" Oh nagka boyfriend na ulit pala si Miss Beth, sobrang tagal na nung last boyfriend mo Miss Beth bago ka lang nun dito sa bar. " ani Sir Jonel " Oo nga po Sir kailangan kung lumandi kahit papano ang tanda ko na wala pa din akong love life. " natawa nalang kami sa sinabi ni Ate Beth. " Sigi na papasukin mo na ang boyfriend mo Miss Beth para makilatis na natin. " " Nako Sir wag mong takutin huh. " " Ay hindi, kaibiganin natin para naman bumalik balik kayo dito. Kaya pala gusto ng mag resign nakahanap na pala ng Prince charming. " " Sir naman eh. " " Joke lang Miss Beth, sigi na papasukin muna baka naiinip na yun sa labas kawawa naman. " " Sigi na nga dahil mapilit kayo ipakilala ko na sa inyo ang boyfriend ko. " tumayo na si ate Beth habang napakalapad ng ngiti nito na halatang

