Story By YURI
author-avatar

YURI

ABOUTquote
hi mga BESHIE ko 🥰 Bago lang po ako sa larangan Ng pagsusulat, maraming salamat sa pag support at pagbasa sa nagawa kung aklat, sana po nag enjoy kayo. please follow me mga BESHIE ko.❤️ thank you 🙏 love lots 😘 🤗
bc
MONIQUE (SSPG)
Updated at Dec 26, 2025, 07:57
Monique De Chavez 24 years old. Ang palaban na babae sa kanilang lugar, Na para bang wala itong kinakakatakutan na kahit pa mga lasinggo at mga tambay ay kayang kaya niyang mapasunod na para bang ginamitan niya ito ng gayuma. Kahit Payak ang pamumuhay ni Monique ay di mo ito makikita sa kanyang itchura. Ang babaeng pinagpala sa kagandahan, na para bang anak ng mayaman sa kanilang lugar. Maliit ang mukha nito, mamulamula ang balat na napakakinis na para bang babad sa aircon. Pero sa totoo lang ay wala talaga silang ganong bagay sa loob ng kanilang tahanan. Singkit ang mata nito at matangos ang maliit nitong ilong at mamulamula ang mga labi nito kahit pa man wala itong lipstick na nakalagay sa kanyang mga labi. Ang buhok naman nito ay tuwid na lalong nagpadagdag sa angkin nitong kagandahan. Walo silang magkakapatid at di sapat ang kinikita ng kanyang ama na isang security guard sa isang bangko. Kahit pa man malaki laki ang kinikita ng kanyang Ama ay di talaga sumasapat, dahil ang kanyang ina ay walang ginawang maganda. Di man lang kayang tulungan ang kanyang Ama na hirap na hirap na kakayod, na kahit pa Pag uwi nito sa kanilang bahay ay namamasada pa ito ng tricycle pandagdag kita at panggastos sa bahay nila. Di sumasapat ang Kayod ng kanyang ama dahil nagsusugal ang kanyang ina at walang pakialam sa kanilang magkakapatid. Even the situation is so hard for Monique, she never quite her study, nag aral siyang mabuti para makapagtapos and promise her self to help her father someday. Para na rin makaalis na sila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Life is not easy for Monique and her siblings, nag asawa pa ng maaga ang kanyang ate kaya wala na talaga siyang magagawa Kundi pasanin ang pagiging nakakatandang kapatid. Monique has a lot of talents and dancing is her first love,dun niya nakilala si Bryle ang lalaking nagka gusto sa kanya. 15 years old palang si Monique noon, iba ang priority niya. Wala siyang panahon sa mga lalaki ni kahit makipag usap nga ayaw niya. Pero makulit si Bryle lagi itong nagpapapansin at nagdadala pa ng pagkain para lang mapansin ni Monique. Di rin kayang tanggihan nito ang mga pagkain na masasarap, Pag may tira pa nga ay inuuwi nito para sa mga kapatid nito. Dahil sa pagkain nakipag kaibigan nalang siya Kay Bryle, sayang din kasi ang masasarap nitong pagkain. Gwapo si Bryle halatang may kaya sa buhay dahil sa mga soot nitong lalong nagpadagdag sa kagwapuhan nito. May clip chin ito at may dalawang dimple sa magkabilang pisngi, na lumalabas Pag ngumingiti ito. Makapal ang kilay, matangos ang ilong at maganda ang mga ngipin nito halatang alagang alaga. Pero kahit laging nakikipag usap si Bryle Kay Monique ay di pa rin siya masyadong nakikipag usap dito, wala naman din kasi siyang ma kwento dahil sa sitwasyon nila sa bahay. Baka kasi pag nalaman ni Bryle na sobrang naghihirap sila ay di na siya nito papansinin. Kahit pa nga kinukilit siya ni Bryle na ihatid siya sa kanila ay umaayaw siya. Si Amber na kaibigan ni Monique ang laging kinukulit ni Bryle na kumbinsihin ang kaibigan na magpahatid oh di kaya ay mamasyal.Pero talagang umaayaw ang dalaga, ayaw pa