“Hindi ka pwedeng manatili rito.”
Malamig ang boses ni Percival. Nakatayo siya sa may gate, nakasandal sa poste, parang hindi seryoso sa sitwasyon pero kilala ko ang kapatid ko. Kapag ganyan siya ka-relaxed, mas delikado ang paligid.
“Nadadamay na ang mga sibilyan,” dagdag niya. “Isang beses pa lang sila umatake rito. Susunod, hindi na warning ‘yan.”
“Alam ko.”
“Hindi ka kumikilos na parang alam mo.”
Tumitig ako sa bahay. Sa bintana ng kwarto niya. Alam kong nandoon si Lara. At alam kong umiiyak siya. Hindi ko kailangang makita.
Ramdam ko.
“May unfinished business ako,” sabi ko.
Napangisi si Percival.
“Business ba talaga ‘yan o babae?”
Tumingin ako sa kanya nang matalim. The hell with this brute.
“Shut up! Piliin mo ang susunod mong sasabihin.”
“Relax, brother,” nakangisi pa rin siya. “Concerned lang ako. Kasi kung dahil sa kanya ka mamatay, hindi matutuwa si Ama.”
“Hindi ako mamamatay.”
“Lahat ng Rasgild namamatay, Psalm. Ang tanong lang kailan.”
Tumahimik ako. Dahil sa mundong ginagalawan namin totoo ‘yon. Lumapit siya sa akin. Mas seryoso na ang mukha.
“Centuri ang umatake sa’yo sa shipment. Hindi ‘yan basta-basta. May mole tayo. May nagbebenta ng galaw natin. At habang nandito ka—”
“Mas lalo silang lalapit sa kanya,” dugtong ko.
Tumango siya.
“Exactly.”
Napapikit ako.
Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko hindi baril ang problema ko. Kundi puso ko. Bullshit!
“Aalis ako,” mahina kong sabi.
Napatingin si Percival sa akin. Hindi na nakangiti.
“Good.”
“Pero hindi agad.”
Nanlaki ang mata niya.
“Psalm—”
“May kailangan akong ayusin,” mariin kong sabi. “May kailangan akong sabihin.”
Huminga siya nang malalim.
“Five minutes. After that, we’re gone.”
Tumango ako.
At sa limang minutong ‘yon kailangan kong bitawan ang babaeng hindi ko dapat minahal.
———⭐️⭐️⭐️
May kumatok sa pinto nang mahina.
Pero sapat para kumabog ang dibdib ko.
Hindi ko gustong buksan. Hindi ko gustong makita siya. Pero mas ayokong hindi marinig ang sasabihin niya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Nakatayo siya roon.
Si Psalm. Wala na ang dating Markus.
Wala nang simpleng lalaking nakatambay sa sala. Ito na ‘yung lalaking galing sa mundong hindi ko kailanman mauunawaan.
“Lara…” mahina niyang tawag.
Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Sa mata niyang may lungkot na hindi ko pa nakita dati.
“Aalis ako,” diretso niyang sabi.
Parang may humila sa sikmura ko pababa.
“Good,” sagot ko kahit masakit.
Tumango siya.
“Pero hindi dahil itinaboy mo ako.”
Huminga siya nang malalim.
“Aalis ako dahil kung mananatili ako, mas lalo kang mapapahamak.”
“Akala ko ba sabi mo hindi mo ako hahayaang masaktan?” mapait kong tanong.
“Exactly,” sagot niya. “Kaya aalis ako.”
Tahimik kami pareho. Hanggang sa nagsalita ulit siya.
“Lara… hindi kita hinalikan dahil bored ako. Hindi kita sinabihan na akin ka dahil trip ko lang.”
Lumapit siya ng isang hakbang.
“Lahat ng ‘yon totoo.”
“Pero bakit sa huli ako pa rin ang naiiwan? Ako pa rin ang sasaktan?” nanginginig kong tanong.
Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay niya sa pisngi ko. Pero huminto sa ere.
Parang natatakot.
“Because I don’t deserve to take you with me.”
Nanlaki ang mata ko.
“Hindi kita isasama sa mundong ‘to,” dagdag niya. “Hindi kita gagawing target. Hindi kita gagawing collateral.”
Bumagsak ang luha ko.
“Then bakit ka pa nagpakita sa buhay ko…” mahina kong sabi.
Sumagot siya agad.
“Dahil nagkamali ako.”
Tahimik sandali. Tapos mas mahina niyang dugtong.
“Pero hinding-hindi ko pagsisisihan na nakilala kita.”
Napahawak ako sa damit niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“Psalm…”
At doon niya ako niyakap nang mahigpit.
Parang gusto niyang ipasok sa dibdib niya ang buong pagkatao ko. Parang ayaw na niyang bumitaw.
“Makinig ka sa akin,” bulong niya sa buhok ko. “Hindi ko alam kung gaano katagal bago ko maayos ang lahat.”
“Huwag ka na lang bumalik,” umiiyak kong sabi. “Mas madali ‘yon.”
Bigla siyang napatawa nang mahina.
Masakit.
“Hindi ko kayang hindi bumalik.”
Tumingin siya sa akin. Hawak pa rin ang mukha ko.
“Kapag natapos ko ang lahat ng ‘to, babalik ako,” mariin niyang sabi. “Hindi bilang mekaniko. Hindi bilang umuupa.”
“Kundi bilang lalaking puwedeng magmahal sa’yo nang hindi ka inilalagay sa peligro.”
“Pangako?” mahina kong tanong.
“Sa ngalan ng Rasgild,” sagot niya. “At sa ngalan ng lalaking gusto ka.”
Tapos hinalikan niya ako. Hindi madalian.
Hindi marahas. Isang halik na puno ng pangungulila. Pangakong iiwan At sakit na ayaw bitawan. Nang kumalas siya ay nakangiti siya nang bahagya.
Pero puno ng lungkot.
“Mag-ingat ka,” sabi ko.
“Lagi,” sagot niya. “At ikaw… huwag kang maghihintay sa akin kung may darating na mas mabuti.”
“Hindi ka marunong magpaalam,” sagot ko.
“Hindi rin ako marunong kalimutan ka.”
At tuluyan na siyang umalis. Hindi ako sumunod. Hindi ako tumawag. Pero sa loob-loob ko ay umaasa akong babalik siya.
⸻
Pagdating ko sa sasakyan ay nakatitig si Percival sa akin.
“So. Done?”
Tumango ako.
“Good. Because hell is waiting for us.”
Sumakay ako. Pero bago tuluyang umandar at lumingon ako sa bahay. Sa bintana.
Sa mundong sandali kong tinikman.
“Brother,” biglang sabi ni Percival. “Kung babalik ka rito kahit tapos na ang giyera—”
“Babalik ako,” putol ko.
Tahimik siya sandali. Tapos ngumiti ulit.
Pero ngayon hindi na nakakatakot.
“Then make sure you survive.”
Humigpit ang hawak ko sa sandalan.
“Hindi ako pwedeng mamatay,” mariin kong sabi.
“Putang-ina mo!” dagdag ko.
“Isusumbong kita kay, mama,” aniya. I glared at him.
At sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, ang dahilan ng pakikipaglaban ko ay hindi na kapangyarihan.
Kundi babae. Si Lara. Nami-miss ko na ang dibdib niya.
“Yuck!” wika ni Percy habang nakatingin sa ‘kin. Sinamaan ko naman ng tingin.
“Ramdam kong minamanyak mo ang babae kanina.”
I was stunned for a moment and smiled t him devilishly.
“Ulol!”