
Monique De Chavez 24 years old. Ang palaban na babae sa kanilang lugar, Na para bang wala itong kinakakatakutan na kahit pa mga lasinggo at mga tambay ay kayang kaya niyang mapasunod na para bang ginamitan niya ito ng gayuma.
Kahit Payak ang pamumuhay ni Monique ay di mo ito makikita sa kanyang itchura. Ang babaeng pinagpala sa kagandahan, na para bang anak ng mayaman sa kanilang lugar. Maliit ang mukha nito, mamulamula ang balat na napakakinis na para bang babad sa aircon. Pero sa totoo lang ay wala talaga silang ganong bagay sa loob ng kanilang tahanan. Singkit ang mata nito at matangos ang maliit nitong ilong at mamulamula ang mga labi nito kahit pa man wala itong lipstick na nakalagay sa kanyang mga labi. Ang buhok naman nito ay tuwid na lalong nagpadagdag sa angkin nitong kagandahan. Walo silang magkakapatid at di sapat ang kinikita ng kanyang ama na isang security guard sa isang bangko. Kahit pa man malaki laki ang kinikita ng kanyang Ama ay di talaga sumasapat, dahil ang kanyang ina ay walang ginawang maganda. Di man lang kayang tulungan ang kanyang Ama na hirap na hirap na kakayod, na kahit pa Pag uwi nito sa kanilang bahay ay namamasada pa ito ng tricycle pandagdag kita at panggastos sa bahay nila. Di sumasapat ang Kayod ng kanyang ama dahil nagsusugal ang kanyang ina at walang pakialam sa kanilang magkakapatid.
Even the situation is so hard for Monique, she never quite her study, nag aral siyang mabuti para makapagtapos and promise her self to help her father someday. Para na rin makaalis na sila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Life is not easy for Monique and her siblings, nag asawa pa ng maaga ang kanyang ate kaya wala na talaga siyang magagawa Kundi pasanin ang pagiging nakakatandang kapatid.
Monique has a lot of talents and dancing is her first love,dun niya nakilala si Bryle ang lalaking nagka gusto sa kanya. 15 years old palang si Monique noon, iba ang priority niya. Wala siyang panahon sa mga lalaki ni kahit makipag usap nga ayaw niya. Pero makulit si Bryle lagi itong nagpapapansin at nagdadala pa ng pagkain para lang mapansin ni Monique. Di rin kayang tanggihan nito ang mga pagkain na masasarap, Pag may tira pa nga ay inuuwi nito para sa mga kapatid nito. Dahil sa pagkain nakipag kaibigan nalang siya Kay Bryle, sayang din kasi ang masasarap nitong pagkain. Gwapo si Bryle halatang may kaya sa buhay dahil sa mga soot nitong lalong nagpadagdag sa kagwapuhan nito. May clip chin ito at may dalawang dimple sa magkabilang pisngi, na lumalabas Pag ngumingiti ito. Makapal ang kilay, matangos ang ilong at maganda ang mga ngipin nito halatang alagang alaga. Pero kahit laging nakikipag usap si Bryle Kay Monique ay di pa rin siya masyadong nakikipag usap dito, wala naman din kasi siyang ma kwento dahil sa sitwasyon nila sa bahay. Baka kasi pag nalaman ni Bryle na sobrang naghihirap sila ay di na siya nito papansinin. Kahit pa nga kinukilit siya ni Bryle na ihatid siya sa kanila ay umaayaw siya.
Si Amber na kaibigan ni Monique ang laging kinukulit ni Bryle na kumbinsihin ang kaibigan na magpahatid oh di kaya ay mamasyal.Pero talagang umaayaw ang dalaga, ayaw pa kasi niyang magpaligaw or makipaglapit sa mga lalaki lalo na Kay Bryle dahil baka mahulog ang loob niya at masira pa ang mga plano niya sa buhay at ang pangarap niya para sa pamilya niya. Pero hanggang kailan niya kayang pigilan ang sarili, sobra mag alaga si Bryle, bagay na di nararanasan ni Monique sa pamilya niya. Ang pamilya niya na sa pakiramdam niya ay di siya mahal ng mga ito. Ang mga kapatid niya na gusto niyang mapatapos bago siya mag boyfriend. Pero pano kung sumuko na si Bryle may papansin at mag aaalaga pa kaya sa kanya kagaya ng ginagawa nito, pano nalang siya. Hanggang isang araw bigla nalang di nagpakita si Bryle, nahihiya din siyang magtanong sa matalik niyang kaibigan dahil baka pagalitan lang siya nito. Dahil sobrang pag ayaw niya dati. Ilang months din kasi siyang kinulit nito pero di niya ito pinagbibigyan, kahit hatid lang sa bahay nila. Nasa isip nalang niya baka nagsawa na ito oh di kaya ay nakahanap na ito ng iba. Nalungkot siya sa naisip niya na baka nga may iba na itong kinukulit, bigla nalang kasi itong di na nagparamdam. Pero ayaw din niyang aminin sa sarili niya na baka nga nahulog na siya Kay Bryle. Kung kailan nawala ito saka naman niya hinanahanap ang presencya at pangungulit nito. Lumipas ang ilang araw, ilang linggo at buwan pero kahit anino nito ay di na talaga nagpapakita. Di na nawala sa isip ni Monique si Bryle na para bang multo ito sa kanya na kahit tulog siya ay napapanaginipan niya ito. Di niya lubos maisip na bigla nalang itong di magpakita sa kanya. Pero kahit ganon pa man ang nangyari pinilit nalang ni Monique na kalimutan si Bryle ng tuluyan at magpatuloy sa buhay na pinangarap niya para sa pamilya niya. Pero may mga tanong lang sa isip niya magtatagpo pa kayang muli ang landas nila. Makakilala pa kaya siya ng katulad ni Bryle na sobrang magbigay ng attention sa kanya. Babalik pa kaya ito