kasi niyang magpaligaw or makipaglapit sa mga lalaki lalo na Kay Bryle dahil baka mahulog ang loob niya at masira pa ang mga plano niya sa buhay at ang pangarap niya para sa pamilya niya. Pero hanggang kailan niya kayang pigilan ang sarili, sobra mag alaga si Bryle, bagay na di nararanasan ni Monique sa pamilya niya. Ang pamilya niya na sa pakiramdam niya ay di siya mahal ng mga ito. Ang mga kapatid niya na gusto niyang mapatapos bago siya mag boyfriend. Pero pano kung sumuko na si Bryle may papansin at mag aaalaga pa kaya sa kanya kagaya ng ginagawa nito, pano nalang siya. Hanggang isang araw bigla nalang di nagpakita si Bryle, nahihiya din siyang magtanong sa matalik niyang kaibigan dahil baka pagalitan lang siya nito. Dahil sobrang pag ayaw niya dati. Ilang months din kasi siyang kinulit nito pero di niya ito pinagbibigyan, kahit hatid lang sa bahay nila. Nasa isip nalang niya baka nagsawa na ito oh di kaya ay nakahanap na ito ng iba. Nalungkot siya sa naisip niya na baka nga may iba na itong kinukulit, bigla nalang kasi itong di na nagparamdam. Pero ayaw din niyang aminin sa sarili niya na baka nga nahulog na siya Kay Bryle. Kung kailan nawala ito saka naman niya hinanahanap ang presencya at pangungulit nito. Lumipas ang ilang araw, ilang linggo at buwan pero kahit anino nito ay di na talaga nagpapakita. Di na nawala sa isip ni Monique si Bryle na para bang multo ito sa kanya na kahit tulog siya ay napapanaginipan niya ito. Di niya lubos maisip na bigla nalang itong di magpakita sa kanya. Pero kahit ganon pa man ang nangyari pinilit nalang ni Monique na kalimutan si Bryle ng tuluyan at magpatuloy sa buhay na pinangarap niya para sa pamilya niya. Pero may mga tanong lang sa isip niya magtatagpo pa kayang muli ang landas nila. Makakilala pa kaya siya ng katulad ni Bryle na sobrang magbigay ng attention sa kanya. Babalik pa kaya ito
like
bc
PAPAG (SSPG)
Updated at Aug 19, 2025, 06:36
Siya si Ara Bernardo 23 years old, isang magandang binibini mula sa probencya ng Leyte, Marami ang nagka gusto dito dahil sa kanyang kutis na parang anak mayaman at ang tangkad nito ay nasa 5'6 na lalong nakadagdag sa kanyang alindog. Kung titingnan mo talaga siya ay parang anak ng mayor sa bayan dahil kahit may punit ang damit nito ay di ito nakakabawas sa kanyang kagandahan.Ang kanyang kagandahan ay parang dyosa pero pinanganak siyang mahirap. Kailangan niyang tulungan ang kanyang ina sa paglalabada nito para kahit papano ay may pang gastos sila sa kanilang pangangaylangan.Habang ang ama naman nito ay nasa bukid nagsasaka, sobrang hirap ng dinanas nila mula pa nung bata pa sila. Ang kanilang tirahan ay isang maliit na kubo lamang kaya kung uulan ng malakas ay nababasa silang mag-anak. Siya ang ate at ang bunso naman ay lalaki, malayo ang agwat ng kanilang edad walong taon, kaya siya talaga ang laging kasama nito mula pa dati, siya ang nag aalaga nito pag may pupunta ang kanyang ina sa bayan. Dun kasi ito minsan pag naglalabada, doon sa malaking bahay, pinangarap din niya dati pa, na sana magka bahay sila ng ala mansion kagaya ng mga pinagsisilbihan ng kanyang Mama nung minsang sinama siya. Ang daming pagkain sa hapag kainan ng pinuntahan nila, nung minsang sumilip siya sa loob, na inggit siya dahil wala man lang silang kakayanang bumili kahit fried chicken lang, wala man lang silang mesa na kagaya sa kanila kalaki, sa papag lang kasi sila natutulog at dun lang din sila kumakain. Ang kinikita ni Mama at Papa niya ay kulang pa sa kanilang pamilya. 6 years old pa lamang siya noon pero natoto na siyang mangarap ng mga bagay na alam niyang mahirap abutin dahil sa hirap ng buhay na kanilang tinatamasa. Iniisip niya pano sila makakaalis sa sitwasyon nila. Nung matapos na siyang mag high school na gusto na niyang mag trabaho sa manila para kahit papano makatulong siya sa kanyang magulang, ngunit napaka bata pa niya noon 18 years old lamang siya wala siyang pweding mapasukan kahit pa siguro ang pagkakatulong. Nagpaalam siya sa kanyang magulang para payagan siyang umalis at pumunta ng manila, Pero ang kanyang ama ay nag aalangan dahil nga napakabata pa niya at wala siyang kakilala doon at baka mapahamak lang siya. Pero pinilit niya ang ama niya sinabi niya na para lang din sa kanila ang pag alis niya at pinapangako niya na mag iingat siya. Di nalang umimik ang kanyang ama, di niya nababasa ang iniisip nito. Nung time na yun ay saktong umuwi ang kapit bahay nila si ate Beth na pabalik balik na ng manila at balita niya maganda ang kinikita nito doon. Dahil sa kagustohan niyang makatulong kinausap niya ito para makasama siya pag bumalik ito ng manila. Dati pa gandang ganda na ito sa kanya kaya pagka sabi niya ay walang alinlangan ay pumayag ito agad agad, Pero sinabi din niya dito na gusto niyang mag aral habang magtatrabaho pumayag naman ito at pinadala sa kanya nag lahat ng mga kailangan niya. Pag dating nila ng manila di niya aakalain na sa isang bar pala nag work si ate Beth, bigla siyang natakot sa maaring mangyari sa kanya. Pero nakaluwas na siya kailangan niyang panindigan at ipaglaban ang pangarap niya na makatulong at maahon sa kahirapan ang pamilya niya, dahil kahit anong gawing pagkayod ng magulang niya sa probencya ay alam niyang di sapat ito para sa pangangaylangan nila. Pinapangako niya sa sarili niya na kahit ganito ang papasukan niya ay iingatan niya ang pinakamahalagang parte ng pagka babae niya ang bataan niya.Ngunit sa kabila ng pag iingat niya ay may dumating na trahedya sa buhay niya kailangan niyang ibenta ang virginity niya para maligtas ang ama niya na nagkaroon ng malubhang karamdaman. Masusuko niya sa isang bilyonaryo ang kanyang pagka virgin kapalit ang isang milyon. Nakatakda na ang kanilang pagkikita pero natatakot siya para sa sarili niya at nakokonsencya siya dahil pinangako niya sa ina niya na iingatan niya ang kanyang pagka babae, tapos ngayon ang malala pa ay di pa niya nakikita ang taong makaka angkin sa kanya, na sa hula niya ay isang matandang billionaire lamang ito. Lingid sa kanyang kaalaman ay matagal na siyang sinubaybayan ng lalaking ito, matagal na itong gusto siyang makuha ngunit mailap talaga siya sa mga lalaki tanging pagkaka cashier at Pag wowork lang ang ginagawa niya, never siyang lumabas labas kasama ng mga guest nila, talagang tumatanggi siya pag may gustong makipag table sa kanya. Dahil alam niyang yun ang magiging simula pag pumayag siya. Ngayon ay wala na siyang magagawa patapos na sana siya sa college pero saka pa nangyari ito. Wala pa siyang naging boyfriend never pa niya naranasan ang pakipag halikan wala siyang alam sa mga ganong bagay, di niya alam ang gagawin niya pag nakaharap ito. May lalaki pa kayang kaya siyang tanggapin pag nalaman nitong bininta niya ang puri niya, may magmamahal pa kaya sa kanya pag nalaman nitong sa bar siya nag wowork. Giginhawa pa kaya ang buhay niyang puno ng paghihirap at pagdudusa, maiahon pa kaya niya ang pamilya.
like
bc
MIA, THE HEIRESS (SPG)
Updated at Jan 1, 2025, 19:00
MARIA ISABEL AMIRA DELA CUESTA na kilala sa pangalang Mia, Mia is a 22 years old, fresh grad from the province of Cebu. She's pretty and sexy. Ang pamilya ni Mia ay kilalang pinaka mayaman sa probencya nila.Nag iisang anak lamang si Mia. Ang Lolo at Lola nito sa side ng mommy niya ay ang nagmamay-ari ng pinaka malaking lupain sa Cebu, si Don Julio at Donya Margaret. Si Mia ay lumaki na punu ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang, lolo at lola. Second year college palang si Mia ay namatay na ang kanyang ina. Namatay ito dahil nabangga ang sasakyan nito ng isang malaking track.Di niya matanggap yun, di man lang ito umabot sa hospital binawian na ito ng buhay. Ang dating masiyahing Mia, ay naging tahimik na lamang mula nung nawala ang mommy niya mula sa burol hanggang sa nilibing ito. Pero di man lang ito nagpakita sa mga tao na umiyak ito, tahimik lang siya na para bang may iniisip na iba. Di ito umaalis sa burol ng kanyang ina hanggang sa hinatid na ito sa huli nitong hantungan. Nanatili siyang tahimik. Di rin siya nakakausap ng kanyang ama dahil abala ito sa ibang bagay. Ang lolo at lola lang niya umaalalay sa kanya. Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot nung naka uwi na siya sa bahay nila dahil mas lalo niyang namimis ang kanyang ina. Kasambahay lang nila ang lagi niyang kasama at laging wala ang kanyang ama. Lumipas ang isang taon at bigla nalang nag uwi ang kanyang ama ng babae sa bahay nila. At hindi lang babae nito ang kasamang inuwi sa kanila kundi kasama pa nito ang anak na dalaga. Pag wala ang kanyang ama ay minamaltrato siya ng bagong girlfriend nito at minsan pa ay sinasaktan pa siya nito. Pero di siya nagsumbong sa daddy niya pati na din sa lolo at lola niya. Tiniis niya lahat ng pang aapi sa kanya hanggang sa makatapos na siya ng college at lumayas na siya sa kanila. Nilakasan ni Mia ang loob niya, bitbit ang kanyang diploma at bank book na may atm na din na bigay pa ng Mommy niya nung first year college pa lamang siya. Pumunta si Mia ng Manila para dun maghanap ng trabaho at para na din makatakas sa mag inang masama ang ugali. Pagkarating niya ng manila di niya alam kung san siya magsisimula, di niya alam how to overcome the situation of being alone on the city without anyone on her side. Sanay siyang may kasamang yaya, sanay siyang may hatid sundo sa kanya pag umaalis siya ng bahay. Pero ngayon nasa airport lang siya ng manila tulala at di alam kung anong gagawin niya. Habang nasa airport pa din siya may nakapansin sa kanya na mag asawa,nasa early 50's pa ang mga ito. Napansin kasi ng mga ito na mukhang wala siyang mapuntahan dahil balisa siya. Inalok siya nito na mag trabaho nalang sa bahay ng mga ito pansamantala kung wala siyang ibang mapupuntahan dahil mag gagabi na. Pumayag naman siya, sinabi nalang niya na galing siyang cebu at wala siyang alam na mapupuntahan dito sa manila, dahil nagbaka sakali lang siyang makahanap ng trabaho, di siya pweding magpakilala sa totoo niyang pangalan dahil kilala ang angkan nila sa Cebu at kailangan pa niyang magpalit ng apelyedo para lamang di siya mabuking ng mga ito. Ang kwento ng mag asawa ay may anak daw silang dalawa isang babae at isang lalaki. Dito niya nakilala si Justin at Jasmin. Si Justin na perfect na sana, pero sobrang yabang at masama din ang ugali gwapo sana pero sa ugali pa lang ay bagsak na ito sa mga nais niyang maging ka close or katipan. Pinipigilan niya ang kanyang damdammin para dito, dahil alam niya pag nahulog siya ay malalagot siya sa pamilya nito. dahil katulong lang siya at mayaman ang mga ito. Nais sana niyang umalis at maghanap ng ibang trabaho pero di pwedi dahil baka matunton lang siya ng kanyang ama o di kaya ng lolo at lola niya, na panigurado ay pinag hahanap na siya. Kailangan niyang matutunan ang mga gawaing bahay na never pa niyang ginawa in her life. Pero kakayanin niya iyon wag lang siyang mahanap ng pamilya niya Pano din niya magagawa ng tama kung na didistract siya sa anak ng amo niyang nanadya at para bang nang aakit sa kanya. Di niya nakukuha ang ugali nito. Di tulad sa kapatid nitong babae na parang kaibigan agad ang turing sa kanya. Ibarra family give here the love and care na matagal ng panahon na di na niya naranasan. Mula nung nawala yung mommy niya. She felt so much love from them,na kahit san man pumunta ang mga ito ay lagi siyang kasama. except Justin na para bang lagi itong galit sa kanya.Lagi siyang pinupuna nito at sinisita, parang ramdam nito ang totoong Mia ang mayaman naMia. Napapaisip tuloy si Mia kung ano ba talaga ang gusto nitong mangyari.Nahihirapan siya pano paamuhin ang isang masungit at mayabang na Justin. Habang tumatagal siya sa pamilya ng mga Ibarra ay napamahal na din siya sa mga ito. Pero na consensya din siya ngayon, dahil pano nalang pag nalaman nila na nagsisinungaling lang siya at nagpapanggap lang na mahirap. Hanggang kailan niya kayang itago ang totoong siya. Hanggang kailan niya mapapanindigan ang pagsisinungaling niya. She doesn't know how to hide it.
