Kabanata 11

2107 Words
Nanatili lamang kaming tahimik ni Lincoln sa lugar kung saan niya ako idinala. It was some kind of a comfort place dahil pakiramdam ko'y sobrang gaan ng isip at katawan ko habang nakamasid ako sa maliit na pond sa harapan namin. Pinalilibutan din kami ng mga puno na naghahatid ng lamig sa lugar. Dahil doon, nagawang bumalik ng isipan ko sa nakaraan bago ako nakapasok dito sa Lupin. Hindi naman talaga ako dapat nandito kung hindi dahil sa scholarship na nakuha ko. Nakatira lamang talaga kami noon sa maliit na bayan sa sulok ng Lupin City. Nagtitinda kami sa palengke ng mga kaibigan ko upang makatulong kami sa aming mga pamilya na lugmok sa hirap. Noong mga panahon na iyon, nagsisimula pa lamang na namasukan ang aking ina sa mansyon ng pamilyang Conor. Hanggang sa tumagal-tagal ang panahon at hinayaan na nila kaming manirahan sa loob, pero patuloy pa rin naman ang pagtinda ko sa palengke. Nakaupo ako sa isang maliit na upuan at yakap ko ang magkabilang tuhod ko habang pinagmamasdan ang bestfriend ko na magbenta ng mga isdang paninda namin. "Isang daan lang talaga ang isang kilo, ate. Sagad na talaga iyon. Kunin mo na kasi," aniya sa babaeng bumibili. "Sige na nga. Pasalamat ka at gwapo ka," tugon naman ng huli na ikinatawa nila pareho. Napangiti na lamang ako dahil sobrang gaan ng loob ng mga mamimili sa kanya. Matapos niyang linisin ang mga tilapia ay isinupot na niya ang mga ito at ibinigay sa babae. Mas ahead lang si Jace ng isang taon sa akin ngunit sobrang husay na niya sa pagbebenta rito sa palengke. Nakukuha niya sa charm niya ang lahat. Napailing na lang ako. Nang makaalis na yung babae, nakangiting lumapit sa akin si Jace. Umupo siya sa tabi ko at siniko ako. "Ayos ba?" Konting benta, masaya na siya. Kuntento na ba siya sa ganitong buhay? Yung sakto lang o minsan ay nagkukulang pa? Kasi ako, hindi. Sawang sawa na ako sa ganitong buhay na meron ako. Kahit pagod na pagod ka nang magtrabaho, pag-uwi mo ay hindi pa rin sapat ang kinita upang makaangat sa laylayan ng lipunan. "Jace, kuntento ka na ba sa ganitong buhay?" Natigilan siya at napalingon sa akin. Napakurap siya nang dalawang beses na para bang hindi makapaniwala sa itinanong ko. "Just asking." I shrugged. "Magpahinga ka na muna riyan. Ako na ang magbebenta ng mga natira." Nagpunta ako sa mga paninda namin. Nasa isa itong malaking parang bowl. Sobrang likot ng mga isda kaya tumatalsik ang kakaunting tubig na nandoon. "Oo, kuntento na ako. Masaya naman ako sa buhay ko, basta kasama ko kayong mga kaibigan ko. Kayo na ang naging pamilya ko. Alam mo 'yan." Tumayo siya at lumapit sa akin. "Gusto mo ba ng cheese burger? Bibili ako." Hindi ako nakasagot. Basta kasama niya kami, masaya na siya. Pero ako? May kulang. May gusto pa akong makuha sa buhay ko. Pagkaalis niya, dumating naman si Kevin, kaibigan namin siya ni Jace. Nagbebenta siya ng mga karne sa may gitnang parte ng palengke. "Ano'ng ginagawa mo rito? Iniwan mo ang paninda mo? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" "Relax, Astrid." May binunot siyang papel mula sa bulsa niya at iniabot sakin. "Eto, oh!" "Ano na naman 'yan?" Ngumiti siya. "Buksan mo. Sigurado akong matutuwa ka sa nilalaman niyan." Inalis ko ang pagkaka-fold ng papel. Dahan-dahan na para bang gusto kong surpresahin ang sarili ko. Nang tuluyan kong makita ang nilalaman nito, napatingin ako kay Kevin. "Pupunta ako riyan mamayang hapon. Gusto mo, sabay tayo? Sasabihan ko rin si Mika mamaya. Ibalita mo na rin kay Jace," aniya pa. Ilang segundo akong natahimik. Gusto pa ba ito ni Jace? Kasi ako, gustong gusto ko ito. Tiningnan ko ulit ang papel. Nakasaad doon ang paaralan at ang mga requirements na kailangan naming kumpletuhin upang makapag-take kami ng exam para sa full scholarship sa Lupin. Nakalagay pa rito na kapag full scholarship ang ibibigay nila, libre ang lahat pati na ang allowance. Wala na akong gagastusin pa na kahit piso. Not to mention na isa iyong dormitory school kaya hindi ko na poproblemahin pa ang tutulugan ko. "Kevin! Anong ginagawa mo rito?" Nang marinig ko ang boses ni Jace na papalapit, kaagad kong na-crumple ang papel at ibinulsa ito. "Kita na lang tayo mamaya, Kev." Mukhang na-gets naman niya ang gusto kong mangyari kaya hindi na niya in-open pa ang tungkol sa scholarship. "Napadaan lang ako. Inutusan kasi ako ni Aling Mema." "Sige. Burger gusto mo?" "Hindi ko tatanggihan 'yan, dude." Kinuha niya ang isang burger at nagpaalam na. "Kita na lang tayo, guys." Lumapit naman sa akin si Jace at inabot niya sa akin ang isang burger habang kinuha naman niya ang kanya. "Nakita kong may hawak kang papel kanina. Ano yun? Bigay sa 'yo ni Kevin?" Umiling ako. "Wala yun, Jace." "Ano ba kasi yun? I-share mo naman. Nanliligaw ba sa 'yo yung gagong yun?" "Sira! Hindi kami talo." Natawa naman siya. "Ipakita mo na sa akin." Inilahad niya ang palad niya. "Sige na. Ano ba 'yan? Tungkol ba 'yan sa school?" Natigilan ako. "Alam mo?" "Yung pangarap mong makapasok ulit sa school? Nako naman, Astrid, ang tagal na nating magkakilala. Alam ko na lahat sa 'yo, eh. Ngayon ka pa ba magtatago sa akin?" Medyo na-guilty naman ako roon. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang crumpled paper. Iniabot ko sa kanya iyon. Ni hindi ko siya matingnan nang diretso. "Hindi ako pupunta." Pinaglaruan ko na lang ang mga isda na panindan namin habang siya ay nakatayo pa rin at binabasa ang mga nakasulat doon. "Bakit hindi?" Sa wakas ay nasambit niya. "Astrid, magandang opportunity ito para sa 'yo." Huminga ako nang malalim. "Hindi kita iiwan dito." Umupo siya at pumantay sa akin. "Sino bang nagsabing papaiwan ako? Susubok tayong apat dito. Sama-sama tayo." Naiangat ko ang ulo ko sa sinabi niya. "Sigurado ka ba? Akala ko bang kuntento ka na?" Ngumiti siya. "Pero ikaw hindi pa." "Kung ako lang ang iniintindi mo, huwag na. Okay lang ako rito." Hinawakan niya ang kamay ko. Napatitig na lang ako sa maamo niyang mukha. "Gusto kong maabot mo ang pangarap mo. Sabay-sabay nating abutin ang mga pangarap natin. Lalo na't last batch na itong exam na ito." I smiled. "Akala ko talaga hindi ka papayag." "Hindi ako ang magiging hadlang sa kaligayahan mo, Astrid. Lagi akong nakasuporta sa 'yo." Hindi na ako nakasagot. Niyakap ko na siya. Sobrang higpit. Thank you, Jace. Sobrang bait talaga niya. "Excuse me. Bibili ako." Humiwalay kami sa isa't isa at nilingon ang bumibili. Si Isha. Maldita 'yan sa lugar namin. Palibhasa ay may kaya ang magulang niya. 'Di tulad namin na kailangan pang kumayod upang makatulong sa pamilya. "Jace, dalawang kilong hito nga," nagpapa-cute na sabi niya. "Tsaka isang kiss galing sa 'yo." "Palabiro ka talaga," naiiling na sabi ni Jace. "Two hundred fifty na lang sa 'yo." "Talaga ba. Ang bait mo naman. Thank you, a?" sabi pa niya na mayroong maharot na tingin sa kaibigan ko. Matapos niyang magbayad at magpaalam kay Jace, tumingin naman siya sa akin at inirapan ako. Sus. Siniko ko si Jace. "Galing mo, a. Isang daan lang benta natin sa isang kilo, 'di ba?" Tumawa siya. "Para 'to sa gastos natin sa school." Nginitian ko na lang siya. Hindi ako makapaniwalang magkakaroon kami ng ganitong pagkakataon na makapasok sa school ng Lupin. Gusto ko lang makapasok at makapagtapos dahil mas malaki kasi ang chance na makakuha ako ng magandang trabaho kapag doon ako naka-graduate. I need to try harder. Dalawang buwan na ang nakalipas simula nung nag-exam kami. Ngayon na ang resulta at sobra-sobra ang kaba sa dibdib ko. Makukuha kaya kami? Sana. Please. Dumating ang isang lalaki na may pormal na kasuotan. Lahat ng mga nag-exam ay nandito. Kasama ko sina Kevin, Mika, at Jace dito sa harapan. "Magandang hapon! Ipinadala ako rito ng Lupin Academy. Gusto ko lang ibalita sa inyo ang resulta ng exam ninyo. Apat ang pinalad na makakuha ng scholarship. Yung dalawa ay sigurado nang makukuha samantalang yung tatlo ay kailangan pa naming makausap." Lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Ang unang tatlong pangalang babanggitin ko ay yung mga nanganganib pa sa pagkuha ng scholarship," pa-suspense na sabi pa nito. Para kaming nasa isang contest. "Monterey, Kevin P." Halos mapatalon naman sa tuwa si Kevin. "At least, may chance!" Napangiti na lang ako. Lakas din ng fighting spirit niya, a. Bilib din naman ako sa pagiging positive niya. "Imperial, Jace Ken M." "Congrats." I smiled kahit na kabang-kaba na ako. Makukuha kaya ako? O baka naman hindi ako kasama sa kanila? s**t. Kailangan ko 'to. "Medina, Mika C." "Oh, God! Thank you!" Tuwang-tuwa sila. Samantalang ako ay nawawalan na ng pag-asa. Kahit sana nanganganib pa, okay na. Basta may chance. "Ang dalawang babanggitin ko naman ay ang sigurado nang makakakuha ng scholarship. Para sa nakakuha ng seventy-two percentage sa exam, meron kang half scholarship, Valentin, Isha V." "Talaga ba?" gulat na naibulalas ni Mika. "May utak din pala ang impaktang iyan!" Hindi na ako nakapag-react pa. Gusto ko na lang takpan ang tenga ko. Ayoko nang marinig ang susunod pa. Ayokong marinig ang pagbagsak ko. Nakita ko pa ang pagtayo ni Isha na kumaway-kaway pa. Ayoko na. Kung sino pa ang hindi nangangailangan, sila pa ang napagbigyan. Kaya namang mag-aral ni Isha kahit na walang scholarship, a. Yun nga lang, maghihirap din sila tulad namin. Naramdaman ko ang paghawak ni Mika sa kamay ko. Gusto kong maiyak na lang pero no, kaya kong tumanggap ng pagkatalo. Darating din ang