Kabanata 16

1589 Words
Gulong-gulo ako habang naglalakad pabalik sa dormitoryo kasama si Ingrid. Matapos kasi ng eksena kanina, ipinatawag din si Lincoln kaya kinailangan niyang magpaalam sa akin kaagad. Isang bumabagabag sa akin ay ang alaala ko noong gabing nasa party kami ni Nicholas. Parang mayroon pang ibang nangyari noon na hindi ko lang maalala; na parte lamang iyon ng istorya na gusto kong maalala. Ngunit malaking parte na iyon para magulo ang isip ko nang ganito. But the conclusion that I've arrived to was, marami talagang mga lobo na gusto akong lamunin nang buhay. They said that my blood smells nicer than normal. Why is that? How is that possible? Just because I am, apparently, Lincoln's mate? I don't think that's the case. Ikalawa, Lincoln just kissed me in front of everyone. Bukod sa gigyerahin ako ng mga babaeng estudyante rito sa campus na may gusto sa kanya, e isa pang pino-problema ko ay if he did really become my official mate. Can he mark me by a single kiss? Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. "Just when I thought that you and Lincoln are already over, then this happened," nang-aasar na sabi ni Ingrid. Hindi ko na iyon pinansin, ngunit dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin ang malaking bato sa dadaanan ko at natapilok ako roon. Literal na sumubsob ang mukha ko sa lupa, ngunit nauna lamang ang aking tuhod. Naramdaman ko ang pagtama ng maliliit na mga bato roon. Napamura ako nang mahina nang dahil sa hapdi na dulot noon. Napangiwi akong tumayo habang tinulungan naman ako ni Ingrid magpagpag. Ang reaksyon niya e hindi niya alam kung maaawa siya sa akin o matatawa. Nang magpatuloy kami sa paglalakad ay paika-ika naman ako dahil masakit talaga ang tuhod ko. Nang tingnan ko iyon, nasugatan pala ako at may kaunting dugo na tumutulo mula roon. Natigilan tuloy ako sa paglalakad nang maalala ang tungkol sa kalagayan ko na maraming na-a-attract na mga lobo. "Astrid." Natigilan ako nang marinig ang boses ni Lincoln. Napalingon kami ni Ingrid sa kanya at parehong nangunot ang noo. Basa ng pawis ang kanyang buhok pati mukha at hingal na hingal siya na tila galing sa malayong pagtakbo. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at sinundan ko lamang siya ng tingin nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at tiningnan ang nagdurugo kong sugat sa tuhod. "Didn't I tell you to be careful?" kunot-noong tanong niya habang iniinspeksyon ang sugat ko. How come he's already here, though? "I'm fine, don't worry," tanging nasabi ko. Napatango naman siya at inalis ang pagkakatingin sa tuhod ko. Tumingin lang siya sa akin at tumayo na na tila ba nasaktan siya sa ginawa kong pambabalewala sa kanya. It looked like he already gave up sa pagpilit sa akin dahil mukhang iritable ako when he's around. Bigla tuloy akong na-guilty. Tiningnan ko ulit siya. Nakatingin siya sa akin nang diretso pero parang wala sa sarili. Parang may malalim siyang iniisip. "Lincoln," I called. "Tara sa clinic?" Nakita kong napakurap siya nang maraming beses na para bang hindi makapaniwala. Hindi ko siya madalas tawagin sa kanyang pangalan o 'di kaya'y kausapin siya nang maayos. Walang sabi-sabing hinila niya ang braso ko at naglakad palayo. Sinenyasan ko na lamang si Ingrid na mauna na sa dorm at susunod na lang ako. Kilig na kilig naman siya na parang bulate na binudburan ng asin. Nagpahila na lang ako kay Lincoln at dumiretso sa clinic. Sinalubong kami ng isang nurse doon at nagulat nang makitang kasama ako ni Lincoln. "Oh." Nasabi na lang niya at napatingin sa kamay ni Lincoln na nakahawak sa braso ko saka siya napangiti. "Lincoln." "Nurse Mia," pagtawag din ni Lincoln. "Kailangan ni Astrid ng first aid kit." Pagkaabot sa kanya ni Nurse Mia nung first aid kit, pinaupo niya na ako sa bed at siya naman ay naupo sa sahig. "Astrid, natutuwa akong makita ka," nakangiting sabi ni Nurse Mia habang nakatingin sa amin ni Lincoln. Sinimulan niya nang gamutin ang sugat ko sa tuhod. Halata naman na he is not good at it pero sinisikap niya na hindi ako masaktan sa bawat pagpahid niya ng alcohol. Pinagmamasdan ko lang naman siya habang ginagawa niya lahat iyon. To be honest, Lincoln is a nice person... at least towards me. "Teka, saglit lang," awat ko sa kanya nang makaramdam ng hapdi, ngunit nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa. Pero natigilan ako nang may makita ako sa batok niya na isang tattoo. Napakunot ang noo ko at pinagmasdan iyon habang nakayuko siya at seryosong nililinis ang sugat ko sa tuhod. "Astrid?" tawag niya. Hindi ako kaagad nakasagot. Nakatingin lang ako sa tattoo niya na mukhang scratch ng isang werewolf, mukhang sinisimbolo noon ang kanilang pamilya o pack. "Uy, Astrid!" tawag niya ulit. "Oh?" naisagot ko at tumingin na sa kanya. Tumayo na siya at umupo na lamang sa tabi ko. Nanatili akong nakatingin sa puting kurtina na nagtatakip sa kabilang kama habang siya ay nakatitig lang sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang. "Thanks," tanging nasambit ko. Wala lang siyang imik, as always. Nang umabot ng limang minuto na wala pa ring nagsasalita sa amin, tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. "Kailangan ko nang puntahan si Ingrid. Salamat ulit." At akmang maglalakad na ako paalis nang banggitin niya bigla ang pangalan ko. "Astrid." Natigilan ako at napalingon sa kanya. Wala namang nagbago sa palaging pokerface niyang mukha, ngunit na-appreciate ko na mayroon nang emosyon kahit papaano ang kanyang boses. "Call my name whenever you need me. I'll always be there." Napatitig ako ng ilang segundo sa kanya nang marinig ang mga sinambit niyang mga salita. Hindi ako makapaniwala na nanggaling sa kanya iyon. Siguro ay mas sanay akong marinig sa kanya na poprotektahan lamang niya ako kapag tinanggap ko na siya bilang mate ko. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang dahil doon at saka na ako nagmadaling umalis nang hindi na nagpapaalam. Naiwan naman siya roon na mag-isa at mukhang may pag-uusapan pa sila ni Nurse Mia na sa tingin ko ay ka-close niya. Well... may dalawang babae na akong kilala sa buhay ni Lincoln. Pero ano ba talaga sila para sa kanya? Dumiretso ako sa dorm at pumasok sa kwarto namin ni Ingrid. Nadatnan ko siya roon na nakahilata na sa kama at mayroong suot na facial mask sa mukha. Dumiretso na ako sa banyo at saka na ako naligo at nagbihis na ng pantulog ko. Nang matapos kong maligo at nagsusuklay na ako, humarap ako sa salamin. Nakita ko na lang ang repleksyon ko nang nakangiti. What the hell, Astrid? Sumimangot ako sa salamin. Bakit ba ako ngumingiti? Walang maganda sa araw na ito, pero bigla namang nag-flash sa isip ko yung tattoo ni Lincoln malapit sa batok. Inipit ko ang buhok ko at tumalikod sa may salamin. Medyo ibinaba ko pa ang damit ko. Sinilip ko ang repleksyon nito sa salamin. It's the same tattoo as mine. Hindi ko alam kung kailan ko nakuha ito, pero sigurado ako na nanggaling iyon sa pamilyang Conor. Nakarinig ako ng katok sa pinto. "Come in," halos isigaw ko. Umupo ako sa kama at pinanood na pumasok si Ingrid sa kwarto. "Saan ka galing?" usisa ko. Parang kanina'y ang sarap pa ng higa niya sa kama niya. "Ipinapatawag ako para sa training ko, pero nag-pass muna ako," aniya at umupo sa kama niya. "Blooming ka ngayon, ah," aniya pa at nginisihan ako. "There's nothing going on between Lincoln and I," pangunguna ko na sa kanya bago pa siya umabot doon. Alam ko naman na 'yon ang gusto niyang tumbukin. "After the kiss?" naibulalas niya. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko nang dahil sa sinabi niya. Ayoko na nga sanang alalahanin pa iyon. "That's..." Natigilan ako dahil hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko. "I have a situation, but hindi ko ma-explain." Hindi naniwala sa akin si Ingrid ngunit hindi na siya nag-usisa pa. Para sa kanya, may relasyon talaga kami ni Lincoln. Matapos naming mag-usap, nagpunta na kami sa Dinning Hall para mag-dinner. Habang naghahanap ng mauupuan, nakatingin sa amin lahat ng mga mata. Malamang ay dahil iyon sa nangyari kanina. Siguradong kalat na iyon, pati na ang mga larawan namin ni Lincoln, sa buong campus. Nagpatay-malisya na lang ako. "Kukuha na ako ng food. Guard our table," habilin ni Ingrid sa akin at umalis na. Nakahanap naman kaagad ako ng bakanteng mesa kaya nagmadali akong umupo roon. Sa gitna nang paghihintay ko sa dalawa, inantok na ako. Masyado ba silang maraming kinuha? Umub-ob ako sa table. Nang maramdaman kong may umupo na sa harapan ko. Inangat ko ang ulo ko sa pag-aakalang nandito na sila pero nagulat ako nang makita ang mukha ni Mordeur. "Kirk." I muttered. "Anong ginagawa mo rito?" "Sasamahan ka sa paghihintay?" sagot niya at nginitian ako. "Salamat pero papunta na si Ingrid dito," sabi ko nang makitang naglalakad na siya pabalik. "Aw. Sayang naman," sabi niya at napakamot sa batok. Speaking of batok, naalala ko na naman ang tattoo ko roon. Bakit ako mayroon no'n? Napatingin siya sa akin at aakmang magsasalita ulit, pero hindi na naituloy nang nakarating na si Ingrid dito sa table. Ngunit bigla siyang natigilan nang makita si Kirk. Halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan at takot dahil sa kaharap naming Mordeur. "What are you doing? Come and join us," anyaya pa ni Kirk sa kanya. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan ngunit umupo rin sa tabi ko nang dahan-dahan. Ramdam ko ang pangamba sa kanyang dibdib lalo na nang sumiksik siya sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD