Kabanata 14

1232 Words
"I came from a family of Seers. Actually, it is the family of Seers." Literal na napaawang ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi dahil masamang bagay iyon, kundi dahil hindi ko inaasahan iyon. If she is from the family of Seers, then malaki ang chance na maging siyang isang Seer. Sa siyudad namin, mayroon lamang kaming isang kinikilalang Seer. However, kapag namatay iyon, pupwedeng magkaroon ng panibagong Seer na manggagaling lamang sa pamilya na tinatawag nilang family of Seers. Ang kakayahan ng kasalukuyang Seer ay maaari lamang mamana ng isang tao kada henerasyon. "That's what you were hiding from me?" naibulalas ko sa kanya. Umiiyak pa siya, so mababaliw na talaga ako kanina sa pag-aakala kong may malalim siyang pinagdadaanan. "It's a good thing, Ingrid. Why were you crying?" Pinunasan ni Ingrid ang mga natuyong luha sa pisngi, saka siya tumango nang maraming beses. "I didn't want to become Seer, so I hid this fact from everyone. However, noong namatay ang Seer, who was actually my great great grandmother, ipinatawag ako sa opisina ng Principal." That's right. I forgot about this fact, na pupwedeng mayroong pumalit bilang Seer. "And what did she say?" usisa ko. Hindi ko alam kung magtatampo ako kay Ingrid dahil itinago niya sa akin ang tungkol doon o maiinis ako sa kanya dahil pinag-isipan ko siya ng masama at hindi ko man lang napansin na mayroon pala siyang mabigat na pasanin. "Kinausap niya ako upang tulungan akong maging Seer, upang muli nating maiahon ang ating siyudad mula sa mga lobo," napayuko si Ingrid at muli na namang naiyak. I felt bad. Sabi ko pa man din sa kanya na it's a good thing. Hindi ko man lang inisip na masyadong mabigat ang responsibilidad na iyon para sa edad niya, not to mention na hindi rin iyon ang career na gusto niyang tahakin. Napilitan lamang siya dahil kailangan. "Kaya ako parating umaalis, I was secretly training to become Seer, although hindi pa naman sigurado na ako nga sa henerasyon namin ang magkakaroon ng abilidad na ipinapamana sa amin." Tumango-tango ako bilang pagsabi na naiintindihan ko siya. Nalungkot din tuloy ako para sa kanya, although nagkaroon ng kaunting pag-asa para sa aming siyudad nang malaman kong mayroon pang iba na pupwedeng maging Seer. Marahil shocked pa rin ako sa mga narinig, hindi ko na rin alam kung paano ako magsasalita. Sa tuwing ibubuka ko ang aking mga labi, walang boses na lumalabas. "I'm sorry, Astrid. Hindi ako naging honest sa 'yo," pahikbi-hikbi pa niyang sinabi. Umiling ako sa kanya. "It's okay. Please don't feel bad about it." Pakiwari ko'y maiiyak na rin ako nang dahil sa kanya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin, to tell her that everything will be alright... ngunit biglang dumating si Lincoln na ikinabigla namin ni Ingrid pareho. Saka ko pa lamang naramdaman ang nakaka-overwhelm na presensya niya. Iyon ay marahil sa mabigat na emosyon na kanina'y naramdaman ko. Saka ko lamang napagtanto ang sitwasyon... if ever si Ingrid nga ang maging Seer sa kanilang henerasyon, then malalaman niya na isang lobo si Lincoln. Ikapapahamak niya ba iyon sa labas, now that the situation has rapidly changed? And why am I being worried about this werewolf? "Pupwede ba akong maupo rito?" Sinamaan ko ng tingin si Lincoln, although may takot pa rin iyon, e medyo nagiging kampante na ako around him. I just wasn't sure if he feels the same way. Si Ingrid naman na kanina'y umiiyak e todo ngiti na ngayon at very welcoming talaga, basta Conor. "I'll take that as a yes," sabing muli ni Lincoln at umupo na siya sa tabi ko. "What are you doing here?" pabulong kong tanong sa kanya nang hindi siya nililingon. "I missed you." Hindi ko alam kung paano mag-re-react sa sinabi niyang iyon. Hindi ko rin alam kung seryoso ba siya roon. Naramdaman ko na lang ang pag-init at pamumula ng mukha ko na para akong lalagnatin. He doesn't say such words before, pero bakit naman lalabas 'yan sa bibig niya? Nang lumingon ako sa kanya, he looked lethargic. Parang pagod na pagod ang kanyang hazelnut-colored pupils. Saka ko lamang naalala na isang buong araw ko nga siyang hindi nakita ngayon. Hindi na lamang ako kumibo at muling ibinalik ang atensyon ko kay Ingrid na ngayon ay bumalik na sa usual self niya. I think sa dorm na lang kami mag-uusap at may biglang umepal sa usapan namin. Pag-uwi ko na lamang siya iko-comfort. "Kailan pa kayo naging close?" I saw Ingrid mouthed at tinuturo-turo pa si Lincoln. Alam ko naman na napapansin iyon ng huli ngunit nanatili siyang tahimik. Umiling-iling lang ako sa kanya at inismiran siya. Siguradong manggugulo 'yan mamaya kakausisa. Maya-maya pa ay naramdaman ko na isinubo ni Lincoln ang pizza sa akin kaya napilitan akong kumagat doon at kumain. Si Ingrid nama'y hindi maka-focus sa kanyang pagkain dahil pinapanood niya ang bawat galaw ni Lincoln. "Nasa atin na ang atensyon ng lahat," bulong ni Ingrid. Napatingin ako sa ibang tables at tama nga siya, nakatingin ang lahat sa amin habang sinusubuan ako ng pizza ni Lincoln. Lalong namula ang mukha ko nang dahil doon. Kinuha ko mula kay Lincoln ang pizza at inis na kinain iyon mag-isa. Kinuha naman niya ang plato ng carbonara at kinain iyon. Hindi na lang ako umimik kahit gusto ko siyang sapakin dahil sa pagkuha niya sa pagkain ko. I mean, pupwede naman siyang kumuha ng sarili niyang pagkain? Titingin pa muna sana ako kay Lincoln nang biglang tinapik ni Ingrid ang kamay kong nakapatong sa mesa. "Make kwento mamaya, ha!" bulong niya sa 'kin habang humahagikgik sa kilig. Wala namang pakialam si Lincoln sa tabi ko. Nang magsasalita pa sana ako ay biglang may carbonara naman siyang isinubo sa bibig ko. At dahil ang dugyot naman kung iluluwa ko pa, nginuya ko na lamang at nilunok. Naiinis na talaga ako sa lalaking 'to... but kalma! "May kailangan ka ba?" bulong kong muli kay Lincoln dahil kanina pa siya tahimik. Madalas naman talaga siyang tahimik, pero hindi ganito ang awra niya usually. Para siyang may problema. Umiling siya. "Just needed to recharge myself." At nagulat ako nang bigla niyang ipatong ang palad niya sa isang kamay ko na nakapatong sa table. Hindi ko na tuloy nagawang kainin pa ang hawak kong pizza sa kabilang kamay ko nang dahil sa pagkabigla. "Much better." Napakurap ako nang maraming beses. Did he just say na kailangan niyang mag-recharge through me? Hindi ba iyon another phrase para sabihing ako ang pahinga niya? "That's not even funny..." pabulong na bulyaw ko sa kanya at akmang aalisin ko ang kamay ko sa palad niya nang pigilan niya iyon. At nabigla na lamang ako nang bigla siyang yumakap sa akin nang mahigpit habang hawak pa rin ang kamay kong iyon. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg dahilan upang maramdaman ko ang kanyang mainit na hininga. Para akong na-paralisa nang dahil sa ginawa niya. Literal na hindi ako makagalaw at parang hindi na rin ako makahinga sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. "Will you accept me as your mate?" At halos mag-tumbling ako palayo kay Lincoln nang sabihin niya iyon. Sinasabi ko na nga ba at pinaglalaruan lang ng lalaking 'to ang nararamdaman ko, eh! Just when I thought that he was being sincere, saka siya biglang magtatanong no'n! Ha, I knew I should never believe a werewolf's words!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD