Third Person Noong hapon bago makita nina Astrid at Lincoln si Ashler na duguan ang pulso... Nasa masukal na kakahuyan si Ashler sapagkat nakakuha muli siya ng isang sulat sa kanyang silid na gusto siyang kitain ng sumulat. Iyon ay ang kanyang kakambal na si Aston na kasama niyang pumasok sa Lupin upang may misyong gagawin. Si Aston ay nakilala ni Ashler noong siya'y nag-aaral pa noon sa Lupin school, ilang araw bago siya nag-desisyon na lisanin ang pamilya niya. Nalaman niya na dahil sa hirap ng buhay, inabandona ng kanilang ina si Aston sapagkat hindi nila kayang bumuhay ng dalawang sanggol nang sabay noong mga panahon na iyon. Mabuti na lamang ay mayroong mayaman na pamilya na nakapulot at kumupkop sa kanya. Nang magkita sina Aston at Ashler, pareho silang nabigla. Bumisita lamang s

