" huh " tanging nasagot ko lang pero di ko siya magawang tingnan, dahil ayaw kung makita niya na umiiyak ako.
" Sabi ko kung ok ka lang ba? " ulit nito.
" Ayos lang ako. " maikli kung sagot dito.
" No you're not ok, why are you crying? " mahilig talaga to mag salita ng english, pinapadugo talaga nito ang utak ko.
" Di ako umiiyak, dun ka na nga. " nagulat ako at bigla nalang ako nitong hinila paharap sa kanya.
" Sabi mo you're not crying, eh ano yan? may kasalanan ba ako? may nagawa ba ako? may problema ka ba? " sunod sunod na tanong nito, di ako pweding umamin na nasaktan ako ako sa nakita ko.
" Wala nga to, bumalik kana Kay Fiona. " pagtaboy ko dito, pero parang wala itong narinig at pinunasan pa nito ang mga luha ko sa mata.
" Hmmmp pano ako pupunta dun kung ganyan ka, don't get jealous to Fiona we're just talking kasi tinatanong kita sa kanya. " wika nito.
" Tanong daw eh kung makalingkis parang sawa. " pa bulong kung sabi mahina lang di ako sigurado kung narinig ba niya.
" Hoy moks nagseselos ka na nga gusto mo na din ba ako? " nakangiti pa nitong sabi, dahilan para lumabas na naman ang dalawang dimple nito sa magkabikang pisngi.
" s**t ang gwapo talaga. " sigaw ko sa isip lang.
" Ano moks di ka makasagot tulala ka na naman dyan sa ka gwapohan ko. " hinampas ko ito sa braso.
" Alam mo Ikaw aso ang feeling mo. " Sabi ko dito sabay hampas sa braso nito.
" Aray ko mapanakit ka talaga Monique. " pagkukunwari nito na sobra siyang nasaktan.
" Medic medic. " sigaw pa nito.
" Ikaw sira talaga yang ulo mo. " kinurot ko na nga ng malakas ng masaktan ng tuluyan.
" Kumain kana kasi sayang yung dinala ko sayo oh, deadma mo lang. Iuwi mo nalang yan mamaya kung ayaw mong kainin ngayon. " Sabi pa nito.
" Bigay mo nalang kaya Kay Fiona yan. " Sabi ko pa dito.
" kanina ka pa Fiona ng Fiona naiinis na ako huh, hahalikan na kita dyan. "
" Hindi na hindi na. " kontra ko dito.medyo gumaan na ang pakiramdam ko, si Bryle lang pala din ang magpapakalma sa sakit na naramdaman ko kanina. Nung nilinginon ko si Fiona masama ang tingin nito sa'kin.
" Ano tapos na kayong mag usap dyan tara na practice na tayo. " Yaya sa'min ni Amber, naiinip na din ito kakaantay. Nung nagbayo si Bryle at mag isa nalang ako malapit sa speaker lumapit bigla si Fiona sa'kin.
" Monique papansin ka talaga no, masyado mo ng dinadaan sa pag iinarte mo si Bryle. " malandi nitong sabi.
" Anong papansin ang sinasabi mo dyan Ikaw nga kung makalingkis ka Kay Bryle para Kang ahas. " sagot ko dito.
" Mas bagay naman kami kaysa sa inyo pareho kaming may kaya sa Buhay eh ikaw hampaslupa ka lang kaya di kayo bagay. " pagtataray nito.
" Eh kung ganon, galingan mo pa nang Ikaw ang ligawan. " pambabara ko din dito.
" Pano ako liligawan panay eksena ka! lumayo ka na Kay Bryle kung ayaw mong isumbong kita sa magulang mo. " pagbabanta nito.
" Bat ko lalayuan si Bryle eh magkaibigan lang naman kami. kung gusto mo Ikaw nalang umalis dito malay mo susundan ka niya. "
" Fiona tama na yan halika na dito. " saway ni Amber Kay Fiona palaban kasi talaga at maldita si Fiona. pero napaisip ako sa sinabi niya na mahirap kami, kasi totoo din naman. nakakalungkot naman talaga ang buhay ko, dahil nagkaroon ako ng Ina na walang pakialam sa'kin.
" Lumayo ka Kay Bryle kung ayaw mong makaladkad ng sarili mong nanay, you think di ka ilampaso nun sa kalsada pag nalaman niyang lumalandi kana? Kilala ko ang nanay mo kaya humanda ka kung itutuloy mo yang kalandian mo. Good luck sayo, sayang yang mukha mo kung saktan ka ng nanay mo. " pananakot nito sa'kin.
" Ang lakas din talaga ng Tama mo Kay Bryle no? bat di nalang kaya Ikaw Ang manligaw sa kanya para manahinik kana. " sagot ko dito, napipika na din talaga ako dito.
" Good idea Monique, wag Kang mag alala gagawin ko yan, tama nga no? " sabay irap na akala mo talaga pag aari na nito si Bryle. Di ko napansin na nasa likod ko na po pala si Bryle.
" Hi baby, tabi tayo later huh. " malanding sabi ni Fiona sabay lakad Ng pakimbot at humawak pa talaga Kay Bryle.
" Talagang pinamimigay mo ako Moks, ganon nalang ba talaga ako ka walang halaga sayo? nakakasakit kana. " Sabi nito na may bahid ng lungkot sa mga mata.
" Di naman sa ganon moks, alam mo naman di ba na magsusumbong si Fiona sa nanay ko, gusto mo bang di na ako makalabas? kaya sana pag Kasama natin si Fiona sa kanya ka muna maglalapit. " paliwanag ko dito
" Oh sigi kung yan ang gusto mo susundin ko, birthday ko sa saturday mag paparty si mommy baka gusto mong pumunta? " Sabi nito.
" Sigi punta ako pag wala akong gagawin, pero di ako nangangako huh. "
" Fine, I'm always you're last priority kaya ok lang sana makarating ka kahit yun nalang gift mo sa'kin. "
" Marami ka bang bisita? "
" Madami wag Kang mag alala, di ako maglalapit sayo dun basta pumunta lang. "
Parang may tumarak na namang kutsilyo sa dibdib ko sa mga sinasabi nito, bat nasasaktan ako pag sinasabi niya sa'kin Ang mga ganito.
" Sigi na Kay Fiona muna ako tatabi. " pagkasabi niya nun at lumapit na nga ito Kay Fiona at kilig na kilig naman ito sa paglapit ni Bryle.
" Ang hirap ng ganyan friend, tinutulak mo ang lalaking gusto mo sa iba, haits. " Sabi ni Amber, nakikinig lang pala ito sa usapan namin ni Bryle.