like
bc
ATASHA, THE HOT AND BRAT (SPG)
Updated at Dec 15, 2024, 05:46
ATASHA CABALTERA Since she was a kid, nakukuha niya lahat ng gusto niya, kahit ngayon na nasa tamang edad na siya, Wala pa siyang hiningi na di binigay ng parents niya. Other people said that she's a brat mataray at kung ano ano pa. But she doesn't care at all " this is me and this is my life." Yun ang laging nakatatak sa isip niya. The hot and brat Atasha is 26 years old who graduated top of her class, kahit maldita Siya she want to maintain her grades before,ayaw niyang malamangan, that's why she's famous at the University before nung nag aaral pa siya. She's one of the most famous model in the Philippines, at kahit sa ibang bansa may mga kumukuha na din sa kanya,. Kaya Siya sumikat dahil sa taglay niyang ganda at napaka sexy na katawan na akala mo ay di na kumakain dahil sa liit ng baywang nito. Dahil din sa sikat siya marami ang nag sponsor sa kanya to maintain her freshness and beautiful body.Marami ang naglalaway na kalalakihan dahil sa alindog niya, she look so hot with her colored hair. At yung balat nito ay napakanis na kumikinang glass skin halatang alagang alaga. Lagi din itong my bodyguard mula pa nung bata pa ito, hanggang ngayon.Yung mga kinikita niya sa mga work niya ay naka save sa isa niyang account na di pa pinapagalaw ng daddy niya, pag 28 na daw Siya saka na niya pweding eh handle ang Pera niya. Pero may Sarili siyang account na pwedi niyang gamitin pero that's the money of her parents. Na nakalaan talaga sa mga gusto niyang bilhin. Dahil nag iisa siyang anak at ubod din ng yaman ang pamilya niya.Pero sa lahat ng gusto niya, isang wish niya lang ang di niya kayang makuha, the heart of the man that he love since she was a kid si JOSH ALCANTARA, he rejected her all the time, will, he always there for her naman, but not a lover, a protector maybe,. She did everything to get him, kahit nga nung college pa sila, lahat ng babae na nalilink sa kanya inaaway niya, kunwari di siya makahinga para awayin ni Josh yung babae na sinaktan niya, ganon siya ka praning at kabaliw sa kanya. But when he came from States everything change, nalaman niya lang na nagbago na nung nagpa party siya kay Josh at iniwan siya nito because of that girl ANGEL, the Josh that she love, fall in love to Angel. She did everything to ruin there relationship but it's too strong, they love each other and now she have nothing. Josh means a lot for her, his her world. her world trembling down Nung nalaman niya na mas pinili niya yun kaysa sa kanya. Di naman talaga naging Sila , MU lang but that MU didn't last long. Sobrang bilis lang, cause he doesn't like Atasha as a girlfriend. She so confused, why is there something wrong with her face, I think no, there's a lot but man na handang lumuhod sagutin niya lang, but her heart belong to Josh only Josh. after nung ginawa niyang last, sa girlfriend ni Josh, sobrang nasaktan niya si Angel madaming kalmot, at pasa ang nagawa niya dito. Dun siya nagising sa katutuhan na wala na pala talaga sa kanya si Josh. Nagalit sa kanya ang parents niya dahil sa ginawa niya, at nalaman na din ni Josh na it's all drama everytime na di siya makahinga.Atasha dad punished her, hinatid siya nito sa ibang bansa para masigurado nito na nasa States talaga ito. Di Siya pababalikin ng pilipinas hanggat di siya mataohan at magbago. Unang beses siyang