa kanya. Parang may something sa tiyan ko na nagpapasama sa pakiramdam ko. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Dahil ba sobrang lapit ng isang Mordeur sa akin? Ang awra niya ay talagang parang nambubungkal ng tiyan sa sobrang bigat. Pero may iba pang rason, I think. Para bang nagkakasala ako sa bawat segundong humihinga ako malapit sa lalaking 'to. "Parang wala naman akong naalalang pumayag ako," nakaismid kong sabi sa kanya. "I just saved your life from the ladies who were ready to attack you if you didn't accept my offer." Tiningnan niya ang ilang babae na nakamasid sa amin at masama ang tingin sa akin. This guy! Sino bang nagsabing yayain niya akong magsayaw? Hindi mangyayari 'to, in the first place, kung hindi niya ako nilapitan. "I want my thank you." He smiled as if maganda ang daloy ng usapan namin. When in fact, iritang-irita ako sa kagwapuhan niya. I mean, sa kanya mismo. Nakaka-badtrip lang talaga na ang guwapo pa rin niya kahit na nakaka-bwisit siya. Hindi ko tuloy alam kung anong pakiramdam ang mas mangingibabaw sa akin. I almost gritted my teeth. Hindi ko kinakaya ang pagiging arogante ng taong ito. "Hinila mo ako rito nang sapilitan then you want me to f*****g thank you? Are you f*****g kidding me or something?" I rolled my eyes at him and mumbled. "Saved you, my foot!" Nabigla ako nang bigla siyang mag-sway. Sinasamaan ko lang siya ng tingin habang pangiti-ngiti siya sa akin. Sa mga sandaling iyon, nakalimutan ko na isa siyang Mordeur. That he is dangerous enough to kill me, lobo man siya o hindi. Ganoon siya kadelikado kaya walang gustong bumangga sa kanya. And he was looking really pretty on his black tuxedo and red neck tie, matching my dress. Ang kanyang bagsak na buhok ay bagay rin niya at nagmukha siyang maamo. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang sungitan siya sa kabila ng mga nalalaman ko sa kanya. Siguro because I know that someone always has my back? Napailing ako nang dahil sa naisip ko. Stupid me. Why would I ever think about that guy! Bumalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ng isang babae na tinawag ang pangalan ni Mordeur. "Kirk!" Kumapit ang babae sa braso niya dahilan para mapabitaw sa akin si Mordeur. Napabitaw na rin ako at medyo dumistansya. Halatang nagpapa-cute ang babae sa kanya pero napasimangot siya nang mapatingin sa 'kin. She was somehow familiar. "Are you, by any chance, Thania Greends?" maingat na tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "Yes. How did you know that?" mataray na sabi miya pero kaagad ring napatawa. "Oh. I forgot. Kabilang nga pala ako sa Perfect Ten." Yabang. I mentally rolled my eyes. Perfect Ten. Ito ay ang sampung pamilya sa lugar namin na mayroong pinaka-malakas na kapangyarihan at impluwensiya. Iyon din ang dahilan kaya naghahari-harian ang iba sa kanila sa aming paaralan. Tiningnan ko silang dalawa ni Mordeur tapos ay sarkastiko na ngumiti. "I'm leaving now, Your Highness." Saka ko sila tinalikuran. Kung titingnan sila ay para lang naman silang normal na estudyante sa amo ng kanilang pagmumukha, ngunit sa likod ng mga iyon ay ang ka-arogantehan nilang lahat. Iilan lamang sa kanila ang napapansin kong very humble. Napatingin din ako sa iba pang mga bisita na nakaupo pa sa kanya-kanya nilang mga mesa, karamihan sa kanila ay nakatingin sa akin. Saka biglang mayroong pumasok na ideya sa aking isipan. Sa mga taong nandito, sigurado ako na may mga lobo na nakatago sa mga mararangya nilang mga mukha't kasuotan. Pagkaupo na pagkaupo ko sa table namin, inasar-asar na ako ni Ingrid. "Gosh, kung nakita mo lang ang mukha ni Thania, epic fail, grabe!" pigil na paghagikgik niya. "And, uy! Ang cute niyo ni Tyrone Kirk kanina. Parang may sarili kayong mundo." I shrugged. "Paniwalaan mo ang gusto mo." Inilibot ko ang tingin ko. Nahinto ito sa isang buffet hindi kalayuan sa inuupuan namin. Then biglang tumunog ang tiyan ko. Krrr~ Er. Tumingin ako kay Lily at sumenyas na kumuha na kami ng makakain. Akmang tatayo na ako nang may dalawang lalaking lumapit sa table namin at inilapag ang ilang plato na puno ng pagkain. Pinagmasdan ko ang lalaki na malapit sa tabi ko. Napangisi na lamang ako nang mapagtanto kung sino iyon. It's Alec Lockhart. Nilingon ko pa si Lily para makita ang reaksyon niya, and she was literally burning red. I mean, her face! "Er, Astrid, would you accept my peace offering?" Halos mahulog ako sa upuan ko nang maramdaman ang presenya ni Seven sa tabi ko mismo. Imbes na matakot ako sa kanya dahil sa insidente sa detention, nainis pa ako dahil sa ginawa niyang paggulat sakin ngayon. Hinampas ko siya nang malakas sa braso. "Aahhh! You hurt me, Astrid!" Naka-pout pa siya at mangiyak-ngiyak. Omo! Will you stop being so cute, Seven? Pakiramdam ko ay nabura na kaagad ang pangit na imahe niya sa akin nang dahil sa cuteness niya. Kaagad ko namang hinimas ang braso niya na hinampas ko. "Sorry. Ikaw kasi, eh," kabadong sabi ko at pasimpleng nilingon ang mga tao. Baka akala nila sinasaktan ko talaga siya. Tsaka baka may mga mata ang mga Lionde, pamilya ni Seven, rito. Ayoko pang mamatay! Bigla naman siya tumawa nang malakas habang tinuturo ako. Malakas talaga as in. Na parang bata! Pero hindi naman iyon pansin ng mga tao. Sanay na siguro. "Gotcha, Astrid." Ngumisi siya para ipamukha sa akin na naisahan niya ako, pero nawala rin iyon nang maupo na siya sa tabi ko. "But still, I'm sorry, Astrid. For what happened.." Mukhang harmless naman siya kapag walang sumpong. Kaya naman ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "Okay." Sa ikalawang pagkakataon, nawala ang takot ko towards a werewolf. "Pinapasabi rin pala ni Nicholas na pupunta na siya rito in an hour. Hindi raw kasi siya makatakas sa kapatid niya," aniya pa. "Oh," tanging nasambit ko. Nakakatakot pa man din yung Ate niya. Mukhang mangangain ng buhay, eh. Kailangan kong siguraduhin na sarado ang mga pinto at bintana sa dorm mamaya pagkauwi ko. Mukhang ha-hunting-in niya ako pagkatapos ng party na ito. "Ayos lang naman. But would you two stay with us for a little while?" Sabay sulyap ko kay Alec na tahimik lang. Bigla tuloy akong naka-ideya na baka isa ring lobo iyong si Alec dahil kaibigan niya si Seven. Imposible namang hindi niya alam ang tungkol sa nangyari. "Sure. Iyon naman ang ipinunta namin dito," biglang salita ni Alec. "I'm Alec Lockhart." "Astrid here," nakangiting sabi ko at tumingin kay Ingrid. Namumula pa rin ang mukha niya at parang nanginginig ang kamay niya na nakapatong sa lap niya. Sobrang crush niya kasi si Alec, mula pa noon. "A-A...A-A...A-A..." pautal-utak niyang sinabi at halos hindi siya makabuo ng isang salita. Pigil ang tawa ko habang pilit na umiiwas ng tingin sa kanya. Gahd, Ingrid. "She is Ingrid, my friend," pagpapakilala ko sa kanya tapos ay nginitian si Alec. "Shake hands?" udyok ko pa sa dalawa. Napataas ang kilay ni Alec pero kaagad ring inilahad ang kamay niya kay Ingrid. "Nice meeting you, Ingrid," sambit ni Alec. Lalong tumindi ang pamumula ni Ingrid habang inaabot ang kamay niya na halatang nanginginig. Siniko ko nga. "Yes, A-Alec," sagot niya nang maiabot ang kamay niya kay Alec. Mukhang nawi-weirdohan si Alec sa kanya pero dahil isa siyang mabuting tao, nag-pretend na lang siya na wala lang iyon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD