Chapter 52

2297 Words

Kung may nagsabi sa akin dati na makikita ko si Psalm na nakasimangot sa harap ng shelf ng sardinas hindi ako maniniwala. Pero heto kami ngayon. Nasa grocery. May hawak na cart. May listahan. At may asawang mukhang gustong sumuko. “Lara,” bulong niya. “Bakit may limampung klase ng toyo?” Napatingin ako sa shelf. “Hindi limampu,” sagot ko. “Dalawampu lang.” “Mas malala,” sagot niya. Napangiti ako. “Kunin mo lang ‘yung nasa listahan.” “Ito,” sabi niya. “Silver Swan. Ito rin Silver Swan. Ito rin. Lahat Silver Swan. Bakit magkakaiba ang presyo?” “Marketing,” sagot ko. “Panlilinlang,” sagot niya. Nagpatuloy kami. Pero ramdam ko na may kakaiba.Lahat ng madaanan namin ay may nakatitig. Mga babae. Mga lalaki. Mga lola. Mga teenager. May batang babae pa na muntik nang bumangg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD