" Amber tama na. " saway ko dito, seryoso na ang mukha ko para di ito mangulit pa.
" Oo na di na ako mangungulit pa, Pero pag si Fiona at Bryle ang magkatuluyan sorry ka nalang huh, walang iiyak. " pananakit pa nito.
" Bata pa ako Amber di mo ako matatakot sa ganyan. " Sabi ko pero sa loob loob ko iba na ang nararamdaman ko, pilit ko lang nilalabanan pero syempre masakit na. Para pang nang aasar si Fiona.
" Sama ka sa birthday ni Bryle? nag invite siya sana sumama ka. "
" Wala akong maisuot Amber. " bulong ko dito kasi nahihiya ako baka pag narinig ng mga kasama ko pagtawanan pa ako.
" Ako ang bahala sayo marami akong damit sa bahay padala ng ate ko kaya wag Kang mag alala sagot kita. "
" Eh baka magalit so Mommy mo. "
" Akong bahala Kay Mommy. " sagot nito.
Si Amber ang laging kasama ko mula nung bata pa ako, childhood best friend kami, kahit mahirap lang kami, di nito tinitingnan ang stado ko sa buhay. Pero kung di mo ito kilala ng lubusan iisipin mo talaga na maldita ito at maarte. Sa iba oo ganon siya pero sa'kin sobrang bait niya.
" Amber baka makita ako ni Mommy mo na gamit ang damit mo. "
" Wag Kang mag alala Monique may pinadala si Ate na di pa nakikita ni Mommy yun yung ipapasuot ko sayo, kaya deal na huh sama kana. "
" Ok " nasagot ko nalang. Pagkatapos namin na mag usap ni Amber nag insayo na kami ng mga bago naming dance step. Mahirap pero pag nagamay na madali nalang. Isang oras din kami nag practice at pagkatapos at nagsidatingan na din ang mga batang tuturuan ko para sa kanila Christmas party dance.
" Ate Monique ang galing mo talaga magturo, kayo ni ate Amber. " Sabi ng kapit bahay naming bata na si Chelsy.
" Eh magaling din kasi kayo ang bilis niyong matuto. " nakangiti kung sabi.
" Thank you mga ate, " Sabi pa ng isang bata.
" Galingan niyo huh, wag kalimutan ang mga Tinuro namin. "
" Opo ate, alis na po kami salamat po ulit, ate Monique ito po pala pinabibigay ni Mama bayad daw po namin. "
" Salamat Chelsey pasabi na rin Kay Mama mo huh. "
" Opo ate bye na po. " nagmadali na nga ang mga bata mukhang excited na umuwi at maglaro.
" Wow ang laki. " nagulat kung sambit.
" Bakit? " Usisa ni Amber.
" Girl ang laki ng binigay hati nalang tayo. " sabay abot ko sa kaibigan ko ng Isang libo.
" No sayo yan keep it, magagamit mo rin yan, mas kailangan mo yan kaysa sa'kin. "
" Nakakahiya tumulong ka naman sa pagturo sa mga bata, deserve mo rin mabigyan. " pagpipilit ko sa kaibigan kung mabait.
" Pag pinilit mo yan sa'kin di na kita papansinin. " pananakot pa nito.
" Sigi na nga pero libre nalang kitang milk
tea. "
" Nako tigilan mo ako Monique, basta itabi mo na yan, ito na pala yung food oh uwi mo na, magtatampo sayo si Bryle pag iniwan mo to. "
" Sigi na nga tara na. " pagsang ayon ko nalang dito.
" Ang tagal niyo naman tara na hatid ko na kayo. " boses ni Bryle na napaigtad sa'kin dahil bigla nalang itong nagsalita, akala ko kasi sumabay na siyang umalis kila Fiona nagpaiwan pa talaga.
" Aso bat di ka pa uuwi. " sita ko dito
" Inantay kita kasi ihahatid pa kita sa inyo. "
" Nako Moks wag mo ng ipilit baka mataga ka ng Nanay ko pag nalaman niyang may pahatid hatid pa. "
" Di naman niya malalaman tsaka sabihin mo lang na best friend mo ako. " palusot pa nito..
" Walang ganon Moks, walang maniniwala sakin kahit pa pamilya ko na may best friend akong lalaki, baka balian pa ako ng buto ng Nanay ko. "
" Ano magtatalo na naman ba tayo. " Sabi ni Amber.
" Di nga kasi pwedi, Amber pagsabihan mo nga si Moks, baka sayo makinig yan. " pagmamaktol ko
" Tama na kayong dalawa baka pag nainis ako ipapakasal ko kayong dalawa. "
" Luh friend ang Oa mo na. " natatawa kung sabi dito.
" Seryoso ako baka pa nga ipa poster ko na kayo, You're all invited to our wedding, ganon ang ipalagay ko. " seryoso ng Sabi nga ni Amber.
" Tara na nga, Bryle wag muna ngayon, saka nalang ok, kung makapag antay ka pa, Iwas muna tayo sa gulo, war freak pa naman ang Nanay ko baka di makapagpigil. " paliwanag ko dito. kaya nauna na itong naglakad papunta sa motor nito.
Laglag ang braso nito na halatang di gusto sa offer ko. Naiwan kami ni Amber na nagligpit ng mga Kalat ng mga bata.