Third Person Bago pa makarating sina Astrid, Lincoln, at ang Principal's Assistant ay naunang nakarating doon si Aston. Narinig niya ang lahat ng sinabi ng kanyang biological mother bago iyon tuluyang pumanaw. Yung sama ng loob niya, pagsisisi, at kung ano pang mabigat na emosyon sa kanyang dibdib ay itinago muna niya bago siya lumapit kay Ashler. "What have you done?" bulyaw niya sa kakambal. Nakaupo lamang iyon sa lupa, tulala, habang ang kanilang ina ay nakahiga sa kanyang kandungan—duguan at wala nang buhay. Gusto mang lapitan at yakapin ni Aston ang yumaong ina matapos marinig ang paliwanag nito kung bakit siya ipinamigay noong bata, na mali ang lahat ng paratang niya sa ina, ngunit natakot siya na baka may kung anong gawin sa kanya ang kakambal kapag ipinakita niyang nagbago na s

