Nandito ako ngayon sa silid-aklatan. Mahilig akong magbasa ng mga librong walang kinalaman sa pag-aaral kaya ako nandito. Mas inclined kasi ako sa mga bagay na malayo sa reyalidad, o minsan nama'y kapag sinumpong ay nagbabasa ako ng History books.
Umupo ako sa isang table habang bitbit ang isang makapal na libro. Magsisimula pa lamang sana akong magbasa nang bigla akong lapitan ng masungit na librarian.
"Miss Cage, wala ka bang klase?" tanong sa akin ng masungit naming librarian. Tiningnan ko lang siya at ibinalik ang tingin sa libro. Ilang araw ko kaya babasahin 'to? Ito ay tungkol sa werewolves, which I personally know na malapit na talaga iyon sa reyalidad. Bigla lamang akong nagkaroon ng interes sa kanila kahit na matagal naman nang alam ng mga tao that they are real. Wala pa akong masyadong alam sa kanila kaya mas mabuti na ang mayroong ideya sa mga galaw nila, lalo na at nanganganib na ang mga buhay namin nang dahil sa kanilang uhaw sa dugo.
"Miss Cage! Ipapadala kita sa detention!" bulyaw niya sa akin dahil hindi ko siya pinapansin. Tiningnan ko siya nang masama katulad ng pagtingin niya sa mga estudyante rito sa tuwing makakarinig siya ng kakaunting ingay.
"Shh. Bawal ang maingay sa library," inis na sabi ko na ginaya lang talaga ang linya niya upang asarin siya at saka na ako nagsimula nang magbasa.
Isinuot ko ang headphones ko at nagpatugtog kunware. Pasimple akong sumilip sa harapan at wala na nga ang librarian. Gusto kong tumawa nang malakas sa tagumpay na nakamit ko.
Sa wakas, makakapagbasa na ako nang payapa.
Ilang minuto pa lang akong nagbabasa nang maramdaman kong may umupo sa upuan sa harapan ko. Nagkunwari na lang akong hindi siya napapansin dahil gusto ko na lang talaga na magbasa. Masyadong marami ang tumatakbo sa isip ko noong mga nakaraang araw kaya gusto ko munang matahimik kahit ngayon lang. Thankfully, hindi ko nararamdaman ang presensya ni Lincoln o ni Kirk.
"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," rinig kong bulong niya na hindi ko pa rin pinansin. Nakatutok lamang ako sa aking binabasa at tila ingay lamang ng surot ang naririnig ko. Isa pa, hindi masyadong pamilyar sa akin ang boses. "Ano, gusto ko lang sabihin na..n-na.." Hindi pa rin ako nag-angat ng ulo. Napangiwi ako dahil pati ako ay nahirapan sa pagkautal-utal niya dahil sa kaba. Ngunit patuloy pa rin akong nagkunwari na wala akong naririnig. "I like you, Astrid. I hope you like me too."
Natigilan ako sa pagbabasa at unti-unting pinroseso ng aking utak ang sinabi niya. Hindi rin ako makagalaw dahil parang ako pa yung nahiya sa narinig ko! Did he just confess to me?
Nagmamadali na siyang tumayo at tinalikuran na ako. Ibinaba ko ang headphones ko at inangat ang ulo ko nang makakuha ako ng lakas ng loob na harapin sana ang lalaking 'yon, ngunit tanging likod na lamang niya ang nasilayan ko na palabas na ng silid-aklatan.
Namilog ang mga mata ko sa nakita ko. Kitang-kita ko ang malalaking letrang nakaukit sa likod ng puting jersey shirt ng lalaki. MERRICK na mayroong numero trese. Hindi ako makapaniwala. Merrick—lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Ang nag-iisang lalaki na nakabihag sa aking dibdib na walang iba kung hindi si Tristan Merrick, ang senior namin na matalino at tahimik. Although hindi siya kabilang sa mga bigating pamilya na tulad ng Conor, Mordeur, at iba pa, e nakilala siya dahil sa angkin niyang talino. I admire him for that. And yes, I have a crush on him although I haven't seen him these past few days.
"Kung ayaw mo sa Conor brothers, at least be grateful na mayroon tayong Tristan Merrick," ani Ingrid habang naglalakad kami papunta sa klase. Hell week kasi na matatawag ngayon dahil magsisimula na ang exams namin sa iba't ibang mga subject.
Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Grateful naman talaga ako lagi dahil doon. Siya na lang ang natitirang motibasyon ko sa pananatili ko rito sa paaralan na 'to.
'Well... Kung alam mo lang, Ingrid. Nag-confess sa 'kin 'yang si Tristan,' mayabang na sabi ko sa isip ko.
He likes me? Hindi pa rin ako makapaniwala at pakiramdam ko sobrang init ng mukha ko. Pero may kakaibang pakiramdam pa rin sa akin na tila ba nagi-guilty ako na nararamdaman ko 'to, e wala naman akong tinatapakang tao, ha?
"Hoy, Astrid! Nakikinig ka ba?"
"Yes. Tristan is a really nice guy," mahinang komento ko dahil nahihiya pa akong magkwento kay Ingrid na nagugustuhan ko nga si Tristan. Although hindi naman 'yon umaabot pa sa love.
Umismid lang naman siya. Kaya lang, pagharap ko, nakita ko ang isang grupo ng mayayabang na kalalakihan sa harapan namin at tawa nang tawa habang masama naman ang tingin sa akin ng mayabang na Jigger na ngayon ko lang naalala! Siya ang nakababatang kapatid ni Tristan na sobrang kabaliktaran niya sa pag-uugali. Mayabang at arogante ito.
"Tabi nga!" Binangga ko siya at dire-diretso sa paglalakad. Naiirita lang din ako sa mga mayayabang na tao rito. I've had enough with these people. Nabigla ako nang hilain niya ang braso ko. "Ano ba!"
"Hiramin muna namin ang bestfriend mo, miss beautiful," sabi ng kasama niya kay Ingrid na napatango na lamang dahil wala rin naman siyang laban sa mga mayayabang na 'yon. Kita ko naman ang pagpa-panic sa kanyang mukha na tila ba hindi niya alam kung paano niya ako sasaklolohan.
"Bitawan mo 'ko! Panget mo!" Sinubukan kong magpumiglas pero apat na tao pa ang humawak sa akin. "Hoy! Mga gago kayo!" sigaw ko. Simula nang pansinin ako ni Lincoln, ang daming tao na ang naging interesado sa akin... na pag-trip-an ako.
Nagpumiglas pa ako. May isang binti akong nasipa at isang mukhang nasuntok.
"Aray! Masakit yun, ah!" sigaw ni Jigger na hawak ang pisngi niya. Habang si Jacob naman, na isa pang kasama niya ay napasalampak sa sahig.
"Kayong tatlo, ayaw niyo akong bitawan?" I suddenly felt the courage to fight back. Sinamaan ko ng tingin ang tatlo pang lalaking may hawak sa akin. "Gusto niyong mamatay, ha?" But I wasn't referring to what I can do to them. Siguradong hindi palalampasin ni Lincoln ang pangyayaring 'to once I called his name, but as always, I held back.
Mabilis na bumitaw sila sa 'kin at tumabi na muna. Habang si Jigger naman ay lumapit sa akin.
"Sumama ka na lang."
"Ayoko nga!"
Akmang tatalikuran ko na siya nang naramdaman kong binuhat niya ako na parang isa lamang akong sako ng bigas sa kanyang balikat.
"Hoy! Ibaba mo 'ko!" inis na nagpadyak-padyak ako. "Jigger! Ano ba!"
"Tatahimik ka o hahalikan kita?"
Tumigil siya sa paglalakad. Unti-unting nag-proseso sa akin ang sinabi niya. Unti-unti rin namang uminit ang mga pisngi ko. Panay naman ang bulungan ng mga estudyante sa paligid.
Putspa. What to do? Gusto ko siyang sapakin dahil hindi nakakakilig ang sinabi niya. Kailan ba maiintindihan ng mga taong 'to that they do not have any rights to touch other people without their consent?
"Merrick! Ibaba mo ako sabi, eh!" Pero wala siyang reaksyon. Nakatingin lang siya sa akin nang diretso. "Ano ba kasing problema mo?"
"Ikaw."
Mabilis ang mga pangyayari. Nang aakmang hahalikan niya ako without my f*****g permission, e lumitaw si Lincoln upang bugbugin siya. Inilayo niya muna ako sa kanila bago niya marahas na ginulpi si Jigger. Nang akmang pipigilan ko siya dahil baka mapilayan o mapatay niya ang gagong 'yon, e dumating naman ang kanyang mga kapatid na to the rescue.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko noong mga oras na 'yon!
"Astrid, ano itong nababalitaan kong may boyfriend ka na raw?" usisa sa akin ni Ingrid. She must have left earlier upang humingi ng tulong kaya hindi niya na-witness ang mga pangyayari. Sumasakit talaga ang ulo ko. Bakit ba sa 'kin pa nangyari 'to?
"Shut up, Ingrid," bulyaw ko sa kanya at humiga na sa aking kama. Napatitig na lamang ako sa puting kisame ngunit may inabot siya sa akin na isang tabloid. Nakalagay roon ang mukha ko, ni Jigger, at ni Lincoln. Napamura na lamang ako.
Sinasabi sa kapirasong papel na iyon na tinu-two time ko raw ang dalawa kaya sila naggulpihan. Saan naman nila napulot ang kwentong iyon? Gawa-gawa na nga lang, kinulang pa sa creativity.
Padabog na ibinato ko sa maliit na table ang ni-crumple kong papel matapos kong makita ang larawan na buhat ako ni Merrick.
"Wala akong kinalaman diyan," nakasimangot kong sabi.
"Nako, baka maapektuhan ang scholarship mo dahil diyan!" komento niya dahilan upang mapamura ako lalo. Tama si Ingrid, baka nga maapektuhan ang scholarship ko at mapalayas ako sa paaralan na ito nang hindi nakakapagtapos. Nai-imagine ko na ang hitsura ng pamilya ko na disappointed sa akin.
Pumikit na lamang ako at naalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko makalimutan ang mukha ni Lincoln habang pinagsusuntok at pinagtatadyakan si Jigger. It was as if handa siyang pumatay to avenge me.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Pagod na nga katawan ko, pati ba naman isip ko dinadagdagan nila.
"So was it Lincoln o Jigger?" bungad sa akin ni Ingrid na nakaupo sa kanyang kama nang makalabas ako mula sa banyo.
"Umagang umaga, yung mga pangit na yun ang lumalabas sa bibig mo!" bulyaw ko sa kanya at saka na ako nag-ayos ng sarili. Ayoko na lang magpaapekto sa mga tsismis.
Inirapan ko siya at nagmadaling lumabas ng dorm upang makapasok na sa klase ko nang mas maaga. Nakasunod pa rin sa akin si Ingrid na tahimik na lamang kaya naman dinig na dinig ko ang mga bulungan ng mga estudyanteng madadaanan namin. Sobrang lakas pa man din at talagang ipinaparinig sa akin. Pigilan niyo ko, sasabunutan ko ang mga 'to.
Umupo ako sa upuan ko at pabagsak na sumandal. Umagang umaga iritable na kaagad ako nang dahil sa mga tao.
"Grabe! Ang landi talaga!" parinig sa akin ng isang babae.
Talagang hindi pa natigil sa pagpaparinig ang Jelly na yun. Baka gusto niyang gawin ko siyang jelly ace? Letse!
"Ih! Naiinis ako!" sigaw pa niya at hindi pa siya nakuntento, sinabayan niya pa iyon ng pagbato sa 'kin ng isang notebook. Lumingon ako sa kanya na walang mababakasan na kahit na anong ekspresyon sa mukha. "Ay? Sorry. Hindi ko sinasadya!" sabi niya at ngumisi.
For the first time in my life, hindi ako nagtimpi. Tila mayroong sumaping ibang tao sa katawan ko. Tumayo ako at nagsimulang maglakad papalapit sa kanya.
Naka-chin up naman siya at nagtatapang tapangan pa. Ako naman, nginitian ko lang siya kasabay ng pagsuntok ko sa mukha niya.
Unti unti siyang natumba at nawalan ng malay. Nagpagpag ako ng kamay ko at bumalik sa upuan ko.
"That was great, baby."
Nilingon ko yung katabi ko at halos mapalundag ako sa kinauupuan ko nang makita ang nagsalita. Bakit nandito ang lalaking 'to?
"'Wag mo 'kong ma-baby dyan! Di mo 'ko anak!" pabulong na bulyaw ko kay Kirk Mordeur.
Dumating na yung aming guro. Bwiset, bakit ba kasi nandito ang lalaking 'to?
"Anong nangyari kay Jelly? Dalhin niyo na sa clinic!" sigaw ng guro at nagkagulo na sa loob ng klasrum.
Um-ub ob na lang ako sa desk ko at inaantok talaga ako. Pero parang mas gusto ko sa library, tahimik na, sobrang lamig pa!
"Masakit ba ulo mo?" tanong ng katabi ko. Ang ingay. Sarap sapakin, eh.
"Nah. Just shut up."
Ilang sandali pa. "Miss Cage, go to the detention!"
"Wait, ma'am!" Inangat ko ang ulo ko at tiningnan nang masama si Kirk. Napaka-papansin! Ano na naman kayang balak niya?
"Yes, Mr. Mordeur?"
Well... hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa papalit-palit na attitude nitong si Kirk. Ngayon ay maganda na naman ang mood niya at para siyang bata. Kaunti na lang at iisipin kong may multiple personality siya.
"Sama ako," parang bata na sinabi niya na ikinainis ko lalo.
With him tagging along with me like this habang may ibang isyu pa sa akin, talagang gusto na siguro niya akong mailibing na ng buhay. Ano ba'ng pinaplano niya?
Sa sitwasyon ko ngayon, mukhang hindi ako sa mga lobo mamamatay kundi sa mga matatalim na tingin ng mga estudyante sa akin because according to them, pinagsabay ko sina Lincoln at Jigger. And now, Mordeur.