araw na para sa akin. "At sa nakakuha naman ng pinaka-mataas, ninety-seven percentage. Makakakuha ka ng full scholarship, plus allowance at free accommodation sa dorm. Lupin Academy needs you." Wtf, ninety-seven percentage! Ang galing naman ng taong iyon! "Wow. Henyo," bulong ni Mika. "Cage, Astrid S. Congratulations!" Narinig ko na lang ang malakas na sigaw at tili ng mga kaibigan ko habang niyuyugyog ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. What? Full scholarship? Libre lahat? "Ang galing mo, Astrid!" Niyakap ako ni Jace. "Ito na yung pangarap mo. Ito na yun." "Paano kayo? Hindi ko kayo pwedeng iwan." "Susunod kami, Astrid. Hindi kami maiiwan. Male-late lang siguro kami ng ilang buwan, pero pangako, makakarating kami." Niyakap ako ni Mika. "You deserve it. Masaya ako para sa 'yo." Umalis na ang mga tao rito. Kami na lang ang naiwan, pati na si Isha na papunta sa pwesto namin. "Hi, Jace! Half scholarship lang ang nakuha ko, pero ayos lang at least nabawasan. Aalis na ako rito sa masangsang na lugar na ito. Hindi na kita makikita. Sana hindi mo ako kalimutan, a? Alam kong makakasunod kayo roon." Ngumiti siya. Isang totoong ngiti tapos bigla siyang yumakap kay Jace at nag-iiyak. Natawa na lang ako. Patay na patay talaga siya sa bestfriend ko, samantalang ang trato niya sa akin ay hindi gano'n kaganda. Hustisya? Nang humiwalay siya, nagpunas siya ng luha niya at sa akin naman lumapit. "Natalo mo man ako sa scholarship na gusto ko, pero hindi rito kay Jace." "Bestfriend ko lang siya. Pero boto ako sa 'yo." Tumaas ang kilay niya. "Sigurado ka ba riyan?" "Oo naman. He's all yours!" "Good." Nang makaalis na siya, nagtitili na naman ulit si Mika habang paulit-ulit akong binabati ng dalawa ng congrats. Habang nagbubunyi sa sobrang saya, nilapitan kami nung lalaking nag-announce ng result kanina. "So, ikaw si Miss Cage?" Nakangiting tanong niya. "Congrats! Mamayang madaling araw na ang paglipat mo. You should pack your things now." "Mamaya na po?" tanong ni Mika. "Hindi pwedeng mag-extend?" segundo naman ni Kevin. Tahimik lang naman si Jace. "Maaari niyo muna ba kaming iwan sandali?" Pumayag kaagad yung tatlo at naiwan nga kaming dalawa dito. "Miss Cage, we really need you. Sana ay pumayag ka sa offer namin. Nakita ko kaninang hindi ka excited. May iba ka pa bang inaalala?" "Hindi ko sila pwedeng iwan." I muttered. "Hindi ko kaya." "I promise to give them the scholarship that they need, pero hindi pa ngayon. Kailangan mo lang pumayag sa offer namin, then iwan mo na lang ang problema mo sa 'kin. Ako ang bahala sa solusyon." Hindi ako sumagot. Yes or no, Astrid? "Magiging maganda ang future mo sa paaalan na iyon." "Gaano ba kaimportanteng makapasok ako sa school niyo?" "Sobra. Kailangan ka namin at kailangan mo kami. Give and take lang. Ano, payag ka ba? I'm doing you a favor, Miss Cage. Puntahan mo na lang ako rito mamayang two am kung payag ka. Kung hindi, wala na akong magagawa." Napabuntong-hininga ako. I wonder kung ano'ng ginagawa ngayon ng tatlong iyon. And where's Isha? I haven't seen her ever since that day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD