Papasok ako ngayon sa aming klasrum na parang hinahati sa gitna ang ulo ko sa sakit. Sobrang late na dahil ano'ng oras na rin ako nagising, may hangover pa ako dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Hindi ko rin maalala ang mga pangyayari dahil nagising na lamang ako kaninang umaga na ganito.
"Have your seat, Astrid Cage."
Nagmadali akong umupo sa tabi ni Ingrid. Hinubad ko yung backpack ko at sinimangutan siya. Hindi niya ako ginising kanina kaya nasa ganitong sitwasyon ako ngayon!
"Wow, good morning," sarkastiko niyang sinabi habang nangingiti. Wala akong maalala sa party kagabi pero yung mga ngiti ni Ingrid ay mayroong ibig sabihin. Just what the hell happened? Ni hindi ko alam kung paano kami nakauwi nang ligtas.
"Masakit ang ulo ko. Can you fill me in about last night?" malumanay kong tanong sa kanya kahit na naiirita ako sa mga ngiti niya. Tumango-tango siya nang hindi pa rin inaalis ang ngisi. "After class, okay?"
"If I were you, hindi ko na lang aalamin at aalalahanin," nang-aasar pa niyang sabi bago tumingin sa harapan upang makinig na sa propesor. Napilitan na lang din akong makinig sa lesson namin kahit na ang dami kong naiisip na posibilidad.
Teka, bakit ganto ang nararamdaman ko? Mayroon kaya talagang nangyari kagabi o may ginawa akong hindi niya akalaing magagawa ko? Sumasakit lalo ang ulo ko sa kakaisip.
Yung puso at isip ko, nagkakaisa. Sinisigaw na mayroon nga akong ginawa kagabi na lubos kong pagsisisihan ngayon. Gusto kong sakalin ang sarili ko upang pigilan na mag-isip, but what can I do? Mukhang natatandaan ng katawan ko ang nangyari ngunit hindi lang ma-recall pa ng utak ko.
Bumalik lamang ako sa kasalukuyan nang biglang mayroong pumasok sa aming klasrum. Nangunot ang noo ko nang mamukhaan ang lalaki. It was Kirk Modeur. Right, natatandaan kong na-meet ko ang lalaking 'to sa party kagabi and we even danced. But I couldn't remember anything after that.
Blanko ang ekspresyon niya sa mukha at mukhang wala siya sa mood. Malayong-malayo sa kagabi. What was he doing here, anyway? Hindi ko natatandaang magkaklase kami nito.
"You're late," puna ng propesor sa kanya.
"Shut up," tanging tugon niya at dire-diretsong naglakad papunta sa tabing upuan ko. Napilitang tumayo si Ingrid nang makita ang lalaki sa harapan niya na mayroong nakakatakot na tingin, saka siya roon umupo.
Sinundan ko na lamang ng tingin si Ingrid na lumipat ng pwesto. Hindi ako makagalaw at makapagsalita. What's going on? Ano'ng problema ng lalaking 'to?
"Mr. Modeur," tawag muli ng propesor sa kanya sa galit na tono.
Nakita ko na iritable siyang humarap sa aming guro at sinamaan iyon ng tingin. "Die," madiin na sabi niya. Diretso lang ang tingin niya sa kanya at sobrang nakakatakot siya. Gulat na gulat naman ang propesor sa inasta ni Kirk.
"Brats like you are actually worse than monsters," nanggagalaiting sabi ng propesor sa kanya. Matanda na pa naman ang guro naming ito at baka maatake pa siya sa puso sa sobrang galit niya kay Kirk.
"Me? Halimaw?" Nabigla kami nang tumayo si Kirk at madilim ang mukha. Natahimik lalo ang buong klase at ramdam ko na ang galit niya na parang gustong magwala. What's wrong with him?Lumapit siya sa propesor na nanginginig na sa takot although nagmamatigas pa rin iyon, at saka niya kinuwelyuhan ito. "Alam mo ba kung sino ako, ha?" Isinandal niya ang matandang propesor sa board. "Hindi, 'di ba? Kaya manahimik ka. Kung ayaw mong mamatay, panot." At binitawan na niya ito kaya napasalampak ito sa sahig.
Humarap sa amin si Kirk kaya napalunok ang lahat ng laway, maging ako. Even I didn't like how he acted, but he really seemed to be in a terrible mood. Huminto ang tingin niya sa akin kaya halos makalimutan kong huminga.
"Astrid, tara na," seryoso niyang sabi na ikinakaba ko. Nasaan na ba si Lincoln! Bakit wala siya ngayong kailangan ko siya?
Just what happened last night at ganito ako kung kausapin ng lalaking 'to? We just danced and nothing else! Pinilit pa niya ako!
Nang hindi ako gumalaw, mabilis siyang lumapit sa akin at saka niya hinablot ang braso ko upang kaladkarin ako palabas ng silid. Nang mayroon pang aakmang sasaklolo sa akin e sinamaan lamang niya ng tingin ang mga 'yon, enough upang matigilan sila.
Kakaiba talaga ang awra ni Kirk ngayon kaya naman 'di makatili ang mga mahaharot na babae rito. Tahimik lang ang lahat ng madadaanan namin, which was really unusual.
"Gusto mong maalala ang lahat?" aniya sa akin na ikinabigla ko. Wala akong magawa kung hindi magpahila lamang sa kanya nang dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Natigilan na lamang ako sa paglalakad nang masilayan ang malaking pavilion kung saan ginanap ang party ni Nicholas kagabi. Wala pa rin akong natatandaan, pero tila bumigat ang pakiramdam ko.
Hindi ko namalayan na kinalas ko ang pagkakahawak sa akin ni Kirk at saka ako tuluyang tumakbo palayo sa kanya. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko nang ilang beses, ngunit parang wala akong naririnig sa isip ko sapagkat masyado akong pokus sa mga naiisip ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Takbo lang ako nang takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ni hindi ko alam ang dahilan kung bakit kinakabahan ako at napatakbo ako.
Napadpad ako rito sa tinatawag na Heroes Park kung saan nakatayo ang mga rebulto ng mga kinikilala naming bayani. May mga benches doon na mauupuan na pinalilibutan ng mga puno. Walang masyadong tao. Tahimik.
Naglakad ako papalapit sa isang puno na nasa likod lang ng isang bench. Umupo ako sa damuhan at sumandal sa puno. I wiped my tears... na hindi ko namalayan na kanina pa pala tumutulo. Why am I crying?
Gusto ko na lang maalala ang mga nangyari kagabi. Malakas talaga ang kutob ko na may hindi kaaya-ayang pangyayari na nakalimutan ko na lamang dahil sa alak na nilagok ko kagabi.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kirk kanina, na kung gusto kong maalala ang mga nangyari kagabi. Bumalik kaya ako sa kanya upang magtanong?
Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko. Hindi ako mapakali. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko kanina pero nahinto ako nang nakaramdam ako ng isang mainit na yakap sa likod ko. And this presence... it was still heavy and intimidating, but it strangely calms us.
"Don't try to hard to remember." Bumagsak muli ang mga luha ko nang marinig ang boses ni Lincoln. It was actually cold, ngunit pakiramdam ko'y napapaso ako.
"What happened last night?" tanong ko sa kanya. I could still feel his breath on my neck dahil nakabaon doon ang mukha niya. He seemed to enjoy my scent a lot, pero wala ako sa tamang pag-iisip upang bulyawan siya.
Marahan kong kinalas ang pagkakayakap niya at tumakbo na palayo. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang lumalabas mula rito
Noong sobrang layo na, tumigil na ako at doon ko lang naramdaman yung pagod. Pero mas nangingibabaw pa rin yung sakit na nararamdaman ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ano'ng nangyari? Mas gusto kong malaman kahit masakit, para naman maintindihan ko ang emosyon ko.
"Astrid, stop running away from me." Unti unti kong inangat ang paningin ko at naramdaman ko na lang ang napaka-higpit na yakap niya, ngunit iba ang yakap na ito ngayon, mas sincere at mas emosyon na hindi ko inaasahan mula sa isang Lincoln Conor. Lalo tuloy akong naiyak.
"Lincoln..." Basag yung boses ko nang ibulong ko iyon. Napayakap na lang din ako sa kanya pabalik nang dahil sa bugso ng damdamin. Feeling ko kasi safe ako sa yakap niya.
"Ilalayo kita rito." Kumalas kami sa pagkakayakap. Pasinghot-singhot akong tumingin sa kanya.
"What happened?" tanong kong muli sa kanya. Hindi ko talaga mapigilan ang pagluha ko kahit na wala akong maalala sa kagabi. My chest remembers.
"It's something that you should forget," seryosong sabi niya at saka siya humiwalay sa pagkakayakap namin. Tumingin siya diretso sa mga mata ko. "May pupuntahan tayo." Lincoln looked normal today.
Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin sa kanyang mga bisig. Hindi na rin ako nagpumiglas pa dahil nilamon na ako ng antok sa pagod ko sa pag-iyak.
Sa panaginip ko, nasa isang simbahan ako na mayroong puting mga disenyo sa pinto at mga upuan. Mayroon ding isang malumanay na musika na ipinapatugtog sa tuwing naglalakad ang bride papunta sa altar.
Nalipat ang panaginip ko sa sarili ko na mayroong suot na puting wedding gown at mayroong belo na nakatakip sa aking buong ulo ko na lumalaylay hanggang sa aking dibdib. Wait, nasa kasal ba ako? Naglalakad ako sa isle na mayroong red carpet. Ang mga mahahabang upuan sa kabilaan ay ko ay napupuno na ng mga tao na nakangiting pinanonood ako. Bawat paghakbang ko, lumalakas ang kabog ng dibdib ko at feeling ko sasabog ito sa sobrang tuwa. Maluha-luha na rin ang mga mata ko na matatawag kong tears of joy dahil napupuno ng galak ang aking dibdib ngayon.
Nang makarating ako sa pinaka-dulo, isang lalaki ang naghihintay sa akin para hawakan ang aking mga kamay upang sabay kaming humarap sa altar. Hinalikan ng lalaki ang likod ng aking palad at saka ako nginitian. Napakurap ako nang maraming beses para makita ang itsura nito at muntik nang malaglag ang panga ko nang makita ko siya.
Ang guwapo... but familiar? Just kidding. It was Lincoln! Dahil panaginip lamang ito, parang totoong-totoo ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya ngunit sa loob-loob ko in reality ay nagwawala na ako sa takot at sa pagtutol. Bakit ko naman pakakasalan ang lalaking 'to? He would be the cause of my death!
Sabay kaming naglakad papunta sa altar. Hawak ng kanyang mainit na kamay ang kamay ko.
May pari sa harapan namin at marami itong sinasabi upang gawin kaming opisyal na mag-asawa hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagsabi nito ng, "You may now kiss the bride."
Hinila ako ng lalaking nasa harapan ko at hinalikan sa labi. Napapikit na lang ako at ramdam ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. Ilang segundo ring nakalapat ang mga labi namin sa isa't isa. Nang humiwalay siya, inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.
"You're mine."
Kaagad akong napamulat nang magising ako. Nakahiga na ako ngayon sa damuhan na hindi ko matukoy kung saang parte ng campus. Sa tabi ko ay si Lincoln na nakahiga patagilid, nakahalumbaba, habang pinapanood akong matulog.
"You're mine."
Napakurap ako.
"You're mine."
Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko.
"You're mine."
Napatili ako nang malakas dahil hindi talaga mawala sa aking tainga ang boses at mga salitang iyon. I'm his?
Kunot-noong napatingin sa akin si Lincoln dahil para akong baliw na sumisigaw habang nakatakip ang magkabilang mga tainga. Saka ko na lang naramdaman ang pag-hawak niya sa magkabilang braso ko.
"Astrid, what's wrong?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Iminulat kong muli ang mga mata ko at napatingin sa kanya.
Natigilan ako at nahimasmasan bigla nang mapagtantong panaginip lamang talaga ang lahat. Ibinaba ko ang mga kamay ko na nakatakip sa magkabilang tenga ko. Lalong kumunot ang noo niya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mga mata niya
"Tell me! Anong nangyari sa 'yo?" seryosong tanong pa niya. Napalunok ako ng laway ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya na napanaginip ko siya at ako na ikakasal because we were deeply in love with each other?
"Uhm..." I cleared my throat, "Nanaginip ako na ikinakasal ako," mahinahon kong tugon sa kanya na kunwari'y hindi iyon big deal.
Binitawan niya ako at tiningnan na parang nababaliw na ako. Hindi ko pinansin ang tingin niyang iyon.
"At sino naman ang groom?" seryosong tanong niya sa akin. "I won't be mad unless it was me." Napataas ang isang kilay ko nang dahil sa kanya. Napaka-yabang naman niya. Hindi ako kaagad nakasagot kaya muli siyang nagsalita. "Who?" he queried impatiently as if big deal para sa kanya ang kung sino man ang pakakasalan ko.
Huminga ako nang malalim. "It's none of your business."
Napailing na lamang siya at tiningnan ako nang maigi na tila ba sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko.
"You're lying," aniya na ikinabigla ko pero hindi ko ipinahalata. "I can sense your emotions, dear."
Tumahimik ako sandali at inalala muli yung panaginip ko at yung dahilan kung bakit pinilit kong gumising. Hindi lamang iyon dahil sa mga salitang binitawan niya na ikinatakot ko. After he said that, he did something that would really change my life and being if ever totoo man na mangyari iyon. I was so relieved nang magising ako at panaginip lang pala ang lahat.
"You're mine."
At unti-unti niyang ibinaon ang kanyang mga matutulis na pangil sa aking leeg. Kahit na panaginip lamang iyon, naramdaman ko ang matinding panghihina ng katawan ko na tila ba hinigop niya ang lahat ng lakas ko.
"You're mine, Astrid."