pinagalitan ng malala ng daddy niya, pinagbabawalan din nito ang mommy niya, na lapitan siya kasi di daw siya matoto kung eh baby pa din. Ngayon dahil sa ginawa niya lahat binawi sa kanya, may kunting budget lang Siya. May food naman Siya pero Yaya niya ang humahawak ng pera para dun. She has her own Yaya na nag alaga sa kanya mula pa nung bata pa siya till now.Atasha grounded for 1 year , di siya pweding gumawa ng kagagahan dahil baka di na siya pauwiin ng pinas. At ngayon nalaman na din niya, na kinasal na Si Josh wala na talaga silang pag asa kaya kailangan na niyang mag move on habang nasa malayong lugar pa siya. Lagi niyang tinatanong sa sarili niya kung maiinlove pa kaya siya sa iba.Kailan kaya matatapos ang parusa sa kanya ng magulang niya? kailan kaya babalik ang lahat sa normal yung nasa pilipinas lang siya at kasama ang mga ito.Dahil wala siyang magawa sa states naisipan niyang mag bar, halos Isang taon na siya doon medyo ok na din sila ng parents niya dahil binalik na nito yung mga ATM nito pati passbook at visa, para daw kahit papano makapasyal siya. Papunta na siya sa bar gamit ang kotse ng pinsan niya, wala siyang car dito na sarili dahil pinarusahan siya Ng daddy niya at pinagbabawalan din na pumarty. Ngayon lang ulit siya makakabar,. Na excite si Atasha at bigla nitong pinaharorot ang sasakyan papunta sa pinakasikat na bar sa states. Makakatagpo pa kaya siya ng lalaking handang mahalin siya ng totoo at hindi bilang kapatid lang. May pag asa pa kaya, dahil si Josh lang ang nakikita niya at minahal niya ng mahabang panahon. May maswerte pa kayang lalaki na makakakuha ng attention niya. Yung lalaking iibigin siya pabalik at di Iwan.
like
bc
I LOVE YOU MR. PERFECT (SPG)
Updated at Aug 8, 2024, 19:02
Simula pa lang noon highschool pa lamang si Angel ay my gusto na siyang model na lalaki si Josh nakikita lamang nya ito sa mga cover ng magasin o di kaya sa tv lumalabas na din ito sa mga talkshow inaabangan Niya ito palagi. Ngaung mag kokolehiyo na si Angel kailangan na nyang sa Maynila mag aral. Sa di sinasadyang pangyayari iisang Universidad lang pala ang kanilang pinapasukan at dun sila nagkatagpo 18 palang noon c angel . Maraming nagkakagusto Kay josh dahil napaka gwapo at napaka perfect ng katawan nito, Isa na siya dun, Isang araw bigla niya itong nakasalubong sa hallway ng School nila binati nya ito ngunit di siya nito pinapansin, naisip nya suplado pala matagal pa naman na niyang gusto ang binata High school pa lamang siya, sabagay madaming magagandang babae ang nagkaka gusto at balita pa niya ay may ka date din itong babae ngaun, kahit hi man lang Sana ang damot naman nito, tuwing alas dose inaabangan Niya talaga sa hallway c josh para magpapansin at para batiin ito masyado na nga siyang papansin Pero wala pa din deadma lang talaga ito sa kanya, Para lang siyang hangin sa paningin nito. Sa paglipas ng ilang bwan na di pa din siya pinapansin nito at unti unti ng nadurog ang puso ni Angel tinigil na niya ang Pag Aabang Kay josh.Parang sinumpa Niya si Josh ayaw na niyang maramdaman na gusto Niya ito.lumipas ang ilang taon at sa wakas nakapagtapos na si Angel sa kolehiyo pwedi na siyang mag apply ng work sa Isang companya na pinapangarap nya dahil malaki daw ang sahod doon, matalino naman si Angel kaya alam niyang makukuha Niya ang pinapangarap nyang trabaho. Pero ang nag mamay-ari pala ng companya na papasukan niya ay ang pamilya ni Josh, wala na siyang choice dahil pasado na siya at magsisimula na siyang mag trabaho doon.Pinatay na Niya si Josh sa puso niya ayaw na nyang magka gusto o mainlove dito. Lumipas ang dalawang linggo at ang saya ni Angel dahil di Niya nakita maski anino ni Josh laking pasasalamat Niya dahil un talaga ang kanyang nais. Ngunit nagkaroon ng welcome party sa kanilang companya dahil dumating na daw ang Isa sa anak ng may ari di Niya alam kung sino dahil my kapatid naman si Josh na lalaki kuya Niya si Walter 34 yrs old gwapo din maganda ang pangangatawan at higit sa lahat hindi suplado. Dumating na ang araw ng party at bawal ang hindi pumunta dahil kailangan daw dumalo ang lahat.Nasa party na siya kasama ng Iba nyang ka officemate at ayon na nga si Josh pala ang pinakilala at sinasabing bagong mamamahala sa kompanya nila. Napainom ng wine si angel di siya sanay dito Pero lagok lang siya ng lagok ayaw na niyang makita ang binata Pero wala siyang choice dahil pinagtagpo sila ulit, my naramdaman pa ba siya nakalipas ang 4 na taon.Pumunta muna si angel sa my sulok ng table at umiinom pa din di Niya kasi alam kung anong dapat niyang maramdaman dahil parang bumalik ung pang dedeadma nito sa kanya dati my kirot pa din sa puso niya kasi bakit yung ibang babae dati pinapansin nya samantalng siya hindi talaga. Nasabi niya sa isip Ayos lng, ok lang yan matagal na yun kalimutan mo na. Nagulat siya ng my nagsalita sa likod Niya at ang Sabi baka malasing ka niyan nakarami kana ah narinig nyang Boses na familiar sa kanya walang Iba kundi so Josh, anong nakain kaya nito bat siya pinansin, ito ung pinakaunang pagkakataon na pinansin siya nito. tatayo na Sana siya at mag banyo muna Pero bigla nalang siyang nahilo,siguro kasi di siya sanay uminom,nahilo siya at nawalan ng Malay Buti nalang at nasalo siya ni Josh.Binuhat na ni Josh si angel at dinala sa Isang pribadong silid para lamang sa mga may-ari ng companya.Nang makapasok sila dun Ay bigla nalang nagising si angel at akmang susuka na kaya inalalayan nya papuntang banyo.tinali nya ang buhok nitong mahaba para di masukahan, pagkatapos nyang gawin un ay inalalayan nya ito pabalik sa napakalambot na kama.Hinubaran nya ito ng sandals at napatitig siya sa maganda nitong hita na para bang nang aakit at parang gstong magpahaplos nito, napakakinis ng balat ni Angel at ang puti na na parang nag aanyaya na halikan ni Josh ang mga ito.Napatanong nalang siya sa sarili Nya,kaya ko pa bang magpigil.kaysa ano Pang magawa nya kumaha nalang siyang maligagam na tubig at bimpo para mapunasna ang dalaga, di Niya akalain na makikita nyang maglalasing ito. Di man lng siya nakapag pakilala ng maayos dito at naging yaya pa siya ng wala sa oras.Ngulat ang binata na biglang tinuro ni angel ang gown na parang gustong ipahubad nito, marahil naiinitan ito dahil sa wine na naiinom nito, di Niya alam ang gagawin susundin ba Niya ito oh hayaang naka gown lng ito matulog Pero naawa naman siya dahil namumula na ang balat nito, kaya wala na siyang magagawa pumikit at hinubaran na Niya ito ng gown.Matapos ang masalimuot na sitwasyong na aming pinagdaan, nandito ako sa harapan ng bahay nila, upang hinging pormal sa mga magulang niya ang basbas para sa alok kong panliligaw. Hindi ko alam kung may puwang pa ako sa puso niya pero gagawin ko ang lahat makuha lang ang babaeng mahal ko.
like