
Siya si Ara Bernardo 23 years old, isang magandang binibini mula sa probencya ng Leyte, Marami ang nagka gusto dito dahil sa kanyang kutis na parang anak mayaman at ang tangkad nito ay nasa 5'6 na lalong nakadagdag sa kanyang alindog. Kung titingnan mo talaga siya ay parang anak ng mayor sa bayan dahil kahit may punit ang damit nito ay di ito nakakabawas sa kanyang kagandahan.Ang kanyang kagandahan ay parang dyosa pero pinanganak siyang mahirap. Kailangan niyang tulungan ang kanyang ina sa paglalabada nito para kahit papano ay may pang gastos sila sa kanilang pangangaylangan.Habang ang ama naman nito ay nasa bukid nagsasaka, sobrang hirap ng dinanas nila mula pa nung bata pa sila. Ang kanilang tirahan ay isang maliit na kubo lamang kaya kung uulan ng malakas ay nababasa silang mag-anak. Siya ang ate at ang bunso naman ay lalaki, malayo ang agwat ng kanilang edad walong taon, kaya siya talaga ang laging kasama nito mula pa dati, siya ang nag aalaga nito pag may pupunta ang kanyang ina sa bayan. Dun kasi ito minsan pag naglalabada, doon sa malaking bahay, pinangarap din niya dati pa, na sana magka bahay sila ng ala mansion kagaya ng mga pinagsisilbihan ng kanyang Mama nung minsang sinama siya. Ang daming pagkain sa hapag kainan ng pinuntahan nila, nung minsang sumilip siya sa loob, na inggit siya dahil wala man lang silang kakayanang bumili kahit fried chicken lang, wala man lang silang mesa na kagaya sa kanila kalaki, sa papag lang kasi sila natutulog at dun lang din sila kumakain. Ang kinikita ni Mama at Papa niya ay kulang pa sa kanilang pamilya. 6 years old pa lamang siya noon pero natoto na siyang mangarap ng mga bagay na alam niyang mahirap abutin dahil sa hirap ng buhay na kanilang tinatamasa. Iniisip niya pano sila makakaalis sa sitwasyon nila. Nung matapos na siyang mag high school na gusto na niyang mag trabaho sa manila para kahit papano makatulong siya sa kanyang magulang, ngunit napaka bata pa niya noon 18 years old lamang siya wala siyang pweding mapasukan kahit pa siguro ang pagkakatulong. Nagpaalam siya sa kanyang magulang para payagan siyang umalis at pumunta ng manila, Pero ang kanyang ama ay nag aalangan dahil nga napakabata pa niya at wala siyang kakilala doon at baka mapahamak lang siya. Pero pinilit niya ang ama niya sinabi niya na para lang din sa kanila ang pag alis niya at pinapangako niya na mag iingat siya. Di nalang umimik ang kanyang ama, di niya nababasa ang iniisip nito. Nung time na yun ay saktong umuwi ang kapit bahay nila si ate Beth na pabalik balik na ng manila at balita niya maganda ang kinikita nito doon. Dahil sa kagustohan niyang makatulong kinausap niya ito para makasama siya pag bumalik ito ng manila. Dati pa gandang ganda na ito sa kanya kaya pagka sabi niya ay walang alinlangan ay pumayag ito agad agad, Pero sinabi din niya dito na gusto niyang mag aral habang magtatrabaho pumayag naman ito at pinadala sa kanya nag lahat ng mga kailangan niya. Pag dating nila ng manila di niya aakalain na sa isang bar pala nag work si ate Beth, bigla siyang natakot sa maaring mangyari sa kanya. Pero nakaluwas na siya kailangan niyang panindigan at ipaglaban ang pangarap niya na makatulong at maahon sa kahirapan ang pamilya niya, dahil kahit anong gawing pagkayod ng magulang niya sa probencya ay alam niyang di sapat ito para sa pangangaylangan nila. Pinapangako niya sa sarili niya na kahit ganito ang papasukan niya ay iingatan niya ang pinakamahalagang parte ng pagka babae niya ang bataan niya.Ngunit sa kabila ng pag iingat niya ay may dumating na trahedya sa buhay niya kailangan niyang ibenta ang virginity niya para maligtas ang ama niya na nagkaroon ng malubhang karamdaman. Masusuko niya sa isang bilyonaryo ang kanyang pagka virgin kapalit ang isang milyon. Nakatakda na ang kanilang pagkikita pero natatakot siya para sa sarili niya at nakokonsencya siya dahil pinangako niya sa ina niya na iingatan niya ang kanyang pagka babae, tapos ngayon ang malala pa ay di pa niya nakikita ang taong makaka angkin sa kanya, na sa hula niya ay isang matandang billionaire lamang ito. Lingid sa kanyang kaalaman ay matagal na siyang sinubaybayan ng lalaking ito, matagal na itong gusto siyang makuha ngunit mailap talaga siya sa mga lalaki tanging pagkaka cashier at Pag wowork lang ang ginagawa niya, never siyang lumabas labas kasama ng mga guest nila, talagang tumatanggi siya pag may gustong makipag table sa kanya. Dahil alam niyang yun ang magiging simula pag pumayag siya. Ngayon ay wala na siyang magagawa patapos na sana siya sa college pero saka pa nangyari ito. Wala pa siyang naging boyfriend never pa niya naranasan ang pakipag halikan wala siyang alam sa mga ganong bagay, di niya alam ang gagawin niya pag nakaharap ito. May lalaki pa kayang kaya siyang tanggapin pag nalaman nitong bininta niya ang puri niya, may magmamahal pa kaya sa kanya pag nalaman nitong sa bar siya nag wowork. Giginhawa pa kaya ang buhay niyang puno ng paghihirap at pagdudusa, maiahon pa kaya niya ang pamilya.

