Kabanata 13

1137 Words
Iminulat ko ang mga mata ko at naitulak ko si Kirk nang makita kong tulog siya sa may balikat ko. Anong ginagawa niya rito? Nandito ako ngayon sa silid-aklatan upang ituloy ang binabasa kong libro, ngunit mukhang nakaidlip ako habang nakaupo. Napabalikwas ako nang makita siya. "Hey. Manners mo naman!" mahina pero pabulyaw niyang sinabi sa akin. "At ako pa ang walang manners?" pabulong ko ring sinabi. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar at saka ko hinanap ang orasan. Saka ko napagtanto na dalawa't kalahating oras na pala ako rito. Bakit ba hindi ako ginising ng masungit na librarian upang palabasin? Namilog naman ang mga mata ko at napaiwas nang biglang hawiin ni Kirk ang buhok ko na nakatakip sa aking mukha. Napaiwas kaagad ako sa kanya, dahil sa pinaghalong pagkailang at takot. "Ano bang problema mo?" mahinang singhal ko sa kanya. Hindi talaga nila alam ang salitang personal space, ano? Natigilan ako nang ma-realize na hindi lang pala basta-basta ang taong nasa harapan ko. Isa siyang mordeur, a dangerous man. Hindi ko dapat makalimutan iyon gaano man siya kabuti sa akin ngayon at gaano man ka-harmless ang hitsura niya. Kailangan ko pa ring mag-ingat. Napalilibutan na talaga ako ng mga delikadong nilalang. Werewolves, and now a really dangerous man. "Gano'n na ba ako kagwapo para titigan mo nang ganyan?" Napabalik ako sa reyalidad sa sinabi niya. Siya, gwapo? Lokohin niya lelang niya! Pero, okay fine, gwapo nga siya. It's just that... I hate his guts. And the rumors about him. Alam ko hindi dapat ako maniwala without solid evidences, ano? Even the court couldn't get him and his family to jail because of the lack of evidence. But what can I do? Mas mabuti na ang mag-ingat. Umismid ako sa kanya, ngunit imbes na makipagtalo pa sa kanya ay tumayo na lamang ako at niligpit ang mga librong nasa lamesa. Ibinalik ko ang mga iyon kung saan ko kinuha at saka na ako naglakad palabas ng silid. Good thing na hindi na niya ako sinundan pa. Sana naman ay makaramdam siya, although ayoko naman siyang ma-offend dahil sa takot ko at baka ma-trigger lang siya lalo. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas, sinalubong pa ako ng masungit na librarian. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Hindi yun yung usual niyang masungit na awra. May kakaiba na tila ba may warning sa mga tingin niya. "Layuan mo ang taong iyon. He's dangerous." Kaya ba hindi niya ako magawang pagalitan kaninang natutulog ako? Dahil nandoon si Mordeur? Marami na ang nagsasabi niyan noon pa. At matagal ko na ring naririnig at nababasa ang tungkol sa pamilya niya. Ngunit hindi ko inaasahang manggagaling pati iyon sa bibig ng librarian. Marahan akong tumango at hindi na nag-usisa pa. "I'll keep that in mind." Hindi ko man sabihin, ngunit alam kong nakita niya sa mga mata ko ang iniisip ko. Antok na antok akong pumasok sa klase ko. These past few days, pakiramdam ko'y sobrang napapagod ako. "Astrid!" Lalong sumakit ang ulo ko sa lakas ng boses ni Ingrid. "Hindi mo kailangan sumigaw, Ingrid," iritableng sabi ko. Nasa state of shock pa rin ako dahil kanina at hindi pa ako nakakakalma. "Okay, chill!" Inirapan ko lang siya. "Saan ka galing?" Naalala ko yung nangyari kanina sa library. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko, basta alam ko na hindi ako natutuwa sa naging sitwasyon ko ngayon. Gusto ko na lang bumalik sa katahimikan. Napalunok ako ng laway sa pangamba sa mga mangyayari sa hinaharap. "Don't get me started..." pabulong na tugon ko sa kanya. Saka ko naalala ang pagiging weird din ni Ingrid these past few days. Maybe it's time para usisahin na siya? "How about you... madalas kang wala lately." Nakita kong natigilan siya at naglikot ang mga mata sa paligid, halatang may tinatago sa akin. I rolled my eyes. "It's just me. Wala kang dapat itago sa 'kin." Napatingin siya sa akin, halatang nagi-guilty ngunit parang nakahinga siya nang maluwag. "You're right. Gusto mo bang magpunta sa cafeteria?" Hindi pa ako nakakatango sa kanya ay hinila na niya ako at muntik na ngang mahiwalay ang braso ko sa katawan ko. Bakit ba siya nagmamadali? Pinaupo niya ako sa isang table at kumuha naman siya ng makakain namin. Pinagmasdan ko lamang si Ingrid habang nasa buffet table siya at kumukuha ng pagkain para sa aming dalawa. I could see that she was really nervous. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na pilitin ko siyang sabihin sa akin ang sinisikreto niya? Or maybe matagal na niyang gusto iyong sabihin sa akin, seeing that hindi siya nagpapilit at aamin siya sa akin the moment na nagtanong ako? What if aminin niya na isa siyang lobo? It will be alright since she never harmed me naman kahit pa noong nasugatan ako. I don't think that's the case! At kung iyon man, sigurado akong mananatili pa rin ang pagkakaibigan namin nitong si Ingrid. Pagbalik ni Ingrid sa table ay pareho kaming kinakabahan. Ako, sa kung ano man ang sasabihin niya sa akin, at siya naman ay kung paano niya sasabihin sa akin. Syempre, at kung ano ang magiging reaksyon ko. Umupo siya sa tapat ko at saka napalunok ng laway nang ilang beses bago siya kunwari kumuha ng pizza at kumagat. Pansin ko na hindi talaga siya mapakali. Ako nama'y hindi na nagawa pang kumuha ng pagkain. Kinakabahan man, kailangan ko pa ring tatagan at tapangan ang loob ko sa mga maririnig. It'll be fine... I know. "You can tell me," nanginginig ang boses na sinabi ko sa kanya. Natatakot ako, pero mas malaki pa rin ang pagmamahal ko sa kaibigan ko kaysa sa takot kong 'yon. Ano man iyon, I'll accept it. Walang ginawang masama sa akin si Ingrid para magalit ako sa kanya. "I've been wondering, but I kept quiet. Kasi gusto ko ikaw ang mangunang magsabi sa akin... but now that I've already asked, you can tell me now." Halos huminto sa pagtibok ang puso ko nang makita ang mabilis na pagpatak ng luha ni Ingrid habang nakatingin sa pagkain namin. Halos hindi niya nagalaw ang mga iyon. Mahirap ba talagang sabihin ang katotohanan niya? "Astrid... I..." Huminto muna siyang magsalita at huminga nang malalim na tila ba bitbit pa rin ang isang mabigat na pasanin sa kanyang balikat. Ako nama'y inihanda ko na ang sarili ko sa kung ano ang sasabihin niya sa akin. I promised to myself... na kahit ano man iyon, tatanggapin ko. Tumango-tango ako sa kanya to assure her that she can tell me everything. "It's okay, Ingrid." Inangat niya ang tingin niya sa akin. Nagtama ang aming paningin. Kasabay ng ikalawang pagtulo ng kanyang mga luha ay ang pagsambit niya ng mga salitang ikinabigla ko tungkol sa kanyang pagkatao. "I came from a family of Seers. Actually, it is the family of Seers."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD