Pagkatapos ng lahat ng kaguluhan sa Talent Show at ng kahihiyan. At ng trauma kay Gargol. Napagdesisyunan na naming umuwi na. Maaga pa ang gabi. May hangin. May buwan. At may katahimikan. Sa wakas. Naglalakad kami ni Psalm pauwi. Magkatabi. Walang nagsasalita. Pareho kaming pagod. Pareho kaming puno ang isip. Pero hindi mabigat. Sakto lang. “Okay ka lang?” tanong niya. “Oo,” sagot ko. “Ikaw?” “Medyo,” sabi niya. “Nahihiya pa rin ako para kay Gargol.” Napangiti ako. “Same.” Natawa siya nang mahina. Tahimik ulit. Naririnig ko lang ang yapak namin. At ang huni ng kuliglig. At ang paghinga niya. Pagdating sa kanto… Hinawakan niya ang kamay ko. Walang sabi-sabi. Walang paalam. Natural lang. Parang matagal na naming ginagawa. Pero kinikilig pa rin ako. Kahit ayok

