Kabanata 15

2093 Words
Itinulak ko talaga palayo si Lincoln at saka ako tumayo mula sa upuan namin. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante rito sa cafeteria ngunit nangibabaw talaga ang pagka-inis ko kaya nagawa ko iyon. Inismiran ko si Lincoln for the last time bago ko inaya si Ingrid na umalis na kami sa lugar na iyon. Pumasok na kami sa huling klase namin ngayong araw at pareho kaming hindi mapakali ni Ingrid. Ako, dahil gusto ko pang pag-usapan ang tungkol sa pagsasanay niya upang maging isang ganap na Seer at para ma-comfort ko rin siya nang maayos this time, habang siya nama'y atat siyang usisain ako about the real score daw between me and Lincoln. Kung alam niya lang talaga! Kung pwede ko lang talagang sabihin. Saka ko napagtanto na wala pala akong karapatang magtampo kay Ingrid sa pagtago niya sa 'kin ng kanyang pagkatao dahil may tinatago rin pala ako sa kanyang ibang pagkatao, ang katauhan ni Lincoln. Kaya matapos ang klase namin ay nagmadali na kaming lumabas ng klasrum. However, naka-isang hakbang pa lamang kami sa labas ay naramdaman ko na ang presensya ni Lincoln. Nakasandal siya sa pader ng klasrum at mukhang mayroong hinihintay. "Ihahatid na kita," ani Lincoln nang hindi tumitingin sa amin kaya hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya. Pero syempre, wala naman siyang ibang bi-bwisit-in dito kung hindi ako lang. Akmang sasagot na ako upang tarayan siya nang kaunti, nang biglang mayroong babae mula sa likod namin ang lumapit sa kanya. Natigilan ako at parang may weird na pakiramdam sa dibdib ko. Ang babae ay kapareho lamang namin ng uniporme. Puting blusa at asul na palda. Maputi ang kanyang balat at mukhang natural iyon. Umaalon ang kulot niyang itim na buhok habang papalapit kay Lincoln. "I told you not to come here," narinig kong sinabi ng babae. Ano'ng ibig sabihin nito? Bumalik lamang ako sa sarili nang tapikin ni Ingrid ang balikat ko at saka niya ako hinila palayo. Ako nama'y parang binuhusan ng malamig na tubig na hindi ko maintindihan. "Are you okay?" tanong ni Ingrid sa akin. Nag-aalala ang kanyang itim na mga mata. Napalingon ako sa kanya at marahan na tumango. "Why not?" Hindi siya sumagot at nanatiling malungkot ang kanyang mga tingin kaya nginitian ko siya. "Mag-banyo lang ako," paalam ko sa kanya at wala sa sariling nagtungo sa dadanan naming comfort room. Hindi naman sa nasaktan ako o nagselos. Like I've said before, I never and will never have any romantic feelings towards Lincoln. Hindi ko lang alam kung bakit may weird feelings akong nararamdaman sa bawat actions niya. Hindi ba 'yon dahil mate ko siya, which he always says? Isa pa, nagtataka lang ako kung sino yung babae na 'yon para sunduin niya at pagsalitaan siya noon. Wala pa akong natatandaang tao rito na malapit kay Lincoln. Pumasok ako sa comfort room at dumiretso sa salamin kung saan mayroong mga gripo. Binuksan ko ang isang gripo at naghugas ng kamay, saka ako naghilamos ng mukha ko nang maraming beses ngunit nanatiling mainit ang pakiramdam ko. Nang iangat kong muli ang ulo ko upang tingnan ang hitsura ko sa salamin, halos atakihin ako sa puso nang makita mula sa salamin ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa likod ko. If I remember it right, he is one of Lincoln's twin brothers. "So, you're Astrid?" tanong nito sa malamig na boses. Pakiramdam ko ay mayroong dumaang malakas na hangin sa katawan ko at nanlamig ako. Natigilan ako sa biglang pagsasalita niya ngunit ipinakita kong hindi ako takot sa kanya. Why would I, though? When he saved my life the last time we met. "Yes," kalmado kong sagot. Nakaharap pa rin ako sa salamin at hindi ako makagalaw. My eyes were pierced into Lincoln's brother's brown eyes. They all share this kind of intimidating presence, I guess. "And you're my brother's girlfriend?" muli niyang tanong. Sa pagkakataong iyon, napalingon na ako sa kanya. I don't know, but the statement just rung into my ears. "Now that's a lie," komento ko at saka na ako naglakad patungo sa pinto upang lumabas. Ngunit nahinto ako muli nang magsalita pa siya. Tumawa siya nang mahina, but it still sounded cold to me. "Now I like you." Para akong kinilabutan nang sabihin niya iyon. Pakiramdam ko ay iba ang ibig sabihin niya sa salitang like, o baka nama'y kabaliktaran pala. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa mga isip ng mga Conor, at lalo na sa mga lobo. Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad palabas ng banyo. Natuyo na lamang ang tubig sa mukha ko at hindi na ako nag-abalang magpunas doon. Pakiramdam ko ay nanlambot na nang tuluyan ang mga tuhod ko. Lalo na nang mapalingon akong muli sa pinto kung saan ako lumabas at nakita ang sign ng MALE. Gusto kong mapamura nang malutong habang nilalamon ako ng lupa. Kapag minamalas-malas ka nga naman, sa banyo ng mga lalaki pa ako makakapasok at ang galing ng tiyempo na kapatid pa ni Lincoln ang nakita ko roon. Bibigay na talaga dapat ang tuhod ko sa sobrang pagpigil ng nerbyos ko kanina kung hindi lang mayroong humawak sa braso ko. Paglingon ko sa taong iyon, I saw a pair of hazelnut eyes peeking into my soul. "What are you doing here?" nagtatakang tanong niya sa akin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. "Lincoln..." napapaos kong sabi. Tuyong-tuyo na mula pa kanina ang lalamunan ko. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang masilayan ko ang pamilyar na mukha niya. Tumayo ako nang maayos at lumayo ako sa kanya. "I'm leaving." Nagmadali akong naglakad palayo sa kanya ngunit masyado yatang mahaba ang kanyang mga biyas, o kaya nama'y mabilis lang talagang maglakad ang mga uri nila, kaya naabutan niya ako kaagad. Marahan niyang hinablot ang balikat ko at sa gitna ng maraming mga estudyante na dumadaan sa hallway, inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha habang nakatitig sa aking mga tuyong labi. Napalunok ako ng laway nang maraming beses. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kakagatin niya ba ang leeg ko sa gitna ng maraming tao? Nababaliw ba siya? "I can't take it anymore," hinihingal niyang bulong sa akin. Humampas ang mainit na hininga niya sa aking mukha. Sobra akong kinakabahan sa mga susunod na mangyayari, ngunit wala akong magawa. I couldn't get myself to stop him. Because whether I believe it or not, I am attracted to Lincoln. As acceptance to that truth of mine, I slowly shut my eyes and let him do what he wanted. And to my surprise, Lincoln didn't choose a selfish path by biting my neck to officially mark me as his mate. Instead, naramdaman ko ang pagsiil niya ng isang marahan na halik sa aking mga labi. Both lips were warm, and I couldn't help but ask for more. Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na luha mula sa aking mga mata. I was not actually in love with Lincoln. Since I am his mate, my energy reacts with his every time I see him. Kaya mayroong weird feeling akong nararamdaman kahit ano'ng gawin niya. Nang humiwalay kami sa isa't isa, dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata and saw Lincoln's satisfied eyes. It was as if he just slurped a massive amount of energy from that kiss. His tired eyes somewhat turned into a pool of bliss, at that moment. At sa mga oras na iyon, saka bumalik sa akin ang mga alaala ko noong gabi na dumalo ako sa party ni Nicholas. I remember that I was with Ingrid, then. Matapos akong sapilitan na isayaw ni Kirk, bumalik na ako sa table namin upang kumain at uminom dahil busy naman ang kasama ko dapat that night na si Nicholas. I also remember sitting there with Seven and Alec, if I am not mistaken. At ang susunod na mga pangyayari ay bigla na lamang nagbaha sa utak ko. Kinukuhanan ko ng litrato ang mga paru-paro na dumadapo sa makukulay na bulaklak dito sa garden ng pavillion. Hindi ko alam kung paanong posible ngunit nakikita ko ang umiilaw na mga paru-paro na palipad-lipad, ngunit lahat nga pala imposible sa alak. Dito ako napadpad matapos kong makainom ng ilang basong wine. Tahimik kasi rito, hindi tulad doon sa loob na puro mga sosyal na estudyante ang makikita. Sobrang iingay pa, idagdag mo pa ang nakakasilaw na mga alahas na halos ipulupot nila sa kanilang buong katawan. Habang sinisipat-sipat pa ang mga magagandang nilalang, halos malaglag ang hawak kong camera na hindi ko alam kung saan ko nakuha. Hindi ko alam kung sira na rin ang ulo ko tulad ng mga tao sa paligid ko, pero nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga paru-paro. Nagliliwanag talaga ang mga iyon at iba-iba pa ang kanilang mga kulay. Habang sinusundan ko ang mga paru-paro, nakatutok pa rin ang camera sa dinaraanan ko. Seriously, where the hell did I ge this camera? Isa lamang itong maliit na hugis kahon at may iilan lamang buttons. Natigilan ako nang matutok ang camera ko sa tatlong kalalakihan. Ibinaba ko ang camera ko at pinagmasdan ang mga ito. Kilala ko ang dalawa sa kanila. Tyler Ferrer. Makki Guen. Galing ang mga ito sa mga kilalang pamilya sa pagiging mayaman. Guen. Sila ang natatandaan kong kaibigan ng mga Conor na laging bumibisita sa mansyon nila. And yes, Guen and Ferrer are werewolves. Pakiramdam ko ay nahimasmasan ako nang makita ang pamilyar na mukha ng mga iyon. I saw them a few times before at alam kong nakikita rin nila ako. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. "I'm Perseus, babe." Napaatras ako nang mapansing nasa harapan ko na pala ang lalaking kasama nina Tyler at Makki. And what? Babe? Is he kidding me? "Alam kong gusto mo akong makilala. Kanina ka pa nakatitig sa akin," sabi niya at aakmang aakbayan ako pero dumistansya ako kaagad sa kanya. "Don't you dare, dude," banta ko sa kanya. Ang nakakainis pa ay walang masyadong tao banda rito. "Oh, isn't she the girl na mayroong sobrang bangong blood?" komento ni Makki. Hindi siya makapaniwala na makita ako dahil sa tingin siguro nila ay hindi nag-e-exist ang tulad ko. "It makes me want to bite you." Gusto kong magalit nang sabihin niya iyon. Ano ba'ng karapatan nila to take my life for their goddamn pleasure? Akmang aalis na ako, pero talagang sinusubukan ng lalaking ito ang pasensya ko. "She doesn't even have a mark. Shall I make her my mate?" rinig ko pang sinabi ng lalaki at nagtawanan silang tatlo. Wala pang isang minuto ay biglang nasa magkabilaan ko na yung lalaki at si Makki. Sobrang bilis nilang kumilos to the point na hindi ko man lang naramdaman ang paggalaw nila. Biglang binalot ng takot ang dibdib ko. Ano bang laban ko sa dalawa—tatlong lobo na mga 'to? Just because I'm weak, deserve ko na bang malamon? Ngunit bago pa nila mahablot ang magkabilang braso ko, naramdaman ko na ang mabigat at katakot-takot na presensya ni Lincoln. Even the two sensed his presence that they stopped what they were planning to do. "A single touch of your finger on her, and I'll break your necks," malumanay ngunit puno ng pagbabantang sinabi niya. Ang tatlo'y tila namutla nang dahil sa narinig. Nanlambot ang mga tuhod ko at babagsak na ako nang salagin ni Lincoln ang baywang ko. "Chill. We're leaving," ani Makki na nakataas ang dalawang kamay at saka inaya ang dalawang kasama na umalis na upang iwan kami. Ramdam ko ang matinding galit ni Lincoln at talagang parang kung magpupumilit pa ang tatlo, baka makapaslang siya ng kapwa niya lobo. Pakiramdam ko ay mauubusan ako nang hininga. Nakalimutan ko palang huminga kanina nang dahil sa takot kong lamunin ako ng tatlo. Naisip ko, sino naman ang tutulong sa akin sa lugar na ito na puro rich kids? But Lincoln came. Lumingon ako sa kanya at sinilip ang seryoso niyang mukha na basa pa ng pawis. His eyes turned into normal nang mapalingon din siya sa akin. "It really is you..." mahinang bulong ko at saka ko sinubukang abutin ang kanyang mukha gamit ang aking hintuturo. Tinusok-tusok ko ang pisngi niya. Wala naman siyang naging reaksyon. He was just staring back at me, real amusement was displayed on his face. "...my werewolf." Napansin ko na bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang sabihin ko iyon. Even I was surprised when I said that. Mukhang nadala lang din ako ng bugso ng damdamin. "Then will you accept me as your mate?" he asked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD