Napalingon sa akin si Lincoln at napatitig sa aking mga mata nang dahil sa tinanong ko sa kanya. His eyes turned full black but it quickly came back to its original hazelnut color. "What's wrong?" tanong ko sa kanya. Sa reaksyon niya ay tila ayaw niya pang sabihin. He seemed anxious, although 'di naman masyadong halata dahil sa kanyang pokerface. Mahabang katahimikan pa muli bago siya nagsalita sa wakas. "The blood on the shoe print," panimula niya. Nangunot ang noo ko at bumilis ang t***k ng dibdib ko nang dahil doon. Natatakot akong marinig pero gusto kong malaman. "It matches to Ashler's blood. My nose cannot be mistaken," seryoso niyang sabi habang nakatitig diretso sa aking mga mata. Nanlambot ang mga tuhod ko at muntik akong matumba kung hindi niya hinawakan ang magkabila kong mg

